Part 3: First Dance

1720 Words
Claire' POV: Tanghali na ng magising ako, as usual pag nagbabakasyon buhay prinsesa ka kakain, maliligo, maghuhugas ng pinagkainan pagkatapos ay magpapahinga. Pangalawang araw na ng fiesta dito sa amin tinatawag nilang desperas pag una pa lang, yung pangalawa talaga ang kailangan icelebrate. Pag sinabing fiesta icecelebrate ang araw ng mga Santo (Saint's day) gaya ng mahal na San Juan, San Isidro Labrador at iba pa. May festival, variety show, disco night. Tanghali na ng may nag aya na naman ng inuman puro talaga inuman dito samin pag fiesta. "Claire, punta ka dito keyna Timothy, andito kami lahat" message nila sakin sa groupchat. "Pass muna ako medyo masakit katawan ko" reply ko. "Hali ka na, papunta na jan si Jessie para sunduin ka" mensahe sakin ni Ella. Maya't maya pa ay andito na nga si Jessie dala yung motor nya kayat sumakay na lang ako. Hindi naman kalayuan yung bahay nila Timothy sa amin peru dahil nga tinuturing nila akong disney princess kaya sobrang thankful ako sa mga kaibigan ko. Papunta pa lang kami keyna Timothy ay sobrang daming taong nagiinuman , nagkakantahan ni hindi mo na maintindihan kung ano yung kinakanta nila sa sobrang ingay may nagpapatugtog kabilaan. Marami ding mga batang naglalaro sa kalsada. Nakarating na kami keyna Timothy dito talaga tambayan namin noon pa. As usual kantahan at inuman session na naman pagkadating ko ay inalok agad nila ako uminom at ininom ko naman agad ito (parang di uhaw) nadatnan ko sila na pinaguusapan nila ang gagawin mamayang gabi may disco night kasi mamayang gabi pinagplaplanohan nila kung sino ang magpa reserve ng table kailangan kasi magpareserve kasi maraming aattend mamaya marami rin kasing nagbakasyon galing Maynila. Gabi na rin ng matapos kami sa inuman 7:30 na simula nung tanghali kami natapos at yung iba ay nag gagayak na sa sobrang excited pumunta sa event (disco night) Hinatid na rin ako ni Paulo pauwi gamit ang motor ni Jessie lasing na kasi si Jessie. Si Paulo ay nakababatang kapatid ni Jessie kalaro ko din si Paulo nung bata pa ako. "Dito na tayo Claire, sambit ni Paulo medyo may tama na rin kasi ako sa alak kaya hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. "Salamat sa paghatid" pasasalamat ko kay Jessie. "Walang anuman, basta Claire punta ka mamaya sa court ha! Maghihintay kami sayo" dagdag pa ni Jessie. "Ou naman" sabi ko sa kanya na nakangiti At umalis na rin si Jessie. Nagprepare na rin ako ng damit na susuotin mamaya dahil mahirap talaga sa akin ang mamili ng susuotin ko na para bang wala na akong damit. Pagkatapos ay naligo na rin ako at inantay mag 10pm. 11pm na ng magising ako. "Ayy putch*! sabi ko ng mahinang boses dahil tulog na sila mama hindi na rin ako nagpaalam na pupunta ako sa disco night. Pumapayag naman si mama na pupunta ako ayuko lang madisturbo si mama sa pag tulog nya dahil pagod ito sa mga gawaing bahay. Dali dali na rin akong naglakad papuntang court. Pagkadating doon ay hindi ka makakapasok dahil may entrance fee (Boys- 100pesos) (50 pesos naman sa mga babae) (Table- 150) minsan table with 1case drinks na) Nagbayad na nga ako ng 50pesos yes po may pang entrance po ako pagkapasok ko ay bumungad sakin ang napakaraming taong sumasayaw at nagiinuman sa kanya kanyang table. "Claire dito banda!" pasigaw na sabi ni Jessie "Kanina ko pa nga kayo hinahanap buti na lang at tinawag mo ako" sabi ko kay Jessie. "Bat ang tagal mo?" tanong ni Ella. "Nakatulog kasi ang lola nyo" sagot ko naman habang tumatawa Ilang oras ng nakalipas ay mga lasing na nga kami marami na kaming naubos na alak halo halo na kasi ang mga nainom namin. Syempre disco night sumayaw ako magpapatalo ba naman mahal kaya ang entrance fee. Kasama ko pala sa table sina, Jessie, Timothy, Ella, Marie, Joyce, Steven, Alejandro, Letty, and Christy. Sila yung mga tropa ko na kalaro ko noong mga bata pa kami. nagtitilian at nagtatawanan kami habang sumasayaw sa court bigla na lang napahinto kami sa pagsasayaw ng nagstop yung music. Pinalitan nila ito ng sweet music para sa mga mahilig mag sweet dancing. umupo na nga kami at nagreklamo dahil naudlot ang aming kasiyahan. itutunga ko na sana yung baso na may alak ng biglang may nakatayo sa harapan ko at sinabing "Pwede ba kitang maisayaw mahal na binibini" nagaalinlangan ako kasi umiiwas lang ako sa issue kasi dito sa amin maraming mga maritess/ chismosa konting maling galaw mo lang mabrobroadcast ka na kinabukasan. "Ayy si ano na lang isayaw mo Christian, si Ella" sabi ko kay Christian "Haynaku magagalit jowa ko ikaw na lang Claire pumayag ka na" sagot ni Ella Tumayo na ako para makipag sweet dance ng may biglang humablot sakin sa kabila "Pre, nakareserve na si Claire, napagusapan na namin na isasayaw ko sya" sabi ni Sebastian kay Christian "Uyy ano ba! wag kayo gumawa ng gulo dito nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" sabi ko sa dalawa " Walang problema Claire, pasensya na" paumanhin ni Christian sakin umalis na si Christian at humarap ako kay Sebastian hinila nya ako papunta sa gitna ng court para isayaw Iniharap nya ako sa kanya at ipinatong nya ang dalawang kamay ko sa kanyang balikat at inilagay nya naman ang mga kamay nya sa aking beywang tinititigan nya ako na para bang matutunaw ako sa hiya sa kilig hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko dahil halo halo na. Biglang pinalitan ng dj ang sweet music ng "After All These Years" *A faded Wedding Photograph 🎶 *You and me in our first dance *Our eyes are closed *We're lost in one sweet embrace *Since those days the world has changed *But our love remains the same *God knows we've had our share of saving grace Nakatitig lang kami sa isa't isa habang pinapakinggan ang napakagandang awitin habang nakatitig kay Sebastian ay para bang kami lang ang tao doon biglang nawala yung kaba ko na para bang tumahimik ang buong paligid kahit naman itoy maingay. Binasag ni Sebastian ang katahimikan naming dalawa ng sinabi nyang "you're so beautiful tonight" Sebastian said imbes na kiligin bigla na lang akong natawa kasi hindi naman maganda yung pagkabigkas sa sinabi nya . Nagtawanan na lang kami pareho hanggang sa matapos yung sweet music. Nang matapos na ay inihatid nya ako kung saan yung table namin dahil nasa kabilang table naman din sila. Bago nya ako bitawan ay he whispered in my ears "maghihintay kami ni Steve sa dating tagpuan" Si Steve ay pinsan nya na tropa ko din. 2am na ng nagpasya akong umuwi dahil di ko na kayang uminom at hilong hilo na rin ako at nagpaalam na rin ako sa mga tropa ko Pagdating sa bahay ay humiga kaagad ako at inilapag ang cellphone pagkalapag ko ay biglang may nagchat si Steve naka on pala data ko magdamag ni hindi ko namalayan * "Claire, asan ka na maghihintay kami dito hanggang 3am" chat sakin ni Steve *"Hindi ko na yata kaya maglakad Steve, nahihilo na kasi ako pasensya na" *"Claire, please pagbigyan mo na si Sebastian na makausap ka susunduin kita" chat sakin ni Sebastian *"sige" i replied. Sinundo na nga ako ni Steve at medyo lasing na rin ito. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang aming tagpuan Nang makarating na ay nakaupo lang sa sulok si Sebastian halatang lasing na lasing na ito peru pinipilit nya pa rin iayos ang kanyang sarili. "Pre, okay ka lang? kaya mo pa ba? tanong ni Steve kay Sebastian "Kayang kaya pre" sagot nya kay Steve "May magandang dilag ka pa lang kasama" dagdag pa ni Sebastian "Si Claire yan tangi!" patawang sabi ni Steve "Uyy Claire halika uminom ka at pag usapan natin kung san ako nagkulang" pabirong sabi ni Sebastian At nagtawanan ang dalawang bugok pinapunta lang yata ako dito para pagtawanan nila. "Lasing na kayo, uwi na ako" sabi ko kay Steve at Sebastian "Kakarating mo lang uuwi ka kaagad ubusin mo na natin tong dala naming alak" sabi ni Steve na parang hindi na alam ang kanyang mga binibigkas Kalahating pitsel pa lang ang nainom namin ay sumuka na nga si Steve "Pre, hindi ko na kaya" sabi ni Steve kay Sebastian sabay higa sa pinipwestuhan nya "Man down" nakatawang sinabi ni Sebastian "uwi na tayo, hindi mo na rin kasi kaya baka humiga ka rin jan sa pinipwestuhan mo hindi ko kayo kayang buhatin" "Kalma ka lang, makakauwi kami sa paroroonan namin" pagmamayabang ni Sebastian At biglang nagseryuso si Sebastian ilang minuto ng nakalipas ay tinititigan nya parin ako inilapit nya sakin ang mukha nya at dahan dahan nya akong hinalikan i admit it na Sebastian is a good kisser hinawakan nya ang aking mukha at patuloy nya parin akong hinahalikan hinayaan ko lang syang angkinin ang aking labi ng matapos na kami sa aming mission ay nag usap kami ng masinsinan "Claire, kung hindi ka kaya umalis tayo pa kaya?" "Huh? anong tayo? lasing ka lang! e mga bata pa tayo non walang kamuwang muwang sa ganyang mga bagay" pabiro kong sagot sa kanya "Claire, seryuso ako magseryuso ka nga" sabi ni Sebastian na tila bay nawala ang pagkalasing nito sasagot na sana ako ng bigla nyang sinabi na "Claire, sa panahon ngayon hindi na tayo pwede, masakit sakin ang bitawan ka, masakit para sakin ang makita kang kapiling ay iba" "Pero i have to let you go" "ang seryuso mo naman Sebastian para kang t*nga! (sabay tawa)pabiro kung sabi sa kanya para di halatang nasaktan ako sa sinabi nya "tara na nga uwi na tayo maguumaga na" dagdag ko ginising na nga namin si Steve at inihatid nila ako pauwi kumaway na lang ako sa kanila at naglakad na sila palayo. and then he pat my head He pat my head na para bang may pag care pa rin sya saakin. I'm not assuming noh! Peru diba ano kaya meaning pag pinat ka sa ulo? hayss nevermind. Delulu na naman kayo! Ako din HAHAHA Nang makauwi na ako sa bahay ay n*knampuch* nakalock! Nakakahiya gisingin sila mama kasi maguumaga na baka ano na naman sabihin ng mga maritess naming kapitbahay. Buti na lang talaga at nagising na si mama kaya binuksan nya ako at may konting sermon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD