Chapter 11: Third

1660 Words
“Wag mo ng masyadong isipin yung nakita mo para hindi ka na matakot,” sabi nito pagkababa namin ng sasakyan. “Uhm sige…” sabi ko na lang sa kanya at saka nauna ng pumasok sa loob. I feel uneasy. Dumiretso ako sa kusina at saka naghilamos. Medyo nanginginig pa rin ako dahil sa nakita ko kanina. “Ang mabuti pa siguro, magpahinga ka na lang muna sa kwarto. Ako na lang muna ang magluluto,” rinig kong sabi niya kaya napalingon ako dito. He looked so worried. “I-I’m okay,” mahinang sabi ko sa kanya. Lumapit naman ito sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi. I felt my cheeks burn. I gulped. “Namumutla ka… you’re not okay. So go get some rest. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang foods,” nakangiti pa nitong sabi. I felt relieved and secured. Tinanguan ko siya at saka pumasok na sa kwarto. Nagshower na muna ako at saka nagpalit ng damit. Inilabas ko ang laman ng bulsa ko at nakita ko yung amulet na nahulog nung lalaki kanina. Nailagay ko pala siya sa bulsa ko… Since I was a naturally born curious woman, sinilip ko kung anong nasa loob ng amulet at nakita ko ang isang SD card. Wait, hindi kaya… “Ericka?” napalingon ako sa pinto nang biglang pumasok si Josh. “Luto na yung uhm… ulam natin.” “Sige magsusuklay lang ako saglit,” sabi ko sa kanya at pagkatapos ay iniwan niya na ko. Itinabi ko naman ulit yung SD card sa lalagyan niya at saka itinago sa drawer ko. Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ko ng room. Naabutan ko naman si Josh na nag-aayos ng mesa. “Anong niluto mo?” “Uhm… I don’t know. I just mixed up some ingredients,” napapakamot pa sa ulong sabi nito. Napanganga na lang ako sa sinabi nito at saka tiningnan ang mangkok na nasa hapag at may lamang sabaw. Kumuha ako ng kutsara at tinikman ito. “So? H-How is it?” “I don’t know how it tastes. Parang may kakaibang lasa ei. Pero mukhang edible naman siya kaya hayaan na natin,” nakangiti kong sabi sa kanya at saka naupo na. Nagsandok ako ng kanin na hindi ko malaman kung overcooked ba o nasobrahan lang sa tubig dahil naghalo ang pamamasa at pagkasunog nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. At least he tried cooking. Kumuha ako sa soup na nasa mangkok. Mukha siyang nilagang baboy pero may kangkong at okra dito. Hindi naman siya maasim kaya hindi ito sinigang, may patatas din na malalaki ang hiwa. Dumampot pa ko ng pritong manok. At least this fried chicken looked decent to eat. “Pasensya na ah? Hindi talaga ako magaling magluto kaya yan lang ang nakayanan ko,” apologetic pa nitong sabi. Okay lang, cute ka naman. “M-masarap naman ei! Next time, ako naman ang magluluto ng kakainin mo,” I smiled reassuringly at him. “Do you want to swim later?” “Eh? Wala akong swimsuit!” “Okay lang yan, tayo lang naman ang nandito sa resthouse!” sabi pa nito sabay tawa. Kung si AJ ‘to ngayon, iisipin kong may iniisip itong kalokohan sa pagtawa niyang yan. But since he was the nerd and innocent Josh, I’ll just let it slide. Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nagpalit na lang muna ako ng white shirt at maiksing shorts bago sumunod sa kanya sa labas ng resthouse kung saan tanaw na ang beach. I looked around at saka ko nakita si Josh na nakaupo sa may buhanginan. He’s wearing white sando at striped black and white boxer shorts. Oh my, why is he so hot? Atubili pa akong umupo sa tabi niya sa may ilalim ng malaking puno. He smiled widely nang lumingon siya sa’kin. I just smiled back at him. “Bakit ang layo mo?” tanong niya at saka ko lang narealize na mahigit dalawang metro pala ang layo ko sa kanya. Kaya siguro siya natawa… I pouted. Umurong naman ako ng kaunti papunta sa tabi niya at pagkatapos ay tumanaw lang sa tubig na nasa harap namin. Medyo maulap kaya hindi gaanong mainit sa pwesto namin. Hinayaan ko lang na laruin ng hangin ang buhok kong nakalugay. Ang tahimik. Ang sarap sa pakiramdam. Nilingon ko ang katabi ko at nahuli ko itong nakatitig sa’kin. Halaa? Pareho kaming napaiwas ng tingin. Okay, this is awkward. Isip Ericka, kailangan mong mag-open ng topic para mawala ang awkward silence! “You’re… pretty,” napabalik ang tingin ko sa kanya nang bigla itong magsalita. He was smiling habang nakahawak pa sa batok ang isang kamay. “You… you’re Josh right?” tanong ko sa kanya. “Ha?” napapikit naman ako nang marealize ko kung anong tinanong ko sa kanya. Bakit kasi ganyan siya ngayon? Ang hirap tuloy i-distinguish kung si Josh pa rin ba siya or si AJ na! “Ah… w-wala wag mo na lang pansinin yung tanong ko,” napayuko ako. “Should I tell you a secret?” I heard him took a deep breath kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “I have a dual personality disorder.” I know.  “Nameet mo na siguro siya, he’s AJ—my violent side,” huminga muna ito ng malalim bago magpatuloy. “I’ve got into an accident in the past na hindi ko pa rin maalala hanggang ngayon. Sa tingin ko, noon nagsimula ang pagkakaroon ko ng sakit na ‘to.” I honestly don’t know how to react. Hinayaan ko na lang muna siyang magkwento. “Kamakailan ko lang naconfirm ang tungkol dito pero actually… dati ko pang nararamdaman na may kakaiba sa’kin,” tumingin siya sa’kin at bahagyang ngumiti. It must be hard on his part na sabihin sa ibang tao ang tungkol sa pinagdadaanan niya. “I’m not sure if it’s only dual personality or may iba pang katauhang pwedeng lumabas sa’kin.” “W-what do you mean?” “During the first few months after the accident, I’ve got multiple times of blackout. I mean, may time na makakatulog ako tapos magigising na lang ako na nasa rooftop na. May time naman na bigla na lang akong nagising na nasa loob ng operating room at nakasuot ng lab gown. Napagkamalan yata nila akong doctor during that blackout,” tumawa pa ito ng bahagya. “At may time din na… nagising na lang ako na nasa park at may mga gangster ding nasa lapag kasama ko.”  Huminga muna ito ng malalim bago magpatuloy. “During those times wala akong maalala kung anong pinaggagawa ko, so my sister Euri brought me to a psychiatrist. After that session, hindi na ako nagkaroon pa ng mga blackouts kaya akala ko okay na ko. My sister even gave me this glasses as a present dahil magaling na daw ako.” Hindi kaya… “But it looks like they were just concealed. They were just trapped for the meantime. Hindi pa rin ako magaling hanggang ngayon,” his voice seems so sad. He was hypnotized to conceal all his other personalities. Napatingin ako sa malayo. The accident he experienced before must have been a shock for his personality to go berserk. It must be traumatic. “Yosh! Sinabi ko na sa’yo lahat para hindi ka na magulat kung sakaling bigla na lang akong magbago,” he smiled. “Pero… kahit na magbago ako, always remember na… ako pa rin naman ‘to. I’m still Josh, and no one can change that,” seryoso niyang sabi at saka tumayo na mula sa pagkakaupo. “M-magpapalamig lang ako saglit ha?” I just gazed at him as he ran towards the water. Something inside me was aching. I felt my heart ached. Pero alam kong mas matindi pa rin ang sakit na naramdaman niya before.  “Hey! The water is good! Come here!” yaya niya sa’kin. I took a deep breath at saka tumayo na. Oh well, what’s important is the present. No matter who comes out in the future, I’m sure it will all goes well. Tumakbo na ako palapit sa kanya at dinama ang malamig na tubig. Matapos naming magbabad sa tubig ay naglakad-lakad muna kami. Malapit ng maggabi kaya medyo nagsisimula na ding dumilim. Tiningnan ko si Josh habang naglalakad sa tabi ko. He looked so calm and composed. I wonder what will happen tomorrow. Isang buong araw na ang lumipas simula nang dumating kami dito. Our parents… they must be so worried. “Josh… can we go back?” napatingin naman siya sa’kin at saka tumingin sa dinaanan namin. “Oo nga noh maggagabi na pala. Sige, let’s go back now Eri,” sagot nito at saka pumihit na pabalik. Eri… “What did you just call me?” “Eri!” he smiled. “Para maalala mong si Josh ang kausap mo, I’ll call you Eri!” “Ahh…” I smiled back at him. Eri… parang may bigla akong naramdaman sa tawag niyang yun. Weird. I just shrugged my shoulders at saka ipinagpatuloy na ang paglalakad. Medyo malayo na rin pala ang nalakad namin at nagsisimula ng dumilim. Pagdating namin sa resthouse, natigilan ito bigla nang makarating sa harap ng pintuan. “What’s wrong?” I asked. “Dito ka lang, may ichecheck lang ako,” bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Dahan-dahan itong pumasok sa loob. Susunod sana ako sa loob pero sinaraduhan niya na ako ng pinto. What’s happening? Maya-maya pa’y nakarinig ako ng mga ingay sa loob na parang mga nababasag. Napabukas agad ako ng pinto at hinanap ko kaagad si Josh. Gulong-gulo ang buong bahay. Tumakbo ako papunta sa kusina nang may marinig na ingay na parang bumagsak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Josh na nakapaimbabaw sa isang lalaki habang sinusuntok ito. There was blood coming from his head. Oh God, he was hurt! “Ahh!” he shouted as he knocked out the man already lying on the floor. He stood up and gasped some air. Agad naman akong lumapit sa kanya. “J-Josh! Oh my God, are you okay?” “Don’t touch me b*tch!” I was dumbfounded by his reaction. “P-pero may sugat ka! Kailangan nating pumunta sa ospital!” hinawakan ko ang noo niyang dumudugo pero tinapik niya lang ang kamay ko. “And who do you think you are to casually touch me huh?” Napalunok ako. Sino ba ‘tong kausap ko? I looked at his eyes. It’s different than the usual. Different from Josh and AJ. “W-who are you?” “I’m Third, now get lost!” sigaw niya at saka pumasok sa kwarto. Naiwan naman akong natitigilan. Oh shoot, another personality appeared! And I think… he hates me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD