Sa loob ng kotse ay tahimik lang kaming dalawa habang magkatabi. Palihim akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya while he on the other hand, was just staring blankly outside the window. I admit, he’s really cool a while ago. But looking at him now, parang ang…
Ugly nerd!
No way. Hindi siya cool okay? Ugh, masisiraan na yata ko ng bait sa dami ng personality niya. Pero teka, paano ba sila nalabas? Bakit sila nalabas? Hmm…
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nagsimulang magtype sa google. Typing… Multiple Personality Disorder. Saglit lang ay lumabas na ang maraming related articles tungkol dito. Iki-click ko pa lang sana yung unang article nang magsalita ang katabi ko.
“You know, you can’t always trust the information you got from the web,” gulat akong napalingon sa kanya. “Why bother looking on different search engines about that subject when you can directly ask me?”
Ilang segundo muna ang dumaan bago ako tuluyang makabawi sa sinabi niya. Hindi talaga ako sanay na puro English ang sinasabi niya. Parang sobrang talino kasi niya magsalita ngayon, unlike before. Oops, hindi ko sinasabing walang utak yung ibang personality niya okay? Mas… disente kasi siya ngayon.
“I’m… sorry?” sambit ko. Natawa naman ito bigla. Teka, ilang segundo na ba ang dumaan bago ako sumagot sa kanya? Hindi kaya iniisip niyang slow ako? Sabi nila ganun daw mag-isip ang mga taong sobrang talino. They used to think that the people who cannote respond to them right away belong to the lower I.Q class.
“You called me Third a while ago. So that means you are aware about our illness and Third just managed to come out too right?” napatango ako bilang pagsang-ayon. “So… sino-sino na ang mga nameet mo?”
“Ha? Ahm… aside from Josh, I met AJ, Third and you,” sagot ko sa kanya. Pang-apat na siya sa mga personality ni Josh.
“Hmm… so he’s still not come,” mahinang sabi nito.
“Sino?” tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa’kin.
“You’ll know,” makahalugang sagot nito. I can tell that he’s the mysterious type, unlike the other personalities na puro violence lang at kalokohan ang alam. There was something on him, especially when he smiled like he was anticipating something.
Maya-maya lang ay huminto na ang kotse sa tapat ng school. Bakit dito kami diniretso?
“Hindi po ba kami muna uuwi ate Euri?” tanong ko sa kanya.
“Hmm… there were police mobiles around and even mediamen were present. There is a high probability that a case occurred here. I’ll go take a look,” nalingunan ko na lang ang katabi ko na palabas na ng kotse.
“Hey—“
“Someone has been killed inside and since Al was out now, I think he could assist the police solve the case,” paliwanag ni ate Euri.
“May namatay po sa school? Sino?” gulat kong tanong. Bakit ganun? Puro p*****n yata ang nasasangkutan ko these past few days?
“Lance called me a while ago. May natagpuang patay daw sa restroom ng Education building kaya dito tayo dumiretso,” sagot niya at saka nauna ng lumabas ng kotse. Oo nga pala, si ate Euri ang president ng Student council kaya normal lang na i-report sa kanya ang mga nangyayari sa school. Kung hindi ako nagkakamali, yung Lance na binanggit niya ay yung Vice President. Lumabas na rin ako ng kotse at saka sumunod kina ate Euri. Nasa bungad lang kasi ng school ang Education building kaya madali lang makapunta dito mula sa pinagpark-an namin.
Sinalubong agad kami ng mga Student Council officers. Madaming mga pulis ang humaharang sa mga estudyanteng gustong pumasok sa building na napapalibutan na ng kulay dilaw na harang. Hinagilap naman ng mata ko si Al at nakita ko naman itong may kinakausap na matangkad na lalaki. Lalapit pa lang sana ako dito nang may lumapit ditong isang babae, si Camille Monleon. Siya yung babaeng nakita kong kasama ni ate Euri sa pagsundo kay Josh sa bahay dati.
Nanatili lang akong nakatanaw sa kanila habang hila-hila na ni Camille si Al palayo sa lugar.
Pero teka, anong kailangan niya kay Al?
Tumakbo ako agad para sundan sila. Hindi naman sa nanghihimasok ako sa kung anong posible nilang kaugnayan pero… sabi ni ate Euri kailangan kong bantayan si Josh di ba? Tama! I have that excuse este reason to follow them!
Napahinto ako sa pagsunod sa kanila nang bigla silang tumigil sa likod ng Accountancy building. Walang kahit na sinong nasa lugar bukod sa’ming tatlo. Ano bang gagawin nila?
“So, what do you need?” narinig kong tanong ni Al dito.
“Ilang araw kang hindi nagreport sa’kin about your whereabouts! Where have you been?” panimula ng babae. Parang gusto kong sumabat at itanong kung bakit kailangang magreport sa kanya ni Josh. Sino ba siya? I hissed.
“And why do I have to do that?”
“I’m your boss!”
Boss? Anong klaseng boss? Nagpapart-time ba si Josh sa babaeng ‘to? As what? Body-guard? Tutor? O baka naman…
“Boss of who? AJ or Josh?” nanlaki ang mata ko nang casual niya lang yung itinanong sa babae. Nakita kong napakunot ang noo ng babae, bumaha ang inis sa maputi niyang mukha.
“Akala ko ba dual personality disorder lang meron ka?”
Alam niya rin ang tungkol sa sakit ni Josh? Napailing-iling na lang ako habang patuloy pa rin ang pakikinig sa kanila.
“I’m neither Josh nor AJ right now so I’m sorry but I have to go,” tatalikod na sana si Al dito pero pinigilan ito ng babae. Al looked at her hand who’s holding his arm. Aba’t may pagpigil pang nangyayari! I clenched my fist as I imagined her hand being twisted.
“Ephraim needs us. He was being framed of murder,” napanganga ako sa narinig ko. Kilala ko yung sinasabi niyang Ephraim, sikat ito sa engineering department dahil varsity basketball player ito at dakilang tagasunod ng babaeng kausap ni Al ngayon.
“Tell me the details,” sabi ni Al.
“I’ll tell you everything I know about the case kung ititigil na ng girlfriend mo ang pakikinig sa pinag-uusapan natin,” napapikit ako nang marinig ang sinabi niya lalo pa at in-emphasize nito ang word na ‘girlfriend’. Lumabas na ko sa pinagtataguan ko at nakasimangot na humarap sa kanila. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Al sa pwesto ko.
“You didn’t tell me a while ago that you were… AJ or Josh’s girlfriend?”
“Neither,” sagot ko sa kanya at saka humarap kay Camille. “Sorry for my eavesdropping.”
“It’s okay but can you please leave us now?” I sensed a hint of irritation on her voice kaya napatungo ako. Tsk, kulang na lang sabihin niyang isa akong malaking istorbo sa pag-uusap nila. Maglalakad na sana ko pabalik nang hawakan ako sa kamay ni Al.
“I need an assistant to solve this case,” Napatingin ako sa kanya at napakurap-kurap. Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Camille. I honestly don’t know how to react. Dapat ba akong kiligin kasi hawak niya ang kamay ko at pinigilan niya kong umalis kanina kahit pinapaalis na ko ng ‘boss’ niya o madepressed kasi he just needed an ‘assistant’ at nagkataon lang na ako ang nasa area?
“Fine. Do whatever you want as long as you’ll gonna solve this case!” may pagkabossy pa nitong sabi. “I tried to look for your cousin a while ago para sa kanya sana ako hihingi ng tulong o kaya kay Euri pero hindi ko sila pareho makita. Mabuti na lang at nakita kitang pagala-gala. Siguro naman kahit papano, you’ve got some detective skills too, right?”
“Just get on the point.”
“The victim found in the restroom was none other than Gray Navales, teammate ni Ephraim sa basketball. Kaninang umaga siya natagpuan sa loob ng restroom na naliligo sa sarili niyang dugo. According to Ephraim, mga 7am daw nang magpunta siya sa restroom. Habang nakaharap sa salamin ay napansin niyang may parang nakalabas na paa mula sa huling cubicle. Nang itulak niya ang pinto ay nakita niya si Gray na duguan. Sa gulat ay nagtatakbo siya palabas. Nakasalubong niya si Coach Jorge at dito niya ibinalita ang nangyari.”
“So Ephraim was the first discoverer of the body? Bakit naman siya ang tinuturong pumatay?”
“Nagtalo kasi sila kahapon sa gym and everyone witnessed how both of them were enraged with each other. Kaya nang malaman nilang namatay si Gray kanina, ang una agad nilang itinurong posibleng suspect ay si Ephraim lalo pa at siya ang unang nakakita sa katawan ng biktima,” paliwanag nito.
“Hmm… I see,” napapaisip na reaksyon ni Al. “Where is Ephraim now?”
“Nasa student council’s office. Sabi ko kasi sa kanya’y hintayin niyang dumating si Euri para makahingi kami ng tulong dito,” parang gustong sumakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Napatingin ako sa hawak kong cellphone nang marinig ko ang ring nito. Ahh, hawak ko pa rin pala ang cellphone ni Josh. Inabot ko naman kay Al ang phone at pagkatapos ay sinagot niya na ito. Maya-maya lang ay ibinaba niya na din ang tawag.
“Ephraim already talked with ate Euri. You may go in her office now,” sabi sa kanya ni Al.
“What about the case?”
“I need to look at the crime scene first,” napatangu-tango naman ang kausap at maya-maya pa’y nagpaalam na ito sa’min.
“It looks like my curse was still active,” napatingin ako sa kanya. “Cases keep on occurring whenever I come out.”
“Huh? Hindi ahh! It was just a coincidence! Kaninang umaga pa natagpuang patay yung biktima kaya anong sinasabi mong sumpa? Si Third ka pa kaya kaninang umaga!” Nagulat ako nang ngumiti ito.
“You think so?”
“Oo! Kaya tigilan mo nga yang curse-curse na yan at i-solve mo na yung kaso!” parang biglang nag-init ang magkabila kong pisngi sa ngiti niyang yun. Shocks.
“If kuya Euclid was here, he would have solved it in few minutes only,” sabi pa nito habang naglalakad paalis at nakapamulsa.
“Sino yun?”
“You don’t know him?” nakakunot ang noong tiningnan ko siya. “He’s my cousin,” sagot niya. Napatangu-tango naman ako. Maya-maya lang ay nasa harap na ulit kami ng Education building. Sumunod lang ako sa kanya matapos niyang kausapin yung isang police officer. Mukhang kakilala niya pa nga ito dahil hindi man lang ito nagulat na nakikiusyoso kami sa crime scene. Umakyat na kami sa third floor kung saan naroon ang rest room na siyang pinangyarihan ng krimen.
“Do you know Ephraim’s course?” narinig ko na lang na tanong niya.
“Ahh Electronics Engineering,” sagot ko.
“Hmm… Sa tingin mo bakit dito pa naisipang magC.R si Ephraim gayong medyo malayo ito sa Engineering building?” Nag-isip naman ako ng pwedeng sagot. Bakit nga ba? Ah tama!
“Ang alam ko kasi, dito sa Education building nag-ooffice si Coach Jorge. Kung sakaling may sadya siya kaninang umaga kay Coach Jorge, natural lang na sa parehong building siya mag-C.R hindi ba?” dahan-dahan kong tiningnan ang magiging reaksyon niya. Blanko. Tsk, ang hirap naman basahin ng isang ‘to. Hindi ko tuloy alam kung may maitutulong nga ba ako sa kanya o wala sa pagsama ko sa kanya.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng men’s restroom na abala pang pinipicturan. May nakapalibot na ditong yellow tape. Tumayo lang ako sa isang gilid at pinanood si Al na makipag-usap sa mga pulis. Maya-maya pa’y pumasok na siya sa loob. I don’t even want to imagine how horrible the sight inside is.
“Ahh anong meron?” napatingin ako sa janitor na mukhang papunta sa restroom para maglinis.
“May natagpuan pong patay sa loob manong,” sagot ko sa kanya.
“P-patay? Sa loob? K-Kailan pa?” nauutal pa nitong sabi.
“Kaninang umaga daw po nadiscover ang katawan ng biktima.”
“Susmaryosep! Kung ganun…” mukhang napaisip ito bigla.
“Ano po yun? May napansin po ba kayo dito kaninang umaga?” tanong ko sa kanya.
“Ahh… bandang alas sais yata nang una akong umakyat kanina dito. May napansin akong dalawang matangkad na lalaking pumasok sa loob,” napalunok ako habang nagkekwento ito. Mukhang may malaking maitutulong ito sa paglutas ng kaso. “Ilang saglit muna bago ako pumasok sa loob para kunin ang map sa likod ng pintuan. Hindi ko sila nakita sa mga urinals. Ang alam ko’y hindi pa sila nalabas pareho kaya naisip kong baka nasa loob sila ng cubicle. Paalis na ako nang may marinig mula sa loob.”
“A-ano pong narinig niyo?”
“Hindi ko matukoy kung ano yun…” nakakunot ang noong sabi niya sa’kin.
“Ringtone po ba? Alarm? Galing po kaya sa cellphone?”
“Hindi… para siyang nagkakalansingang bakal?”
Napatingin kami pareho kay Al nang lumabas ito mula sa restroom.
“Isang lalaking may height na 180cm, physically fit, may maliit na bag at kakilala ng biktima ang basic description ng hinahanap nating killer,” seryoso nitong sabi.
“Ahh tama! Ganun nga yung isa sa dalawang lalaking pumasok kanina!” turan ng matanda. Napatingin naman si Al dito.
“He’s a witness,” sabi ko sa kanya.
“Call ate Euri and tell her to bring Ephraim to the gymnasium. We’ll exposed the true mask of the killer,” seryoso niya pang sabi sabay abot ng cellphone.
Alam niya na agad kung sinong killer?
Wow.