“Psychopath? Seryoso?” nakanganga ko pang tanong sa kanya.
“Yeah. He’s more violent than AJ and Third. Wala siyang sinasanto at walang nakakakontrol sa kanya. He’s the most dangerous among us, the psychopathic murderer.”
“M-murderer?”
“Yes. He existed for the sole purpose of killing,” tulluy-tuloy pang sabi niya. Napapikit ako at saka huminga ng malalim.
“Y-You mean, n-nakapatay na siya ng tao?” nanlalambot kong tanong. Hindi niya ako sinagot. But seeing how serious his facial expression is, parang nasagot na rin ang tanong ko.
“Starting from now on, maaalala na ni Josh ang lahat ng mangyayari sa oras na may ibang personality ang magtake-over sa katawan na ‘to. He’ll be aware, but he won’t be able to do anything,” seryosong sabi niya habang tinitigan ako sa mga mata.
“That’s my curse. Since I was the smartest, I can make him remember everything once he came out after me,” mahina niyang sabi habang dahan-dahan pang lumapit sa’kin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Parang bigla namang nag-init ang buong mukha ko. “Do you hate me now?”
I looked at his eyes intently. Oh God, I feel like melting with his stares.
How can I hate such guy?
“No,” I whispered. He then let out a smile.
“Do you want me to share some secret?”
“Ha?”
“There is a way on how to bring Josh back even when another is taking over this body. Do you wanna know how?” mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko. He then bit his lower lip na nagpabilis ng husto sa heart beats ko. Napalunok naman ako ng ilang beses.
Don’t tell me…
“Yes or no?” ulit niya pang tanong. Only an inch separates our lips.
“Ye—“ hindi pa man ako nakakatapos sa pagsagot nang maramdaman ko ang pag-angkin niya sa mga labi ko. Napapikit ako. It was sweet. Oh God, I missed his kisses. Naramdaman ko ang kamay niyang tumaas mula sa likod papunta sa likod ng ulo ko. Patuloy lang siya sa paghalik, sa pagsipsip sa labi ko. Napahawak naman ako sa batok niya nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko. I can’t stop. Or more so, I don’t like to stop.
“T-Teka—“ napadilat ako nang bigla niya akong bitawan.
“E-Eri? Why are you—why did I—Oh shi*t! He came out!” laglag ang pangang napatitig lang ako sa kanya. He’s really back. Josh is back. At saka ko biglang naalala ang mga pagkakataong hinalikan niya ko—yung sa rooftop, yung sa kotse kanina at ngayon—pero teka, bumalik din siya sa pagiging Josh nung unang dumating kami sa Batangas ah? Ibig sabihin…
“Are you okay?” napabalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ko ang nag-aalalang boses ni Josh.
“Ahh I’m okay,” sagot ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa lips niya kaya napatungo ako. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. I fanned myself dahil ang init ng pakiramdam ko. Napatingin kami sa pinto nang marinig ang katok mula dito. Agad namang pumunta sa pinto si Josh at binuksan ito.
“Ate Euri!” agad na bati dito ni Josh.
“Oh? You’re Josh now?” napatangu-tango pa nitong sabi habang naglalakad papunta sa table nito. Kasunod nitong pumasok si kuya Bryle na may dala pang mga sandwich.
“Magmerienda muna kayo,” alok niya sa’min sa mga dala niya. Kumuha naman ako ng isa dahil nagugutom na ko.
“Nung itinakas ka nga pala ni Josh, pinuntahan ko at kinausap ang parents mo kaya wala kang dapat ipag-alala sa pag-uwi mo mamaya,” sabi ni ate Euri. Isa nga rin pala yun sa inaalala ko. Ang magiging reaction ni mom and dad…
Pero yun ay kung nasa bahay sila pag-uwi ko mamaya.
Inubos ko na ang sandwich at pagkatapos ay tumayo na ako. Napatingin naman sila sa’kin.
“Ahm, mauuna na po akong umuwi,” pagpapaalam ko sa kanila.
“Josh, ihatid mo na si Ericka,” utos ni ate Euri pero hindi kumibo si Josh.
“N-Naku wag na ate Euri! Kaya ko naman ng umuwi mag-isa…”
“Sigurado ka?”
Tumango naman ako. Bahagya ko pang tiningnan si Josh na wala pa ring imik na nakaupo.
“Starting from now on, maaalala na ni Josh ang lahat ng mangyayari sa oras na may ibang personality ang magtake-over sa katawan na ‘to. He’ll be aware, but he won’t be able to do anything.”
Mukhang marami-rami ang kailangang isipin ni Josh ngayon. Lumabas na ako ng room at saka naglakad na pababa ng building. Napahinga ako ng malalim at saka sinipa yung batong nabundol ng paa ko. Tumalsik naman ito hindi kalayuan mula sa harap ko.
“What’s your relationship with me? I mean… with us?”
Ano nga ba ko sa buhay niya?
Isa lang naman akong hamak na nerd na nagkataong iniligtas niya mula sa mga panget na goons sa Street No. 13. Nagkataon lang na ako ang nasa lugar na iyon nang mga oras na iyon. Kung sakaling may ibang babaeng present sa lugar na iyon nang mga oras na iyon, I’m sure ganun pa rin ang gagawin niya. Nagkataon lang talagang ako ang nandoon. Nagkataon lang ang lahat.
For the nth time, I sighed heavily. Why do I feel so depressed?
Sumakay na ako sa unang bus na dumaan at saka naupo sa likuran. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinitigan ang screen ko. It was the first picture of Josh that I captured when we first met. Unconsciously, napahawak ako sa mga labi ko.
Applicable pa rin kaya yung sinabi ni Al kanina kahit ibang babae ang humalik sa kanya? A kiss. He just only need to be kissed. It’s not necessary to be me, right?
Maya-maya pa’y bumaba na ako ng bus at saka naglakad na lang papasok ng village namin. Tulad ng inaasahan ay wala ang parents ko sa bahay. Malamang nasa kanya-kanyang business trips na naman sila. Ganyan naman sila palagi kaya sanay na ako. Ni hindi na nga ako nalulungkot kapag wala akong nadadatnan sa bahay kundi ang mga katulong. Mapait akong napangiti at saka dahan-dahang naglakad paakyat ng hagdan.
Sino nga bang niloloko ko? Of course it was lonely to be alone.
Dumiretso ako sa kwarto ko at saka nagpalit ng damit. Napatingin naman ako sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table ko. It was our family picture—Me, my mom, my dad and my sister. We were so happy back then. Ibinaba ko ang frame at saka kinuha ang notebook sa drawer ko. I started writing a few things about Josh.
AJ, the gangster guy.
Una kong nakilala si AJ, the bad but somehow sweet gangster guy. He loves teasing me but he’s always protecting me and always worries about me. Ohh yeah, he’s also a great dancer. Napangiti ako nang maalala kung paano siya pinagkaguluhan sa mall dahil sumayaw siya ng Sexy Back.
“We may be sharing the same face but I am the real one,” seryoso niyang sabi. “And I’m the one who loves you,” nakatitig siya sa mga mata ko.
Josh, the nerd.
Sumunod kong nameet ay si Josh, the nerd and the original. Mabait siya at masasabing gentleman. Shy type din saka innocent. And he’s cute too.
“Para maalala mong si Josh ang kausap mo, I’ll call you Eri!”
Third, the jerk.
Ano nga bang masasabi ko sa isang ‘to? Hmm… mayabang, bossy, pinakanakakainis sa lahat, mainitin ang ulo, ano pa ba? Sinulat ko lahat ng characteristics niya.
“Will you please stop looking at me with admiration? It’s disgusting!”
Aish! Iniisip ko pa lang na lalabas ang isang yun, nahahighblood na ko! Napailing-iling na lang ako habang tinutuloy ang pagsusulat ko.
Al, the detective.
He’s the cool and genius detective. Nakakastar-struck yung way niya ng pagsasalita lalo na nung sinasabi niya yung solution dun sa kaso. He’s really smart and reliable.
“I did it for justice and not for your sake.”
And lastly is…
“His name is Death, and he’s a psychopath.”
Death, the psychopath.
Sana hindi siya lumabas. Hindi ko maiwasang matakot kapag iniisip kong posibleng one of these days ay lumabas ang kinakatakutang personality ni Al.
“Yeah. He’s more violent than AJ and Third. Wala siyang sinasanto at walang nakakakontrol sa kanya. He’s the most dangerous among us, the psychopathic murderer.”
Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong kumirot. Parang may bigla na namang nagflash sa utak ko. A bloody hand.
Bahagya pa akong nagulat nang biglang magring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen ay name ni ate Euri ang nabasa ko. Agad ko naman itong sinagot.
“Hello po?”
“Ericka… nakauwi ka na ba?”
“Ahh yes po, nasa bahay na ko ngayon. May problema po ba?” Narinig ko ang paghigit nito ng malalim na hininga. Bigla naman akong kinabahan. May nangyari kaya kay Josh? May lumabas na naman kaya? Napalunok ako ng ilang beses habang hinihintay ang sagot niya.
“Don’t worry, okay naman si Josh. May hihilingin kasi sana ako sa’yong pabor…”
“Ano po yun?”
“Please keep an eye on him, lalo na kapag wala ako sa tabi niya. I know that he already trusts you kaya palagay ang loob niya sa’yo, at pati na rin ako. Will you please take care of him?”
Ipinagkakatiwala niya sa’kin si Josh?
“Pero hindi niya naman po ako… girlfriend,” mahina kong sabi sa kanya.
“Wala namang girlfriend ang kapatid ko kaya walang magagalit kahit lagi kayong magkasama!”
“Ahm… wala naman pong problema sa’kin basta okay lang din kay J-Josh,” napakagat ako sa labi ko nang maalala ang reaksyon nito kanina nang magpaalam akong umalis. Blank.
“Then it’s a deal! Thank you!” mukhang nakahinga ito ng maluwang. Maya-maya pa’y ibinaba na namin ang tawag. Napabuntong-hininga naman ako.
Is it really okay for me to stay with him?