Bago pa man ako magising sa tunog ng alarm clock sa bedside table ay nakarinig na ko ng sunud-sunod na katok sa pintuan. Nagtalukbong pa ko ng kumot dahil wala pa ko sa mood bumangon.
“Ma’am Ericka!” rinig kong tawag ni yaya Carol at saka patuloy pa rin sa pagkatok. Sinilip ko ang alarm clock ko at nakita kong 7:35AM pa lang. 10AM pa naman ang klase ko ngayong araw kaya may oras pa ko matulog. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko.
“Ma’am Ericka! Hindi ka pa ba gigising? May naghihintay sa inyo sa baba!” Napadilat ako sa narinig.
Ano daw? May naghihintay sa’kin sa baba?
Agad kong sinipa ang nakatalukbong na kumot ko at saka gumulong pababa ng kama. Yeah, literal na gumulong ako dahil tinatamad akong bumangon. Naramdaman ko ang lamig ng sahig sa mga pisngi ko.
Sino namang naghihintay sa’kin sa baba? Kahit naman dumating sila mom, hindi naman nila ko hinihintay para sabay kaming magbreakfast kaya imposibleng sila mom yun. Isip, Ericka. Isip. Pumikit ako at saka nag-isip. Makakatulog na sana ako ulit kung di ko lang ulit narinig ang boses ni yaya.
“Pauuwiin ko na ba muna yung bisita mo? Nakakahiya naman at kanina pa siya naghihintay sa baba!”
Bisita? Don’t tell me…
Agad akong tumayo at saka tumakbo papunta sa pintuan. Pinagbuksan ko si yaya Carol na nakasimangot na.
“Sino pong bisita?” agad kong tanong sa kanya.
“Yung pogi na dumalaw sa’yo sa ospital? Kanina pa siya naghihintay sa baba!”
“S-si Josh po? Bakit siya nandito?” agad kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Shemay, ang gulo ng buhok ko at nakapantulog pa ko. “M-Maliligo lang ako saglit yaya! Pasabi bababa din ako saglit! Waah!”
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at saka kumuha ng bihisan. Binilisan ko na lang ang paliligo at saka nagbihis na ng uniform.
Bakit ba kasi siya nandito? Wala naman akong matandaang naging usapan namin ngayong araw ah?
Matapos makapagsuklay at makapaglagay ng kaunting make-up ay tumakbo na agad ako pababa ng hagdan. Agad ko namang nakita si Josh na nagkakape sa living room at may binabasang dyaryo. Napailing-iling na lang ako habang tinititigan siya mula sa malayo.
Bakit ganun? Kahit anong gawin niya, ang gwapo-gwapo niya? Kung may camera lang siguro akong hawak ngayon, nakuhanan ko na siya ng maraming magagandang shots.
Napatalon bigla ang puso ko nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Shemay, ang lakas ng impact!
“Good morning?” bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng maluwang.
“Ang bilis mo maligo ah?”
“Ha?” tiningnan ko ang suot kong relo. It was already 7:43AM. Teka, 7:43 pa lang? Ibig sabihin, halos 5 minutes lang akong naligo? Nagsabon ba ko? Nagshampoo? Aish, bat di ko maalala?
“Sabi ni ate Euri, sabay na daw tayong pumasok lagi. Pumayag ka naman daw kaya nandito ko ngayon,” nakangiti pa nitong sabi at saka humigop sa hawak na tasa. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa red lips niya. Shemay, ang swerte ng tasa niya.
Wait, ano ba ‘tong iniisip ko? Pumikit ako at saka pinakalma ang sarili. Evil thoughts, umalis ka sa utak ko! Shoo! Shoo!
“Are you okay?” napadilat ako bigla. “Inaantok ka pa ba?”
“Ha? Hindi ah! Tara? Alis na tayo?” nauna na akong maglakad palabas ng bahay. Baka kasi mapansin niya pa ang pamumula ng mga pisngi ko. Nakakahiya!
***
Hindi ko alam kung assumera lang ba ko or imagination ko lang ‘to pero, bakit parang ang daming matang nakasunod sa’min?
“Siya ba yun?”
“Oo siya yun! Nakasalamin lang siya ngayon!”
Napataas ang kilay ko nang marinig ang bulungan ng mga babae sa isang tabi. Si Josh ba ang pinag-uusapan nila o ako? Pareho kasi kaming nakasalamin sa mata at naglalakad malapit sa kanila.
“Hi kuya! Idol ko na kayo!” nagulat ako sa pagsulpot ng isang maliit na babaeng mukhang highschool sa harap namin. May inabot itong isang paper bag na kulay pink kay Josh at pagkatapos ay dali-daling tumakbo palayo. Nagkatinginan naman kami ni Josh. Parehong nakakunot ang mga noo namin, nawi-weirdo-han sa nangyayari.
“Kuya Josh! Pwedeng magpa-autograph?” biglang lumitaw ang tatlong babae sa harap namin na may mga dala pang notebook. Seriously, naging celebrity na ba si Josh nang di ko namamalayan? Nagblack-out din ba ko at hindi ko maalala?
Nagtataka man ay pinirmahan na rin ni Josh ang mga notebooks ng mga babae.
“Waahh! Thank you kuya! Stay cool!” sabi pa ng isa sa kanila at saka kinikilig pang naglakad palayo.
“Good morning! Are you Allan Joshua Rilorcasa?” biglang harang naman ng isang babae sa daraanan namin. May kasama itong lalaking matangkad at pareho silang may suot na malaking I.D na may nakalagay na PRESS. Mukhang mga journalists sila ng school.
Pero teka, ano namang kailangan ng school press kay Josh?
“Pwede ka ba naming mainterview?” tanong ng babae.
“About what?”
“About the case you solved yesterday!” Is it just me or parang kuminang ang mata niya with excitement? Tsk, kakabasa ko siguro ‘to ng manga kaya napaghahalo ko na ang otaku world sa reality. Napangiwi na lang ako. So they wanted to interview Josh about the case yesterday? Kaya pala parang ang dami naming nakakasalubong na ang tingin kay Josh ay celebrity ei. I sighed. Akala ko pa naman ay nagawan na ng paraan ni ate Euri na hindi kumalat ang balita, hindi pala.
“Can you spare us some of your time?” Napatingin naman ako kay Josh. He looked troubled. Tingin ko okay lang naman kung magbigay siya ng interview tutal tanda niya naman lahat ng nangyari kahapon di ba?
“I’m sorry pero may kailangan pa kasi akong gawin. Let’s go!” nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ni Josh palayo sa kanila. Nakarating kami sa mini-garden ng school kung saan kakaunti pa lang ang mga estudyanteng nakatambay.
“May problema ba?” agad kong tanong sa kanya.
“Anong gagawin ko?”alala niyang tanong.
“Ha? Bakit? Hindi mo ba maalala kung paano sinolve ni Al yung case kahapon?”
“Al? Ahh so he came out too…”
“Hindi… mo maalala?” Napatingin naman siya sa’kin na puno ng pag-aalala. “Pero ang sabi ni Al…”
“Starting from now on, maaalala na ni Josh ang lahat ng mangyayari sa oras na may ibang personality ang magtake-over sa katawan na ‘to. He’ll be aware, but he won’t be able to do anything.”
“Ahhh!! So ibig sabihin, simula pa lang ngayon…”
“Ang alin?” nalilitong tanong niya. Umupo ako sa tabi niya at saka sinabi sa kanya lahat ng napag-usapan namin ni Al kahapon.
“So you mean to say, kapag may ibang nagtake-over na personality sa katawan ko… whatever it is that he did, maaalala ko na?”
Tumango ako bilang sagot. Mali pala ang pagkaintindi ko kahapon. Ang ibig sabihin pala ni Al ay pagkatapos bumalik sa pagiging Josh ay saka pa lang magte-take effect ang sinabi niya. Akala ko pa naman, naaalala na ni Josh lahat ng pinaggagawa ng mga personality niya before.
“Pero paano ngayon yan? They want to interview me…”
“Tawagan natin si ate Euri at sabihin natin kung anong nangyayari?”
Tumangu-tango naman ito at saka kinuha ang phone para tawagan si ate Euri. Pero paano nga kaya nalaman ng mga students na si Josh ang nagsolve ng kaso kahapon? Ang alam ko ay pinagbawalan ang mga basketball players na magsalita tungkol sa nangyari gayon din ang iba pang taong nasa gym nang mga oras na iyon.
“Ito yung gusto kong part, panoorin mo!” Napalingon ako sa dalawang estudyanteng dumaan na may hawak na cellphone.
“You want another evidence?” rinig ko mula sa kanila. “The CCTV footage on the 2nd floor.”
“Ang cool niya di ba?” Kinikilig pang sabi ng babae. Napanganga naman ako habang pinapanood sila. Pamilyar yung boses na—si Al! Parang yun yung mga sinabi niya kahapon ah? Don’t tell me… may nagvideo sa kanya kahapon?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Josh na mukhang tapos nang makipag-usap kay ate Euri.
“Josh!” tawag ko dito.
“Bakit?”
“Mukhang may nagvideo sa’yo kahapon kaya alam nilang ikaw ang nagsolve ng kaso!”
“What?”
Pilit kong inalala yung mga basketball players kahapon. Para kasing may isa akong naalalang may hawak sa kanila ng phone.
“Nako! Bistado ka na pre! Tigilan mo na paggawa ng kwento!” sabi naman ng lalaking medyo semi-kalbo ang buhok. May sukbit itong sports bag at hawak ang cellphone sa kaliwang kamay.
“Ahh! Yung semi-kalbo na player! May hawak siyang cellphone kahapon!”
“Sigurado ka?”
Tumango ako. It can only be him.
Ilang saglit pa at pumunta na kami sa Student Council Office kung saan naghihintay na si ate Euri. Nasa loob na rin yung semi-kalbo na player na mukhang siyang salarin sa kumakalat na video. Ang bilis naman nilang napapunta ‘tong malaking tao na ‘to.
“I want you to stop spreading the video,” seryosong sabi ni ate Euri sa lalaki.
“May masama ba sa ginawa ko? Hindi ba dapat magpasalamat pa nga siya kasi pinasikat ko siya sa buong campus?”
“My brother doesn’t want any attention from the crowd, so stop it now that I can still control my temper.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni ate Euri. Mukhang pati na rin ang lalaking kaharap ay namutla sa sinabi nito.
“Eliminate all copies by the end of the day. Or else…” tiningan nito ng masama ang lalaki. Nagulat kami nang biglang tumayo ang lalaki. Sa lakas ng impact ay natumba pa ang inuupuan nitong silya.
“I-I will erase them now!” halos madapa pa ito habang palabas ng room. Nagkatinginan naman kami ni Josh at saka pilit na ngumiti. Mukhang nakahinga na rin ito ng maluwang.
“Thanks ate Euri.”
“Camille called me this morning. May meeting daw kayo later,” parang wala lang na sabi nito.
“Meeting?”
“Why? Nalimutan mo na ba ang gulong pinasukan mo on your first day of class?”
Napansin kong napabuga ng hangin si Josh. Mukhang problemado na naman siya. Ngumiti naman si ate Euri bago umiwas ng tingin sa’min.
Anong gulo ba yun? Saka anong meeting?
Chapter 18: The Gang and the Mystery Caller
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Josh habang patuloy lang ito sa pagmamaneho ng kotse. Tapos na kasi ang klase namin sa buong araw at ngayon ay may aattend-an daw siyang meeting.
“You’ll know later,” sagot nito at saka pilit na ngumiti.
“Okay,” tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ilang saglit pa at nakarating na kami sa isang subdivision na may arko pa sa buka na ang nakasulat ay ‘Silver Gate’. Maya-maya pa’y huminto kami sa isang malaking bahay na may kulay puting gate.
“Kaninong bahay ‘to?” tanong ko habang tinatanggal ang seat belt ko. Bumaba naman na ng kotse si Josh nang hindi sinasagot ang tanong ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pagkapasok sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Ephraim na mukhang may dina-dial pa sa phone na hawak.
“Ohh andyan ka na pala Josh. Nasa loob na ang iba,” sabi pa nito at saka kami sinenyasang mauna ng pumasok sa loob.
“Weekly meeting will start in 5 minutes. No civilians allowed,” napalingon ako sa matangkad na lalaking dumaan na may dala-dala pang mga beer papasok sa isang room. Pamilyar ang mukha niya, siguro ay sa E.A din siya napasok.
“Papasok lang muna ako sa loob ah? Hintayin mo na lang ako dito,” sabi ni Josh sa’kin at saka ako iniwan sa may living room. Iginala ko naman ang paningin ko sa paligid. Kung sinuman ang may-ari ng bahay na ‘to, I’m sure he’s very rich! Mukhang mamahalin kasi ang mga furnitures saka napansin ko din kanina kung gaano kaluwang yung parking lot. Mukhang marami silang sasakyang pagmamay-ari.
Not that I was amazed, kung tutuusin ay isa rin naman sa pinakamayayamang angkan sa bansa ang pamilya namin. Pero kung yaman lang din naman ang pag-uusapan, I’m quite sure na mas mayaman sa’min ang pamilya nila Josh. May control ang pamilya nito over the school administration gayon din sa iba’t ibang business enterprises sa loob at labas ng bansa.
“Don’t you feel out-of-place here?” napalingon ako sa lalaking nagsalita. Matangkad siya at hindi mapagkakailang gwapo. Kamukha niya yung Koreanong bida sa koreanovelang napanood ko last week, yung She Was Pretty ang title.
“Okay lang naman ako dito. Member ka din pa ng club nila?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng maluwang dahilan para madisplay nito ang pantay at mapuputing mga ngipin. In fairness, pwede siyang pumasang commercial model ng toothpaste. Mas lalo tuloy siyang gumwapo.
“Yeah. I’m one of the members. I’m Rom by the way,” inabot niya ang kamay niya kaya tinanggap ko naman ito.
“I’m Ericka. Sinamahan ko lang dito yung friend ko,” mukhang nagulat ito sa sinabi ko.
“You’re not a new member?” parang dismayado pang tanong nito.
“Ahh ehh… ano bang ginagawa niyo sa club niyo?”
“Hmm… some fun stuffs?” parang hindi ito sigurado sa sinabing sagot.
“Fun stuffs? Like?”
“Oi Rom, tigilan mo nga ang pangbabakod diyan sa chicks ni Josh at pumasok na dito!” sigaw nung matangkad na lalaking may kulay pulang buhok.
“You’re Josh’s girl?” gulat pang tanong nito.
“Ha? Ahh naku hindi!”
Ngumiti na naman ito ng maluwang. “That’s good to hear. See you later!” kinindatan niya pa ko bago tumakbo papasok sa loob ng room. Naiwan naman akong nakaawang pa ang bibig. Is he trying to hit on me o nagfifeeling maganda na naman ako? Nagkibit-balikat na lang ako at saka sumandal sa malambot na sofa.
Hindi naman sila siguro mga gangters di ba? Para kasing may narinig akong rumors before na may mga secret gangs sa E.A at walang nakakabuwag sa kanila kasi karamihan sa kanila ay mga anak ng mayayamang pamilya, mga maiimpluwensyang tao. Pero dahil mukha naman silang mababait ay tingin ko, wala akong dapat ipag-alala.
Kumuha na lang muna ako ng magazine sa ilalim ng mesa at saka nagbasa-basa. Ilang minuto pa ang dumaan bago magsilabasan yung mga tao sa room na pinasukan nila Josh kanina. Agad kong hinagilap si Josh sa kanila.
“Eeh, are you looking for me?” napalingon ako sa left side ko at nakita ko ang nakangiting si Rom. Seriously, hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Sasagot pa lang sana ko sa kanya nang biglang may tumunog na alarm at magtakbuhan palabas yung iba.
“A-anong nangyayari?” taka kong tanong.
“Naku naman! Wala talaga silang kadala-dala!” umiiling pang sabi ni Rom at saka ako hinawakan sa kamay. “Let’s go!”
Kahit hindi ko alam kung anong nangyayari ay nagpadala na lang ako sa kanya sa labas. Pinasakay niya ko sa loob ng van kasama yung iba pa nilang members. Nagulat naman ako nang makitang katabi ko si Josh sa kaliwa habang si Rom naman ay tumabi sa kanan ko.
“Eri? Hindi ba sabi ko sa’yo, hintayin mo lang ako sa living room?”
“Ahh ehh may narinig kasi kaming alarm? Ano bang nangyayari?” Sino ba naman kasi hindi maguguluhan sa mga nangyayari di ba? Basta na lang nila kong sinakay dito sa van nang walang kaalam-alam sa nangyayari.
“Some gangs infiltrate our territory,” cool lang na sabi ni Rom. Teka, ano daw?
“Wag ka na lang lumabas mamaya kapag nakarating na tayo sa area, okay?” sabi pa sa’kin ni Josh. Mukhang wala talaga siyang balak ipaliwanag sa’kin kung ano itong nasamahan kong grupo. Napansin kong nag-uunat yung mga members na nakaupo sa harap namin. May mga nagpapatunog pa ng daliri sa kamay. Yung dalawang katabi ko sa likod ay parehong tahimik lang at parang wala lang na nakasandal sa upuan.
Gustong-gusto ko nang magtanong pero pinili ko na lang na manahimik na lang muna. Maya-maya pa’y tumigil ang sinasakyan namin at isa-isa silang naglabasan. Lalabas pa lang sana ako nang pigilan ako ni Rom at ni Josh.
“Stay here,” halos sabay pang sabi ng dalawa sa’kin. Nagkatinginan naman ang mga ito.
“Ahm—“ magsasalita pa lang sana ako nang saraduhan na nila ko ng pinto. Ay grabe! Hindi man lang nila ko sinabihang isasara na nila! Napasimangot na lang ako at saka bumalik sa pagkakasandal sa inuupuan ko.
Pero seriously, ano ba talagang gagawin nila dito?
Mula sa bintana ay tiningnan ko kung anong nangyayari sa labas. Nakita ko ang grupo nila Josh na mga nakatayo lang at nakatingin sa kabilang direksyon.
Uhm, sige mag-iisip ako ng pwedeng choices.
A, may team building ba sila? At kaya hindi nila ko sinama sa labas kasi hindi naman ako kasama sa team nila?
B, may dumating na importanteng bisita kaya dali-dali silang nagpunta dito at kaya hindi nila ko sinama ay para hindi ko makita ang VIP na yun? Oh no, hindi kaya sila mga agents? Mga SPY katulad ng mga napapanood ko sa American series na Scorpion?
C, may gang war sila at kaya hindi nila ko sinama sa labas ay dahil maiipit ako sa gulo.
Okay, masyado na yata akong nahahalina sa pagbabasa ng mga manga at kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Nilingon ko ulit ang pwesto nila Josh kanina at mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung paano sila sugurin ng mga lalaking mukhang mga goons. Ano ba yan, masyadong malaki ang difference nila sa itsura pa lang!
Pero teka… ibig sabihin…
“Tama yung option C na naisip ko?” natitlihan ko pang sabi habang patuloy na nanonood sa away sa labas. “They’re gangsters? Oh no, paano kung matanggal ang salamin ni Josh at maging si AJ siya ulit?”
“Don’t worry, hindi yun mangyayari,” nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa passenger seat. Tiningnan ko naman sa rear view mirror kung sinong nakaupo dito at nakita si Camille na nakashades pa habang nanonood lang sa nangyayari sa labas.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.
“Bago na yung salamin na suot ni Josh. Pwede na yun malock sa likod para hindi mahulog kaya wala kang dapat ipag-alala…”
“Ahh…” napatangu-tango naman ako. Oo nga pala, nasira yung salamin ni Josh nung nasa Batangas kami. “Teka, bakit nandito ka sa loob?”
“Because I’m their boss,” maiksing sagot nito. Ngayon ay unti-unti ng nagiging malinaw sa’kin ang lahat. Napalingon ako sa labas ng bintana sa kabilang side nang mapansing may estudyanteng papalapit sa’min.
“Naku, hindi siya pwedeng magpunta dito,” agad kong binuksan yung pinto ng van at saka tumakbo papunta sa estudyanteng naglalakad. Mukhang mas bata siya sa’kin at gaya ko ay may suot din itong makapal na salamin.
“Ano kuya, wag ka nang tumuloy ng lakad dito! May ano kasi eh… may ginagawang daan! Oo tama! May ginagawang daan pakalampas diyan sa van kaya wag ka ng tumuloy,” pagsisinungaling ko dito habang tinuturo ko ang daan papunta sa van. Nagtatakang tumingin lang ito sa’kin at pagkatapos ay sa van na pinanggalingan ko.
“Ahh sige…” nakahinga ako ng maluwang nang tumalikod na ito at maglakad palayo. Pabalik na sana ko palapit sa van nang biglang magring ang cellphone ko. Unknown number ang nakadisplay dito.
“Hello?”
“Is this Ericka?” Pilit kong inalala kung kaninong boses ang natawag pero hindi ko ito maalala.
“Yeah, who’s this?” nakakunot ang noong sagot ko.
“So you were still alive huh? And what? You’re still with that jerk…” hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinilabutan sa sinabi nito.
“S-Sino ‘to?”
“Just… someone, in shadows.”
“Ha? Anong sabi mo? Sino ka ba kasi?”
“You’ll know soon.”
Magsasalita pa lang sana ako ulit nang marinig ko na ang pagbaba nito ng tawag. What a weirdo.
Sino kaya yun? Pamilyar ang boses ei, feeling ko narinig ko na yun somewhere.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at saka ipinagpatuloy na lang ang paglalakad pabalik sa van.
Ahh bahala nga siya!