Chapter 15: The Solution

2024 Words
After few minutes, we found ourselves in the school’s gymnasium kaharap ang mga naglalakihang players ng basketball team. They were all looking at us with mixed emotions. Yung iba nakakunot ang noo, yung iba naman ay nagtataka at yung iba ay nagnanakaw ng tingin sa’kin at saka nangiti ng maluwang. Halaa? What’s with these guys? Bahagya akong lumapit kay Al at nagtago sa likod nito. Napansin ko naman ang pagkawala ng ngiti nila. Hmp! Dapat lang noh! Matakot sila kay AJ—este kay Al! Magaling kaya ‘tong makipag-away! Maya-maya lang ay dumating na rin sila ate Euri kasama si kuya Bryle at Ephraim. May mga kasama na din kaming pulis na tinawagan din ni Al kanina. “So, what do we have here?” tanong ni Coach Jorge na nakacrossed-arms pa at nakatayo sa tabi ng mga players. “I’m here to tell you the identity of Gray Navales’s killer,” dire-diretsong sabi ni Al. Napanganga naman ang iba sa mga players. Ang iba ay tinawanan pa siya at bahagya pang umiiling-iling. “Hindi ba si Ephraim ang pumatay? Siya lang ang may motibo dito para patayin si Gray!” sabi nung lalaking kulay brown ang buhok. May sukbit itong backpack sa kanang balikat at may nakapatong pang tuwalya sa leeg nito. “Sinabi ko na ngang hindi ako ang pumatay sa gagong yun!” sigaw naman ni Ephraim. Halatang inis na inis na ito dahil siya ang tinuturong suspek ng krimen. “Right. He’s just the first discoverer of the body. Pero nagkataon nga lang kaya na nandoon siya kaninang umaga?” napaisip ako sa sinabi niya. Humarap ito kay Ephraim at saka ito tinanong. “Why did you go there this morning?” “May nagtext sa’kin na kailangan daw akong makausap ni Coach Jorge kaninang umaga kaya agad akong pumunta sa Education building. Pagdaan ko sa office ni Sir, wala pa siya kaya nagC.R na muna ako at doon ko nga nakita yung bangkay ni Gray. Paglabas ko, saktong nakita ko si Coach Jorge na papasok sa office niya at doon ko sinabi sa kanya yung nakita ko,” paliwanag ni Ephraim. Pero teka, kung may nagtext sa kanya this morning, hindi kaya may gustong mag-frame up sa kanya? “Come to think of it, wala akong maalalang appointment sa’yo this morning Ephraim,” sabat ni Coach Jorge habang nakakunot ang noo. “Nako! Bistado ka na pre! Tigilan mo na paggawa ng kwento!” sabi naman ng lalaking medyo semi-kalbo ang buhok. May sukbit itong sports bag at hawak ang cellphone sa kaliwang kamay. “Hindi ako gumagawa ng kwento ah!” akmang susugurin nito ang lalaki nang pigilan ito ni Camille. “Can you dial the number who texted you this morning?” sabi ni Al dito. Huminga muna ito ng malalim bago sumunod at saka sinubukang tawagan ang number. “Cannot be reached,” sabi nito at saka ibinaba ang cellphone. “Inspector, can you please turn on the victim’s phone?” sabi ni Al sa Inspector at pagkatapos ay sinabihan niya si Ephraim na tawagan ulit ang number. Napasinghap kami nang magring ang cellphone ng biktima. “Anong ibig sabihin nito?” takang tanong ni Ephraim. “It was Gray who lured you to come this morning,” sagot ni Al. Napuno ng bulungan ang buong gym. Kanya-kanyang kuro-kuro ang sinasabi nila pero hindi ko sila inintindi. Bahagya akong nakarinig ng kakaibang tunog mula sa kanila kaya napalingon ako sa mga ito. Asan na yun? “P-pero bakit?” takang tanong ni Ephraim. “He wants you to witness something,” sabi nito habang matamang nakatingin sa mga nasa harap namin. Sinundan ko ang tingin nito at saka ako napakurap-kurap nang matukoy ang taong tinitingnan niya. “And that is?” “A professor who was taking advantage of his students,” parang nabingi kami sa sinabi niya. Yes. It was him. He was looking at Coach Jorge with conviction. “Nagpapatawa ka ba? Sinasabi mo bang ako ang pumatay sa isa sa magagaling na players ko?” maang nitong sabi. “Yeah. You called Gray this morning to meet you at his office, right? Pero nakita mong pumasok ito sa C.R kaya mo siya sinundan. Nag-usap kayo pero naramdaman mong hindi maganda ang pinatutunguhan ng pag-uusap niyo. Nagalit ka at naitulak mo siya papasok sa huling cubicle. Nagkamali ang bagsak nito kaya nabagok ang ulo nito. Narinig mong may papasok sa loob kaya dali-dali kang pumasok sa loob ng cubicle at nagtago. Maya-maya pa’y naramdaman mo ang paglabas ng janitor kaya lumabas ka na sa cubicle na parang walang nangyari. Inayos mo pa ang katawan ng biktima para madaling makita ang paa nito mula sa labas bago ka lumabas ng rest room.” “Interesting! At paano mo naman nasigurong nasa loob nga ako ng restroom nang mga oras na iyon?” “Manong, ano nga pong narinig niyo kanina sa loob ng rest room?” tanong ni Al sa matanda. Kung ganun, narinig niya pala ang pinag-uusapan namin kanina. “Parang nagkakalansingang bakal? Hindi ko matukoy masyado kung—ahh!” Napasigaw ito nang makita ang nakasukbit sa bewang ni Coach Jorge—mga susi. “Right. Narinig niya ang pagtunog ng mga susing nasa katawan niyo kaninang umaga Coach Jorge,” sabi nito habang nakangiti. “Mukhang nakita mong parating si Ephraim kaya naisip mong mas makabubuti kung ito ang unang makakakita sa katawan ni Gray. Bumaba ka sa 2nd floor para umikot ng daan at saka ka umakyat ulit ng third floor. That way, kung sakali mang sa office mo didiretso si Ephraim, you’ll gain an alibi na kararating mo lang or, kung nanggaling na ito sa C.R, you’ll be gaining both an alibi and a scapegoat! Tama ba?” Napa-wow naman ako nang marinig ang explanation niya. Oo nga, everything makes sense now. Tiningnan ko naman si Coach Jorge na mukhang namumula na sa galit. Tagaktak na rin ang pawis nito. “You want another evidence?” napalunok naman ako sa sinabi niya. Lahat ay nag-aabang din sa susunod niyang sasabihin. “The CCTV footage on the 2nd floor,” maiksing sabi nito. Bahagya kong tiningnan ang reaksyon ni Coach Jorge. Napapikit ito at napahilamos. “Checkmate,” rinig kong sabi mula sa mga taong nasa paligid namin. Hinanap ko naman kung kanino galing yung boses hanggang sa may makita akong lalaking nakatalikod at papalabas na ng gym. Sino yun? Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nakita ko at saka ibinalik ang tingin ko kina Al. Pinosasan na ng mga pulis si Coach Jorge matapos nitong aminin na siya nga ang may gawa ng krimen. Maya-maya pa’y napuno ng bulungan ang buong gym. Mukhang hindi rin sila makapaniwala sa nagawa ng nakilala nilang butihing Coach. Well, you really can’t trust anyone. An angel might turn into devil in a split second given some circumstances, right? Saglit pa at kami-kami na lang ang naiwan sa loob ng gym. “Thank you for your help,” nahihiyang sabi ni Ephraim kay Al. “I did it for justice and not for your sake,” sagot pa ni Al dito. “Then just forget what I said!” inis na sabi nito at saka nagwalk-out. Halaa? Tinawanan naman ito nila ate Euri at Camille. “Pasensya na sa mokong na yun ah? Pero salamat talaga dahil hindi siya tuluyang napagbintangan,” sabi ni Camille habang nakahawak pa sa braso ni Al. Napasimagot naman ako. Bakit may paghawak pang nalalaman? “Thank you din sa assistance mo,” napatingin ako sa bruha—este kay Camille nang kausapin niya ko. “Ahh wala yun,” reply ko sa kanya. Maya-maya pa’y lumabas na kami sa gym at saka nagpaalam na si Camille. Kami naman ay sinabihan ni ate Euri na magpunta sa Student Council office dahil pagala-gala pa rin ang mediamen. Oo nga pala, kapag nalaman nilang si Al ang nakasolve ng kaso, malaking balita ito! Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari kanina. Yung ginawang pagsolve sa kaso ni Al at ang pagdakip kay Coach Jorge. Sayang, madami pa man ding nagkakagustong estudyante kay Coach Jorge. Bukod kasi sa medyo bata pa ito at may machong katawan ay mabait din ito sa lahat. Strikto lang ito kapag nagkaklase pero kapag sa labas na ng classroom ay madali itong lapitan. Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin lang sa dinaraanan namin. “Bakit hindi ka nagsasalita diyan?” bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang magsalita. “Wala, iniisip ko lang yung mga nangyari,” sagot ko sa kanya. I sighed again. “Hindi ka ba naku-curious kung paano ko sinolve ang kaso?” “Ha? Ahh… oo nga pala! Nung lumabas ka sa rest room kanina, ang sabi mo: Isang lalaking may height na 180cm, physically fit, may maliit na bag at kakilala ng biktima ang basic description ng hinahanap nating killer. Paano mo nga pala nasabi yun?” “It was based on the victim’s height and the space inside the cubicle. The blood spatter in the area shows that he was attacked outside the cubicle. He fell and eventually died after being knocked out due to excessive bleeding. His head has external wound, probably because it hits a sharp edge that’s why there was a pool of blood in the crime scene,” napatangu-tango naman ako habang nagpapaliwanag ito. “Paano mo naman nasigurong si Coach Jorge nga ang suspek?” “Based on the description I declared, I immediately filtered the possible suspects when we got in the gymnasium. And after a series of elimination, idagdag pa ang narinig kong pag-uusap niyo kanina about some weird sound, nagcome-up na ako sa answer na siya lang ang posibleng killer.” “Eh yung CCTV?” “I’m not sure kung nagana ang mga CCTVs sa 2nd floor but since I confirmed his guilt right after I said those words, then let’s just leave it like that,” nakangiti pa nitong sabi. “Pero… anong klaseng pag-uusap naman kaya ang ginawa nila para patayin ni Coach Jorge ang isa sa mga players niya?” napatigil ako sa paglakad nang mabundol ako sa likod niya. “Do you want to know the real reason?” tanong niya pagkaharap sa’kin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Tumingin muna ito sa paligid namin kung may ibang tao. “Did you remember what I said earlier when Ephraim asked what is it that he should witness?” napaisip naman ako bigla. Ano nga ba? “A professor who was taking advantage of his students, yun ung sinabi mo di ba? Ano bang ibig mong sabihin dun?” tanong ko. Huminga muna ito ng malalim. Parang nag-aalangan siya kung sasagutin ako o hindi. Maya-maya’y dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa’kin. “A-anong—“ napalunok ako nang mas lumapit pa ang mukha niya at maramdaman ang hininga nito sa tainga ko. “He’s gay,” bulong niya at saka lumayo na sa’kin. Napanganga naman ako sa sinabi niya. “Ehhh?” reaksyon ko at pagkatapos ay dire-diretso na itong pumasok sa loob ng Student Council office. Sumunod na lang din ako sa kanya papasok. Bading si Coach Jorge? Kaya pala… Iwinaksi ko na ang mga nasa isip ko at saka huminga ng malalim. Inikot ko ang paningin ko sa buong room. Wala pa sila ate Euri sa loob gayundin ang ibang officers kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng room. Dumaan ang ilang sandali na walang nagsasalita sa’min. Nakaupo lang ako sa isa sa mga upuan habang iniikot ang paningin sa loob ng kwarto habang siya ay nakaupo sa harap ko habang nakasandal at nakapikit. Natutulog ba siya? Tinitigan ko siyang mabuti habang nakapikit. Ang gwapo talaga. Napabuntong-hininga na lang ako habang patuloy pa rin siyang pinagmamasdan. Nagulat ako nang bigla itong dumilat at saka bumangon. Dali-dali itong pumunta sa may pinto at saka ito nilock. Napakunot-noo naman ako sa ginawi nito. Maya-maya pa’y bumalik ito sa’kin at saka dire-diretsong tumabi sa’kin. Don’t tell me… “I’m still Al, don’t worry,” napahinga naman ako ng maluwang nang magsalita ito. “May nakalimutan kasi akong itanong sa’yo.” “Ano yun?” “What’s your relationship with me? I mean… with us?” napanganga naman ako sa tanong niya. Bakit sa’kin niya tinatanong? Teka, ano nga bang sagot? “I’m… a friend?” sagot ko sa kanya. Bakit parang may bumikid sa lalamunan ko nang sabihin ko yun? Mas lalo pa yatang dumagdag ang sama ng loob ko nang bigla itong ngumiti at huminga ng maluwang. “Mabuti naman, akala ko kasi girlfriend ka ng isa sa’min,” kaswal pa nitong sabi. Awts. I think my heart just broke. “B-bakit? Bawal ba kong maging girlfriend ng isa sa inyo?” napakagat ako sa lower lip ko nang marealize kung anong itinanong ko sa kanya. Sira talaga, anong klaseng tanong yan Ericka? “Hmm… hindi naman sa bawal kaya lang, hindi ba sasakit ang ulo mo kung sakaling may boyfriend kang may multiple personality disorder? I mean, iba-iba kaming nasa loob niya at hindi mo kontrolado kung kelan kami lalabas. And besides, it’ll be very dangerous kapag lumabas ang isang yun…” “Ha? Sino?” “His name is Death, and he’s a psychopath.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD