“Eri, bilisan mong tumakbo! Malapit na siya!”
“Pero p-pagod na ‘ko,” hinhingal ko pang sabi sa kanya. Halos habol ko na ang aking hininga dahil sa walang tigil naming pagtakbo mula pa kanina. Tagaktak na rin ang buong mukha ko sa pawis. Humahapdi na din ang mga binti ko na nagtamo na ng mga gasgas dahil sa mga talahib na nadadaanan namin.
“Gusto mo na bang mamatay?” pasigaw na tanong niya habang nasa harap ko. Umiling-iling ako.
Kahit sobrang sakit na ng mga binti ko ay hindi ko itinigil ang paghakbang. Lingon-likod ang ginawa ko habang tumatakbo kaya hindi ko napansin ang isang nakausling bato sa daraanan ko. Pabagsak akong napasubsob sa damuhan.
“Eri!” rinig ko pang sigaw niya. Nakarinig ako ng mga putok ng baril. Mukhang nahabol niya na kami at malapit na sa kinaroroonan namin. Hindi na kami maliligtas pa. Nagsimula ng mag-unahan ang mga luha sa magkabila kong pisngi.
“I-iwan mo na ko! T-tumakas ka na!” sigaw ko sa kanya pero nanatili lang itong nakatayo sa harap ko.
“No!” inabot niya ang kamay niya sa’kin na may bakas pa ng dugo. Pagkaabot ko ng kamay ko sa kanya ay sabay pa kaming napalingon nang makarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril. We tried to step and run away. Pero mabilis na nakalapit ang nakakatakot na presensiyang naramdaman namin. Huli na ang lahat. We will be killed.
Nanginginig na napatingala ako sa lalaking nasa harap namin. He swayed his hand that was holding a rifle. I closed my eyes.
“Ericka, gising!”
Napadilat ako nang marinig ang boses na yun. Hinihingal pa akong bumangon at saka napatingin sa paligid ko. I’m safe.
“Are you okay? Mukhang binangungot ka,” nalingunan ko si ate Euri na alalang nakatunghay sa’kin habang nakaupo sa tabi ng kama ko. Pilit kong inalala kung anong napanaginipan ko pero mukhang nabura agad siya sa isipan ko pagkagising ko. What is it? Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Whatever it is that I dreamed of, I’m sure it was horrible. Something scary. Something I wished I won’t recall later.
“Wag mo ng isipin kung anumang napanaginipan mo. Ang mabuti pa, bumangon ka na para makahabol pa kayo sa afternoon classes niyo,” tumayo na si ate Euri at nauna ng lumabas ng room.
Nang mapag-isa ay nakaramdam naman agad ako ng takot. Napatingin ako sa paligid ko. Parang may kung anong rumerehistro sa utak ko. A bloody hand. Is it mine?
Huminga muna ako ng malalim para kumalma at saka bumaba na sa kama. Baka masamang panaginip lang yun. Baka resulta lang yun ng mga nangyari sa’kin these past few days. Kailangan ng magmove-on Ericka!
Naghilamos na muna ako at saka nagsuklay bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman sa may kusina sila ate Euri at kuya Bryle na nag-aalmusal. Bahagya ko pang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko habang nakatingin sa nakahaing fried rice at pork chop.
“Si Josh po?” tanong ko.
“Tulog pa, kasama nila AJ,” napalingon ako nang magsalita siya mula sa likod ko. It was Third, na mukhang kakaligo lang dahil kasalukuyan pa itong nagpupunas ng basang buhok at buong yabang pang nakadisplay ang kanyang six packed abs.
“Wag ka ngang magday-dream sa harap ko! It’s giving me chills you know?”
“Ha?” reaksyon ko.
“Ugly nerd na nga, stupid pa,” napapailing na sabi pa nito. I guess his mouth is already full of sarcasm kahit ganitong ang aga-aga pa lang. Pumikit na lang ako at saka huminga ng malalim.
Chill Ericka, chill okay? Inhale, exhale. Ilang saglit pa at naupo na ako kasama nila.
***
“D’yan ako sa passenger seat uupo!” sigaw agad ni Third hindi ko pa man nahahawakan ang pinto ng kotse. Hindi ito nakatingin sa’kin pero mukhang nakita niya ko sa peripheral view niya.
“Sa likod kayong dalawa maupo!” utos ni ate Euri na ikinasimangot ko. Mukhang hindi naman narinig ni Third yung sinabi ni ate Euri dahil busy ito sa pagkalikot ng cellphone. Hindi na ito humakbang sa pwesto nito kanina.
“Hindi po ba pwedeng tabi na lang tayo sa likod ate Euri?” tanong ko sa kanya with matching beautiful eyes pa.
“No. Sa likod na kayo!” sabi nito at saka naupo na sa passenger seat habang sa driver seat naman si kuya Bryle. Nilingon ko si Third na busy pa rin sa paglalaro sa cellphone niya. May balak ba ‘tong sumakay?
“Oi Third! Aalis na tayo! Sumakay ka na!” sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig. Nakaisip ako ng paraan para mapapasok na siya sa kotse kaya lumapit ako sa kanya. “Hoy!” tawag ko ulit pero deadma lang talaga ang damuho.
“Ayaw mong mamansin ah?” inagaw ko sa kanya yung hawak niyang cellphone at saka tumakbo papunta sa kotse.
“Hey!” sigaw pa nito at saka tumakbo sa likod ko. Dali-dali akong sumakay sa loob ng kotse. Mabilis naman itong nakasunod sa’kin. “Give that back!” sigaw pa nito. Itinago ko sa likod ko yung kamay kong may hawak ng cellphone pero pilit niya pa rin itong inaagaw.
“Hindi mo talaga ibibigay, ugly nerd?” may pagbabanta na nitong sabi. Binelatan ko lang siya.
“Wag kayong masyadong malikot!” sabi ni ate Euri at saka pinaandar na ni kuya Bryle ang kotse. Sa pagliko nito sa kanan, napasubsob sa’kin si Third. His face is now an inch away from me. Napalunok ako. He stared at me with those beautiful yet cold eyes. Parang biglang nataranta ang puso ko. Nakakapanghina yung titig niya. It’s like he’s looking inside my soul thoroughly. Teka, ano ba ‘tong pinagsasasabi ko? Bahagya kong itinulak si Third palayo gamit ang naiipit kong kamay pero biglang pumreno yung kotse kaya naglanding na ang dapat maglanding.
“Ehem! Nandito po kami!” naitulak ko bigla si Third nang ubod ng lakas nang marinig ang boses ni kuya Bryle. Napaiwas naman agad ng tingin si Third nang makabawi ito sa pagkabigla. He…accidentally kissed me. The king of all jerk, Third! Of all people—sabi ko nga iisang tao pa lang naman nakakahalik sa’kin. Magkakaibang personality nga lang. I sighed depressingly. Napasandal na lang ako sa pinto ng kotse at napatingin sa labas ng bintana.
Napaidlip na ako sa byahe nang maramdamang nakahinto na ang sinasakyan namin. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa labas sila ate Euri habang may kinakausap na mga pulis. Nilingon ko ang katabi ko pero wala na rin ito sa pwesto niya. Anong nangyayari?
Binuksan ko ang pintuan ng kotse at saka dahan-dahang lumabas. Humakbang ako palapit kina ate Euri at natigilan ako nang makita ang isang sasakyang bumunggo sa isang poste. Nakaharang ito sa daraanan kaya naging one-way na ang dating two-way street. Mukhang hindi masyadong nadadaanan ang lugar na ‘to kaya kakaunti lang ang mga taong naperwisyo kasama namin. Napatakip ako sa bibig ko nang matanaw mula sa pwesto ko ang duguang lalaking nasa driver seat. His head was injured probably because of the glass shards from the window. Nakasandal ito sa inuupuan at may airbag pang nagdeflate na sa harap nito.
“Sir, mukhang nakainom po ang biktima base sa amoy niya,” rinig kong sabi nung isang police officer dun sa isang lalaki. Siya siguro yung superior nila.
“Recless driving under the influence of alcohol? Tsk,” napapailing na sabi ng lalaki habang may sinusulat sa notebook.
“Ano bang ginagawa mo? Sinabi nang ang bawal ang sibilyan dito!” napalingon kaming lahat sa sigaw ng isa sa mga police officers. May pinapagalitan itong isang lalaking nakatalikod at nakatunghay sa ibaba ng kotse. Maya-maya pa’y tiningnan nitong maigi ang katawan ng bitima.
“Oh no. Don’t tell me..,” napalingon ako kay ate Euri na nasa tabi ko na pala.
“This is not an accident. This is murder,” Dahan-dahang humarap ang lalaki. Bahagyang nakatakip sa mata nito ang buhok na para bang bagong gising, nakasuot ito ng black coat at may mga mata ito na parang nangmamaliit. Pero teka, si Third?
“Hoy Third, anong ginagawa mo diyan?” sigaw ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at saka nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa likurang bahagi ng kotse.
“He was supposedly a predator, but he was killed by his own prey.” Natigilan ako nang magsalita itong muli. Bakit parang may mali? Nakangiti itong lumingon sa mga pulis. There was something on his smile. No. He wasn’t Third. Hindi ganyan ka-disenteng magsalita si Third. Hindi ganyan ang aurang ineemit ni Third. Imposibleng siya yan.
“Look, the back door of this car was slightly opened. This window has some scratches too—palm prints, scratches from a rough object probably made by abaca. It has also some sweat from her face, DNA and fingerprints can be gathered here. These evidences indicate that there was someone desperately opening the door from the inside,” pagpapatuloy nito na nagpatigil sa mga pulis. “Now, who is this someone accompanying the victim? Madali lang ang sagot. She was someone abducted by the victim himself.”
“What?” takang tanong ng pulis.
“Tingnan niyo ‘to Inspector, sa leeg niya’y may bakas pa na nagpapakita ng strangulation. Mga 1.5 centimeters ang width ng lubid na ginamit ng suspect natin. The murder weapon was no where on sight so ibig sabihin, sinakal ng killer ang biktima habang nakatali pa ang mga kamay niya. Hindi na nakontrol ng victim ang pagdadrive kaya pinili nitong ibunggo sa poste ang kotse. Sinamantala ito ng killer at saka binuksan ang pinto at lumabas ng kotse. She probably used some glass shards here to free herself from the rope,” itinuro nito ang mga bubog na nasa lapag. “Para makalayo, she called someone for help and that someone drove the car away from this scene.”
“So the victim we have here was a kidnapper and he was unfortunately killed by kis kidnapee?” tanong ni ate Euri.
“So it was like… self-defense?” sabat ni kuya Bryle.
“Not a self-defense. Because he was killed by his wife,” napasinghap kami sa sinabi niya.
“Wife? Pano mo naman nasabing wife niya yung kasama niya?” tanong ko. Naglakad ito papunta sa likod ng kotse.
“Because of this,” binuksan nito ang compartment at lumabas mula dito ang maraming pink balloons. Meron ding basket of red and pink roses sa loob nito. Tiningnan ko yung isang lobo. Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang mabasa ang nakasulat dito—‘Happy 10th anniversary.’
“He was about to give an anniversary surprise to his wife kaya niya ginawa ang planong kidnapping. Maybe he was acting too during their ride na mukhang sineryoso ng asawa niya. He probably put on a situation na nagpagalit dito.”
“Pero kung asawa niya yun, hindi ba dapat nagets niya ng nagbibiro lang ang asawa niya?” tanong ko.
“Ahh… I get it,” napalingon ako kay ate Euri na bahagya pang nakakunot ang noo. “Pinalabas ng biktima na natuklasan niyang may kabit ang asawa niya kaya niya kunwari kinidnap ito, to make her pay.”
“Yeah, that’s the most probable explanation here. The victim’s joke was apparently true and it scared her wife so much that’s why he was killed,” pagtatapos nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mabilis niyang nasolve ang kaso o makikisimpatya sa nangyari sa lalaki.
“And the one who took her away from here was his lover,” mahina kong sabi. Nakakalungkot naman.
“Natrace na po namin ang identity ng bitima base sa plate number ng kotseng gamit niya, Sir!” pagbabalita ng kararating lang na police officer.
“Good. Prepare the warrant of arrest for his wife,” utos nito dito at saka humarap kay Third—este sa new personality na lumabas sa katawan ni Josh. “Thank you for your assistance!”
“The pleasure is mine,” nakangiti nitong sabi. Napatitig ako dito. I felt speechless while looking at him. Bakit parang sobrang talino niya? Pakiramdam ko tuloy naging sobrang laki ng gap sa pagitan namin.
Pagkatapos kunin ang mga pangalan namin for references ay umalis na kami sa lugar na iyon. Nasilip ko pala kanina kung anong isinulat niyang pangalan sa notebook ni Inspector.
Dalawang letra. A at L. So his name is Al.
Another personality…
Ilan pa kaya ang lalabas?