Chapter 18: The Gang and the Mystery Caller

1529 Words
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Josh habang patuloy lang ito sa pagmamaneho ng kotse. Tapos na kasi ang klase namin sa buong araw at ngayon ay may aattend-an daw siyang meeting. “You’ll know later,” sagot nito at saka pilit na ngumiti. “Okay,” tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ilang saglit pa at nakarating na kami sa isang subdivision na may arko pa sa buka na ang nakasulat ay ‘Silver Gate’. Maya-maya pa’y huminto kami sa isang malaking bahay na may kulay puting gate. “Kaninong bahay ‘to?” tanong ko habang tinatanggal ang seat belt ko. Bumaba naman na ng kotse si Josh nang hindi sinasagot ang tanong ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pagkapasok sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Ephraim na mukhang may dina-dial pa sa phone na hawak. “Ohh andyan ka na pala Josh. Nasa loob na ang iba,” sabi pa nito at saka kami sinenyasang mauna ng pumasok sa loob. “Weekly meeting will start in 5 minutes. No civilians allowed,” napalingon ako sa matangkad na lalaking dumaan na may dala-dala pang mga beer papasok sa isang room. Pamilyar ang mukha niya, siguro ay sa E.A din siya napasok. “Papasok lang muna ako sa loob ah? Hintayin mo na lang ako dito,” sabi ni Josh sa’kin at saka ako iniwan sa may living room. Iginala ko naman ang paningin ko sa paligid. Kung sinuman ang may-ari ng bahay na ‘to, I’m sure he’s very rich! Mukhang mamahalin kasi ang mga furnitures saka napansin ko din kanina kung gaano kaluwang yung parking lot. Mukhang marami silang sasakyang pagmamay-ari. Not that I was amazed, kung tutuusin ay isa rin naman sa pinakamayayamang angkan sa bansa ang pamilya namin. Pero kung yaman lang din naman ang pag-uusapan, I’m quite sure na mas mayaman sa’min ang pamilya nila Josh. May control ang pamilya nito over the school administration gayon din sa iba’t ibang business enterprises sa loob at labas ng bansa. “Don’t you feel out-of-place here?” napalingon ako sa lalaking nagsalita. Matangkad siya at hindi mapagkakailang gwapo. Kamukha niya yung Koreanong bida sa koreanovelang napanood ko last week, yung She Was Pretty ang title. “Okay lang naman ako dito. Member ka din pa ng club nila?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng maluwang dahilan para madisplay nito ang pantay at mapuputing mga ngipin. In fairness, pwede siyang pumasang commercial model ng toothpaste. Mas lalo tuloy siyang gumwapo. “Yeah. I’m one of the members. I’m Rom by the way,” inabot niya ang kamay niya kaya tinanggap ko naman ito. “I’m Ericka. Sinamahan ko lang dito yung friend ko,” mukhang nagulat ito sa sinabi ko. “You’re not a new member?” parang dismayado pang tanong nito. “Ahh ehh… ano bang ginagawa niyo sa club niyo?” “Hmm… some fun stuffs?” parang hindi ito sigurado sa sinabing sagot. “Fun stuffs? Like?” “Oi Rom, tigilan mo nga ang pangbabakod diyan sa chicks ni Josh at pumasok na dito!” sigaw nung matangkad na lalaking may kulay pulang buhok. “You’re Josh’s girl?” gulat pang tanong nito. “Ha? Ahh naku hindi!” Ngumiti na naman ito ng maluwang. “That’s good to hear. See you later!” kinindatan niya pa ko bago tumakbo papasok sa loob ng room. Naiwan naman akong nakaawang pa ang bibig. Is he trying to hit on me o nagfifeeling maganda na naman ako? Nagkibit-balikat na lang ako at saka sumandal sa malambot na sofa. Hindi naman sila siguro mga gangters di ba? Para kasing may narinig akong rumors before na may mga secret gangs sa E.A at walang nakakabuwag sa kanila kasi karamihan sa kanila ay mga anak ng mayayamang pamilya, mga maiimpluwensyang tao. Pero dahil mukha naman silang mababait ay tingin ko, wala akong dapat ipag-alala. Kumuha na lang muna ako ng magazine sa ilalim ng mesa at saka nagbasa-basa. Ilang minuto pa ang dumaan bago magsilabasan yung mga tao sa room na pinasukan nila Josh kanina. Agad kong hinagilap si Josh sa kanila. “Eeh, are you looking for me?” napalingon ako sa left side ko at nakita ko ang nakangiting si Rom. Seriously, hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Sasagot pa lang sana ko sa kanya nang biglang may tumunog na alarm at magtakbuhan palabas yung iba. “A-anong nangyayari?” taka kong tanong. “Naku naman! Wala talaga silang kadala-dala!” umiiling pang sabi ni Rom at saka ako hinawakan sa kamay. “Let’s go!” Kahit hindi ko alam kung anong nangyayari ay nagpadala na lang ako sa kanya sa labas. Pinasakay niya ko sa loob ng van kasama yung iba pa nilang members. Nagulat naman ako nang makitang katabi ko si Josh sa kaliwa habang si Rom naman ay tumabi sa kanan ko. “Eri? Hindi ba sabi ko sa’yo, hintayin mo lang ako sa living room?” “Ahh ehh may narinig kasi kaming alarm? Ano bang nangyayari?” Sino ba naman kasi hindi maguguluhan sa mga nangyayari di ba? Basta na lang nila kong sinakay dito sa van nang walang kaalam-alam sa nangyayari. “Some gangs infiltrate our territory,” cool lang na sabi ni Rom. Teka, ano daw? “Wag ka na lang lumabas mamaya kapag nakarating na tayo sa area, okay?” sabi pa sa’kin ni Josh. Mukhang wala talaga siyang balak ipaliwanag sa’kin kung ano itong nasamahan kong grupo. Napansin kong nag-uunat yung mga members na nakaupo sa harap namin. May mga nagpapatunog pa ng daliri sa kamay. Yung dalawang katabi ko sa likod ay parehong tahimik lang at parang wala lang na nakasandal sa upuan. Gustong-gusto ko nang magtanong pero pinili ko na lang na manahimik na lang muna. Maya-maya pa’y tumigil ang sinasakyan namin at isa-isa silang naglabasan. Lalabas pa lang sana ako nang pigilan ako ni Rom at ni Josh. “Stay here,” halos sabay pang sabi ng dalawa sa’kin. Nagkatinginan naman ang mga ito. “Ahm—“ magsasalita pa lang sana ako nang saraduhan na nila ko ng pinto. Ay grabe! Hindi man lang nila ko sinabihang isasara na nila! Napasimangot na lang ako at saka bumalik sa pagkakasandal sa inuupuan ko. Pero seriously, ano ba talagang gagawin nila dito? Mula sa bintana ay tiningnan ko kung anong nangyayari sa labas. Nakita ko ang grupo nila Josh na mga nakatayo lang at nakatingin sa kabilang direksyon. Uhm, sige mag-iisip ako ng pwedeng choices. A, may team building ba sila? At kaya hindi nila ko sinama sa labas kasi hindi naman ako kasama sa team nila? B, may dumating na importanteng bisita kaya dali-dali silang nagpunta dito at kaya hindi nila ko sinama ay para hindi ko makita ang VIP na yun? Oh no, hindi kaya sila mga agents? Mga SPY katulad ng mga napapanood ko sa American series na Scorpion? C, may gang war sila at kaya hindi nila ko sinama sa labas ay dahil maiipit ako sa gulo. Okay, masyado na yata akong nahahalina sa pagbabasa ng mga manga at kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Nilingon ko ulit ang pwesto nila Josh kanina at mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung paano sila sugurin ng mga lalaking mukhang mga goons. Ano ba yan, masyadong malaki ang difference nila sa itsura pa lang! Pero teka… ibig sabihin… “Tama yung option C na naisip ko?” natitlihan ko pang sabi habang patuloy na nanonood sa away sa labas. “They’re gangsters? Oh no, paano kung matanggal ang salamin ni Josh at maging si AJ siya ulit?” “Don’t worry, hindi yun mangyayari,” nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa passenger seat. Tiningnan ko naman sa rear view mirror kung sinong nakaupo dito at nakita si Camille na nakashades pa habang nanonood lang sa nangyayari sa labas. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Bago na yung salamin na suot ni Josh. Pwede na yun malock sa likod para hindi mahulog kaya wala kang dapat ipag-alala…” “Ahh…” napatangu-tango naman ako. Oo nga pala, nasira yung salamin ni Josh nung nasa Batangas kami. “Teka, bakit nandito ka sa loob?” “Because I’m their boss,” maiksing sagot nito. Ngayon ay unti-unti ng nagiging malinaw sa’kin ang lahat. Napalingon ako sa labas ng bintana sa kabilang side nang mapansing may estudyanteng papalapit sa’min. “Naku, hindi siya pwedeng magpunta dito,” agad kong binuksan yung pinto ng van at saka tumakbo papunta sa estudyanteng naglalakad. Mukhang mas bata siya sa’kin at gaya ko ay may suot din itong makapal na salamin. “Ano kuya, wag ka nang tumuloy ng lakad dito! May ano kasi eh… may ginagawang daan! Oo tama! May ginagawang daan pakalampas diyan sa van kaya wag ka ng tumuloy,” pagsisinungaling ko dito habang tinuturo ko ang daan papunta sa van. Nagtatakang tumingin lang ito sa’kin at pagkatapos ay sa van na pinanggalingan ko. “Ahh sige…” nakahinga ako ng maluwang nang tumalikod na ito at maglakad palayo. Pabalik na sana ko palapit sa van nang biglang magring ang cellphone ko. Unknown number ang nakadisplay dito. “Hello?” “Is this Ericka?” Pilit kong inalala kung kaninong boses ang natawag pero hindi ko ito maalala. “Yeah, who’s this?” nakakunot ang noong sagot ko. “So you were still alive huh? And what? You’re still with that jerk…” hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. “S-Sino ‘to?” “Just… someone, in shadows.” “Ha? Anong sabi mo? Sino ka ba kasi?” “You’ll know soon.” Magsasalita pa lang sana ako ulit nang marinig ko na ang pagbaba nito ng tawag. What a weirdo. Sino kaya yun? Pamilyar ang boses ei, feeling ko narinig ko na yun somewhere. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at saka ipinagpatuloy na lang ang paglalakad pabalik sa van. Ahh bahala nga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD