bc

Billionaire's Unforgettable Love

book_age18+
3.9K
FOLLOW
27.1K
READ
billionaire
friends to lovers
drama
sweet
bxg
childhood crush
sassy
virgin
Writing Academy
actor
like
intro-logo
Blurb

Nasaktan si Janelle sa mga sinabi ni Jace ang childhood friend niya. Hindi daw siya nito magugustuhan dahil isip bata daw siya. Lumayo siya upang matakasan ang kahihiyan dahil nakapagtapat siya dito.

After ten years, nagkita ulit sila. Pero iba na ang ugali nito ngayon. Ayon sa kapatid nito. Naging masungit ito sa lahat ng tao. Pero nang magkita sila ulit ay hindi naman niya nakita ang sinasabi ng kapatid nito na ugali at palagi na lang siya nitong kinukulit sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

Paano niya mapipigilan ang puso kung araw-araw na lang ay inaakit siya ng gwapong nilalang na yun? Will she totally break the coldness of his heart?

chap-preview
Free preview
Chapter One
(Jace's POV) Kakatapos lang ng shooting. Katambal ko rito ang kaibigan kong si Camille. Being with her reminds me of my childhood friend, Janelle Cassidy. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Sampung taon na ito doon sa Amerika. Wala na yatang balak na magpakita pa yung kababata kong iyon. Napakainit ng panahon, para akong pinapaso. Mabuti na lamang at mabilis kumilos ang personal assistant kong si Bea. Pinayungan agad ako nito saka inabutan ng nakaboteng malamig na mineral water. Agad ko namang kinuha iyon at binuksan. Nilagok ko agad ang laman niyon. Nauhaw ako sa kakagalaw sa shoot. Action movie kasi ito at ngayon ang last day ng shoot. Kaya naman, grabe ang action scenes. Hindi naman ako gumagamit ng double dahil gusto kong ako talaga ang gumawa ng action scenes. Sa katunayan, malapit na ang premiere night namin. Nasa Tagaytay kami ngayon. Iniabot ni  Bea sa akin ang cellphone ko. "Sir Jace, nagtext po si Ma'am Jade." Pagbibigay-alam nito. Agad ko namang kinuha sa kanya ang cellphone ko saka binasa ang message sa akin ni Jade. Pinapapunta daw ako nito sa Dream Guys Resort. Inis na napakamot ako sa ulo ko na hindi naman makati. May ginawa na naman siguro itong di kanais-nais. Ano na naman ba kasalanan nito? Last time na nagtext ito na papupuntahin niya ako sa Dream Guys Resort ay dahil muntik na itong ipakulong ng kaibigan kong si Nigel. Muntik ba naman kasing pasukin ng kapatid ko ang private cottage niya. Nagkagulo sa buong Dream Guys Resort. Inakala daw kasi niya na cottage iyon ng isa ko pang kaibigan na si Ace. Matagal na kasi siyang may gusto sa kaibigan kong si Ace. "Bea, pakitawagan si Clifford. Sabihin mo kailangan ko ang chopper." Nakasimangot kong utos kay Bea. Nang makasakay kami sa private van. Agad kaming nagpunta sa Tagaytay Highlands. Mahigit dalawang oras din kaming naghintay doon bago lumapag sa helipad ang helicopter ng Dream Guys Resort. Lulan nito ang kaibigan kong si Clifford. Sumakay na ako sa helicopter. Nagpaiwan kasi si Bea, ayaw niya daw sumama sa Dream Guys Resort. Tahimik lamang kaming dalawa ni Clifford ni isa sa amin walang nagsalita. Siguro katulad ko stress din ito sa trabaho. Ganito kasi ito kapag tahimik. Halata mo na may pinoproblema. Hanggang sa makarating kami ng Dream Guys Resort ay walang nagsalita. Nang makalapag na kami sa helipad ng Paradise Haven. Nagpaalam na din ako sa kanya. Tumango lamang ito. Agad akong sumakay ng elevator. Habang nasa elevator ay naisipan kong tawagan ang kapatid ko. Isinandal ko ang aking ulo sa dinding ng elevator. Napabuntong-hininga ako habang nagriring ang kabilang linya. I'm so f*****g tired! Halos wala akong pahinga. Ilang ring bago may sumagot. "Hello, kuya." Masayang bati sa akin ni Jade sa kabilang linya.  Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganito iyong tono ng boses niya noong muntikan na siyang ipakulong ni Nigel. Malungkot kasi ang tono ng pananalita nito noon. Hindi gaya ngayon, napakasaya nito sa kabilang linya. "Ano bang kailangan mo sa akin, Jade? Bakit mo ako pinapunta dito sa DGR?" Malamig kong tanong sa kanya.  Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. Halata ang pagkadismaya nito sa itinanong ko. Masyado kasi itong madrama sa buhay. Gusto kasi nitong bumalik ako sa ugali ko noong highschool pa kami. Lumamig lamang ang mundo ko nang iwanan ako ni Cassidy ng hindi nagpapaalam.  "Kuya, may surprise ako sa iyo. Magkita tayo sa bukas sa DGR hotel." Masaya niyang sabi sa akin Mahina akong napamura sa sinabi niya sa akin. Paano ba naman kasi? Buong akala ko ay may ginawa na naman siyang katangahan at kailangan ng tulong pa. I was worried for nothing! Napapagod na ipinikit ko ang mga mata ko. Zachira Jade is sure as annoying like a little child. "You made me come here for no reason. What the hell is wrong with you, little sis? I am exhausted from the shoot." Malamig kong sabi sa kanya. Bumukas naman ang elevator. Agad akong lumabas ng elevator saka binuksan ang bahay ko. Dalawang floor ng building kasi ang bahay ko. Lahat kami na nagmamay-ari ng resort ay may kanya-kanyang bahay sa building ito. Nang matapos ko ng i enter ang passcode ng bahay ko ay agad akong pumasok. Umupo ako sa sofa. Saka pinakinggan si Jade sa kabilang linya. "I know you are tired, kuya. Kaya nga, pinapunta kita sa resort para makapagpahinga. Hayaan mo, ako na muna ang bahala sa company natin. Ipi-print ko na lang yung mga kailangan mong pirmahan. Saka ko ibibigay sa'yo kapag nagkita tayo ulit. Just take some rest, kuya. I love you." Malambing na sabi ni Jade saka ibinaba ang tawag. Hinubad ko ang mga saplot ko sa katawan maliban sa boxers ko. Kailangan ko kasing maligo na muna. Warm bath would be nice. Pumasok agad ako sa banyo para magbabad sa bathub. Ilang minuto pa ay nagbanlaw na ako dahil inaantok na ako. Nakatapis akong lumabas ng banyo pagkataoos kong mag sepilyo. Nang maisuot ko na ang boxers ay agad na akong humilata sa kama para matulog. (Janelle's POV) Nakakabored talaga. Gusto ko ng may pagkakaabalahan. Gaya ng negosyo. Nakakadepress naman. Kararating ko lang galing sa Amerika. Buti nga at naisipan ko pang umuwi after ten long years. Actually, hindi ko naman talaga desisyon na umuwi dito dahil marami sa nakaraan ko ang ayaw ko ng balikan at ibaon sa limot. Kung hindi lang ako napilit ng pamilya ko na umuwi ay wala talaga akong balak na umuwi. Wala pa rito ang boyfriend kong si Anton. Kasi naman, ang Anton ko ay masyadong dedicated sa trabaho minsan kasi parang wala na siyang time sa akin. Nakakainis, pero mahal ko eh. Anong magagawa ko? Palagi ko nga siyang iniintindi kahit may date kami ni hindi niya sinisipot dahil may emergency meeting daw ang kompanya nila. Ganyan ako ka-understanding. Janelle Cassidy Torrez ang pangalan ko. Mahaba para sa akin. "JC" ang tawag sa akin ng pamilya ko."Janelle" naman ang madalas na tawag sa akin ng mga kaibigan ko at classmates ko. Mukhang boyish daw kasi pakinggan ang " JC ". Andame kasi nilang kaartehan. Aish! Ewan ko na lang. May brother ako, pangalan niya naman ay Junelle Carlisle. Magkamukha kami. Pero matinik din pagdating sa babae. Ang sabi niya sa akin ay kaya niya ako gustong pauwiin ay para makita ko din daw ang pinaghirapan niyang negosyo. Balita ko ay co-owner siya ng resort ni Zach. And i'm only 25 yrs old. Tapos ako sa course na HRM. At specialty ko ang pagluluto ng kung ano-ano. Mahal ko ang pagluluto at walang makakapagsabi na tigilan ko ito. Pero minsan, sinabihan na ako ni Anton about that. Gusto niya na kumuha ako ng business add. Pero ayoko, tapos, nagkatampuhan tuloy kami. Bakit parang feeling ko ayaw niya sa gusto ko? Mahal ba talaga ako ng Boyfriend ko? Nag-on nalang ako ng t.v. At parang inaasar nga naman ako ng pagkakataon dahil ang pinaka-ayaw ko na tao ang nakita ko. Siya si Zachary Jace Madrigal. At kung bakit? [FLashback:] 10 years ago.... "Gusto kaya kita?" pag-amin ko sa kanya. Hinawakan niya ang noo ko. Nasa likod kami ng bahay nina Jace. Doon ko gustong ipagtapat ang nararamdaman ko sa lalaking nagpatibok ng aking puso. Hindi ko alam kung tama ba ang gingawa ko ngayon. Hindi ko na iniisip ang magiging kahihinatnan ng pagtatapat ko sa kanya. "Hindi ka naman nilalagnat ah! Bakit parang inaapoy ka ng lagnat sa sinasabi mo?" Tumawa siya ng malakas. Nakakainis di ba? Nagtapat ka na nga pinagtawanan ka pa. Ang bait niya super! And I was only 16 years old this time na naisip ko ang kabalbalan na ginawa kong pagtatapat sa kanya. Iwinaksi ko ang kamay niya. "Hindi ako nilalagnat!" pabalang kong wika. Tumigil siya sa pagtawa. Tinitigan akong mabuti. There was a glint in his eyes. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa pagtatapat ko? O talagang Amuse na amuse lang siyang asarin ako? Kababata ko kasi siya. Magkalaro kami since nursery palang ako. Close kasi ang mga pamilya namin. Kaya naman kami ay parang ganoon din sa isa't-isa. Hindi kami mapaghiwalay simula noong bata pa kami. Palagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya. I used to call him "Kuya Zach" when I was young. Pero noong nagdalaga na ako ay tinatawag ko na lang siya sa pangalan niya. Ako lang ang tumatawag sa kanyang Zach. Dahil "Zj" ang madalas na itawag sa kanya ng mga magulang namin. Parang kabaliktaran lang ng nickname ko. Magkatunog kasi ang mga iyon. Which I find it weird? Palagi niya akong pinagtatanggol sa mga nambu-bully sa akin ngayong highschool kami. Campus crush kasi siya. At dahil palaging kami ang magkasama ako ang napag-iinitan ng mga fan girls niya. At siya naman ay palagi lang nariyan upang sagipin ako at ipagtanggol sa mga umaapi sa akin sa school. Kaya nga siguro nahulog ang loob ko sa kanya. Ang bait niya kasi sa akin. He always cares for me. Sabay kaming pumapasok, nagla-lunch at umuuwi galing sa eskwela. Ganoon kami ka-close dalawa. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko. I fell in love with him. At nakapagdesisyon akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero heto ngayon at pinagtatawanan lang niya ako. Ang saklap lang! "Talaga lang ha? Seryoso ka talaga sa lagay na iyan?" tanong pa niya while looking straight at my eyes. Tila sinusuri niya kung gaano katotoo ang pinagtatapat ko sa kanya. Kanina pa ako pinagpapawisan ng malagkit dito at nanlalamig na din ang mga kamay ko. Ngayon, naiintindihan ko na ang nararamdaman ng mga taong nagtatapat. Hindi pala madali! Kaya naman bilib ako sa mga taong nakapagsasabi ng nararamdaman nila. Dapat silang bigyan ng award. "Mukha ba kong nagbibiro?" tanong ko sa kanya. Halata ang inis sa tanong ko. Doon ay bumulanghit siya ng tawa. Yung tawa na halos gugulong na siya sa sahig anytime. Ang sama talaga! How could he laugh at a girl who's confessing to him? He's such a devil! Akala ba niya nakakahinga pa ako ng maayos sa pagtatapat ko? Hindi! Nilunok ko ang lahat ng ego ko para lang magtapat sa kanya. Tapos ngayon, heto siya tawa ng tawa. Sakalin ko kaya siya para matauhan o di kaya'y bigyan ko ng nakakatulig na upper cut nang makatulog. "Alam mo namang hindi kita magugustuhan dahil isip-bata ka." Sumeryoso siya. May pag-aalangan sa boses niya nang sabihin niya iyon. At nang marinig ko iyon. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Hindi ko yata kayang tanggapin. Habang umiiyak ako may narinig akong music sa likod ko. May kumakanta ng "Di Ko Kayang Tanggapin" By: April Boy Regino. Kasalukuyan kasing nagvi-videoke ang mga magulang namin sa loob. Sigurado akong si Daddy ang kumakanta. Iyan daw kasi iyong kinanta niya nang maghiwalay sila ni Mommy noon. Para siyang pinaksakluban ng langit at lupa. Ganoon na ganoon din ang nararamdaman ko ngayon. Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo Nais kong magmakaawa sa 'yo Suyuin ka, pilitin ka Na ako'y muling mahalin   Di ko kayang tanggapin Na mawawala ka na sa akin Napakasakit na marinig Na ayaw mo na sa akin Hapdi at kirot Ang dulot sa 'king damdamin Di na ko kayang mabuhay sa mundo Kung mawawala ka sa piling ko Asar! Kailangan pa bang ipamukha sa akin ng tadhana na basted ako. Kaya pa ba ng puso ko? Tiningnan ko lang si Zach ng masama. Nakakainis! Kahit sino naman siguro sabihan ng ganoon. Lalo na kung galing sa taong mahal mo, masasaktan ka talaga. Ang sakit-sakit! Para akong kinakapos sa paghinga. Dahil doon, hinampas ko siya. Habang umiiyak ako. Nang sa ganoon gumaan naman kahit papaano ang nararamdaman ko. Pero ano ito? Bakit hindi pa rin mawala-wala ang sakit na nararamdaman ko? Pwede kayang palagyan ng anestesiya ang puso para mamanhid na lamang ito at mawala ang sakit sa dibdib ko? Ang drama ko na! Kailan ba ako naging ganito ka affected sa pag-ibig? Dati naman, patay malisya lang sa akin kapag pinagtatanggol niya ako sa mga umaapi sa akin. Pero bahala na. Ang mahalaga ay mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Wala akong pakialam kung sobrang pangit ko na ngayon o ano? Ang gusto ko lang ngumawa at the top of my lungs! Bakit? May problema ba doon. Kaysa naman pigilan ko iyong damdamin ko. Mababaliw ako kapag ginawa ko iyon. Wala akong pakialam kung napakahina ko sa harap ni Zach. I just wanted to make him feel the pain. Siguro naman sa pagngawa ko ngayon makonsensya din siya. Sinimulan kong hampasin ang matigas niyang dibdib. Oo, matigas iyong dibdib niya. Malaki kasi siyang tao. Hindi mo mahahalata na bata-bata pa siya.Kasi napakalaki na ng katawan niya. "Ang sama mo Zach. Ang sama mo talaga." paulit-ulit kong sabi sa kanya. Natigilan lang ako sa paghampas sa kanya nang hawakan niya ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung nasasaktan din ba siya base sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Iyong parang tipong hindi na niya ako bibitiwan. Iyong tipong hindi niya kayang nakikita akong ganito. Pinilit kong magpumiglas pero hindi niya ako binitiwan. Napaupo na lang ako habang yakap-yakap pa rin niya. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. Habang hinahaplos lang niya ang likod ko. Bakit ba niya ginagawa ito? Bakit ba may payakap-yakap effect pa siya? Lalo tuloy akong nasasaktan e! Hindi ko naman hinahangad na maging kaming dalawa. Ang gusto ko lang, aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Akala ko kasi may feelings din siya sa akin e! Napaka-gentleman niya kasi, maalaga, sweet at ramdam ko na mahalaga talaga ako sa kanya. Ano ba naman Janelle? Binasted ka nga di ba? Ibig sabihin lang noon, hindi ka niya gusto! bulong ng isip ko. Tama nga naman di ba? Ano ba naman kasi ang inaasahan kong nararamdaman niya? Umaasa pa ba akong may gusto din siya sa akin at gusto niyang bawiin ang pambabasted niya sa akin? Ang tanga ko talaga kahit kailan! Binasted ako ng lalaking mahal ko? What do I do? Isa lang ang naisip ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ngumawa! Unti-unti niya akong binitiwan. Tiningnan niya ako ng maigi. Tapos hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko. He cupped my face. There was sudden emotion that flushed in his face. Pero hindi ko mabatid kong ano iyon. "I'm sorry, Cass. I just don't want you to get hurt. Stop crying please. Hindi ko kayang nakikita na umiiyak ka." He gently caress my cheek as he pleaded. Hindi kaya na nakikita mo akong umiiyak? Anong ibig sabihin nun? Niloloko ba niya ako? Kalokohan hindi ba? Ginawa niya ang sinabi niyang ayaw niyang makita. Ang galing niya hindi ba? Nakiki-senti pa siya e ako itong nasasaktan? Tinulak ko siya ng ubod lakas. Saka ako dali-daling lumayo. Tinalikuran ko na siya. Handa na sana akong humakbang palayo sa kanya nang maramdaman kong yakapin niya ako mula sa likuran. Napasinghap ako sa ginawa niya. Itinuntong niya ang baba niya sa balikat ko. Saka mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. At iyong puso ko! Hayun tumbling ng tumbling. Hindi ko siya maintindihan! Bakit ba niya ginagawa ito? "Zach, what are you doing?" Natataranta kong tanong sa kanya. "Can I just hug you for a while?" Awtomatikong napanganga ako sa sinabi niya. Kasabay ng paglandas ng luha sa mga mata ko. "Kung