[ Jace's POV ] It's twelve thirty. Papunta na ako sa opening ng shop ni Cassidy. Siniguro kong mga importanteng guest lang ang makakapunta doon dahil mahirap na kapag maraming nagpa-autograph sa aming dalawa ni James. Kailangan kasing naroon kaming lahat na may-ari ng resort. Gusto ko rin namang pumunta. Kahit na medyo kinakabahan ako kay Cassidy. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip ng babaeng iyon. Baka mamaya ako na naman ang suntukin non. Ako na naman ang mablack-eye. Mahirap na. Mabuti na lang talaga at napakiusapan ko si Camille na huwag ng magdemanda. Dahil tiyak kong makakasuhan si Cassidy. Bakit ba kasi idinaan pa niya sa init ng ulo? Hindi ba pwedeng nakipag-usap na lang siya kay Camille ng maayos. Ilang liko lang mula sa private part ng resort ay bumungad na sa akin ang bakes

