(Janelle's POV) Nandito na kami sa Dream Guys Resort. Dito ako dinala ni Zach. Sa private building niya. We were in the fourth floor. Sa rooftop kasi nitong building nag-landing ang chopper. Namangha ako sa nakita ko nang makalabas kami ng elevator. Fully furnished ang palapag. May glasswalls na nakapagitan. Para itong mini office. May secretary siya doon na ngayon ko lang nakita. Lalaki ito at may ipagmamalaki din sa hitsura. In short gwapo din. Lamang si Zach ng ilang paligo dito. He was smiling at us. Bahagyang napadako ang tingin niya sa akin. Para bang nagtatanong kung sino ako. "I am Janelle Cassidy Torrez. Zach's childhood friend and Carlisle's elder sister." Pakilala ko sa kanya saka inilahad ang kamay ko. He warmly smiled at me. Tinanggap naman niya ang palad ko. Madali din n