hindi mo ako kayang magustuhan. Just let me go. Huwag mo akong paasahin sa wala. Huwag mo namang gawin sa akin ito, Zach." May halong pakiusap kong sabi sa kanya. He slowly let me go. Iyon na ang cue ko para tumakbo. Tumakbo sa nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw ko na siyang makita kahit kailan. Pinatunayan lang niya na hindi niya ako kayang magustuhan. At ang saklap lang naman isiping nagdurugo ang puso ko. Kupido naman, bakit hindi mo ako tinulungan? Hindi ba pwedeng panain mo rin siya gaya ng ginawa mo sa akin? Ang unfair mo naman! Ako lang yung pinana mo, siya hindi! Nasaan ang hustisya kupido?! Mula noon, palagi ko na siyang iniiwasan. Kapag nandiyan siya para lang siyang hangin. Hindi ko sinasagot ang anumang itanong niya. At palagi akong nagwa-walk out kapag nandiyan na siya. Ayoko na kasing makita ang pagmumukha niya. At kapag nakikita ko siya lalong nanunumbalik sa akin ang sakit ng mabasted! Wooaah! I know na ang kapal ng mukha ko nang gawin ko iyon. Nakakahiya iyon at masakit sa ego pero nilunok kong lahat para sa kanya. Bitter ba? Kayo kaya mabasted? Kaya niyo bang i-take? Parang gusto ko tuloy ulit umiyak. Kaysa naman masaktan ako araw-araw tuwing nakikita siya, mas mabuti na siguro kung lumayo ako sa kanya. Hindi lang malayo, kundi malayong-malayo! I wanted to buried him alive for rejecting me! Pero hindi ko magagawa iyon kung sariwa pa rin iyong sugat sa puso ko. At isa lang ang solusyon sa problema ko. Ang magpakalayo-layo sa kanya! Nasaktan lang ako pero hindi ako magpapakatanga! Hindi na uso ang martir ngayon. Ang pagiging martir ay nakakamatay! Tandaan niyo iyon! Kaya naman nakapagdesisyon na ako na umalis patungong Amerika nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Bakit pa ako magpapaalam? May tumatakas bang nagpapaalam? Tinatakasan ko na nga siya at iyong feelings ko para sa kanya. Kaya hindi na ako dapat pang magpaalam. [End of Flashback] Iyon ang pinakamasamang scenario na naganap sa tanang buhay ko pero kahit ngayon, hindi ko malimot-limutan iyon. At lalong hindi ko malimot-limutan ang taong naging dahilan ng bangungot na iyon. Hindi lang puso ko ang nasaktan noong magtapat ako sa kanya. Pati ego at pride ko kaya naman gusto ko sana bawiin iyon. Kaya kinamuhian ko ng husto ang lalaking ito. Masisisi niyo ba ako kung magtanim ako ng galit sa kanya sa loob ng sampung taon? Pumunta ako sa States para kahit papaano makalimutan ko ang multong ginawa ko. Nakangiti siya sa t.v at parang may iniindorso. Nabasa ko kung ano iyon. "Dream Guys Resort?" tanging naisambit ko na lang nangmakita ko ang iniindorso niya sa T.v. Naman, kailan pa ito naging responsable? Sikat nga ito alam ko at marami daw fans. Naglevel-up ang lalaking to. Ang dami kasing TFC subscribers na sumusuporta sa kanya kaya naman alam ko kung ano na ang karera niya sa buhay ngayon. Pati sa twitter, **, f******k at mga blog sikat na sikat ang pangalan niya. He was known as Jace Madrigal the Ice Prince. Which I find it weird? Totoo, kasing lamig daw ng yelo ang ugali niya? Hindi naman kasi cold si Zach. Binasted niya ako pero alam kong mabait siyang tao. Heto na naman ako! Pinupuri ko na naman ba ang lalaking iyon! Ano kaya ang maari kong gawin para naman makaganti ako sa kanya kahit papapano? Napangiti ako. May naisip na akong paraan. Ano kaya kung magtayo ako ng negosyo sa resort niya? Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Sigurado akong aasarin ko ang taong ito. Tingnan ko lang kung hindi mamuti ang buhok niya sa akin. Magandang ideya iyon para naman makaganti ako sa taong ito from ten years ago. Mata niya lang walang latay! Sa pagkakataong ito ako naman ang babawi! Humanda ka Zachary Jace Madrigal. Papatayin kita sa alindog ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Be Mine Again

read
99.2K
bc

Married By Mistake

read
171.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

OSCAR

read
227.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook