“AJ?”
Napalayo ako bigla kay AJ nang may marinig akong tumawag sa pangalan niya. Shocks! Muntik na naman kaming magkiss! At dito pa talaga sa gitna ng mall! Aigoo!
“You’re really good in ruining a sweet moment eh? Tsk!” sabi dito ni AJ. Napatingin ako sa kausap niyang lalaki. Matangkad siya at may gulu-gulong brown hair na nakataas, maputi at medyo matangkad. Hindi siya pamilyar sa’kin kaya sa tingin ko, hindi siya napasok sa school namin.
“What are you doing here?” tanong ng lalaki at bahagya pa akong tiningnan. Nakakatakot naman siya! Napaatras tuloy ako at napatago sa likod ni AJ.
“Don’t look at my girl as if you’re trying to eat her!” medyo galit na sabi ni AJ dito. Teka, my girl daw? Ihhh…. Ang effortless niyang magpakilig! Pero teka, hindi ito ang oras para kiligin ka Ericka!
“Woah… it looks like you’re back now huh? Tired of pretending weak?” sabi pa ng lalaki.
Mukhang close sila ahh…
“Don’t compare myself to you! Dahil kahit kelan hindi ako naging weak!” may diin pang sabi ni AJ dito. Sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Nanlaki ang mata ko nang magsilapitan dito ang limang malalaking lalaki na mukhang kasamahan niya. Oh noes! Kamukha sila nung mga nakaaway ni AJ nung una kaming nagmeet sa Street No. 13!
“Tsk. Pati ba naman sa mall, pinapasyal mo mga alaga mo? Wala namang zoo dito di ba?” sarcastic pang sabi ni AJ. Halaa… ginagalit niya ba ‘tong mga ‘to? Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni AJ nang magmove forward yung lalaking kausap niya.
“Hanggang ngayon, wala pa ring kakwenta-kwenta ang mga sinasabi mo AJ!” sabi ng lalaki habang pinapatunog ang mga daliri sa kamao. Oh noes… dito ba sila mag-aaway? Public place ito! Maraming makakakita… maraming—oo nga tama!
Pasimple akong lumayo sa kanila at naghanap ng guards. Nang makakita ako, agad ko siyang nilapitan at sinabi ang nangyayari. Nagtawag naman ito ng backup at saka sumunod sa’kin. Pagdating ko sa pinag-iwanan ko sa kanila, hawak-hawak na ng lalaki ang kwelyo ni AJ. OMO!
Nakahinga na ko ng maluwang nang mapansin ng mga lalaki ang paparating na mga guards at saka sila tuluyang lumabas ng mall. Pagkatapos kong magpasalamat kina manong guard, hinarap ko na si AJ.
“Let’s go?” yaya ko sa kanya pero hindi man lang niya ako sinagot at saka nauna ng lumabas. Tahimik lang kami pareho nang makarating sa kotse niya at paandarin niya ito. Pasimple ko siyang tiningnan pero mukha pa rin siyang seryoso at nakakunot ang noo niya.
“Ahm… kilala mo ba yung mga lalaki kanina?” basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.
“Sort of,” maiksing sagot niya.
“Ahh…”
“Matulog ka na lang. I’ll wake you up when we arrive,” sabi nito kaya hindi na ko nagsalita pa. Feeling ko, nasira yung mood niya dahil dun sa lalaki kanina. Kinuha ko na lang yung cellphone sa bulsa ko at saka ito binuhay. Pinatay ko kasi siya kanina nang umalis kami sa hospital.
Napanganga ko nang makita ang call log ko. 20 missed calls from Mom, 15 from dad, 15 from ate Euri at 10 from an unknown number!
+639975689*** calling…
“H-hello?” kinakabahang sagot ko sa tawag.
“Ericka this is Camille! Where’s Josh?”
“Po? Ahm… ano—“
“Alam niyo ba kung anong ginagawa nyo?”
“Ahh kasi—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agawin sa’kin ni AJ ang cellphone ko at i-off ito.
“Don’t accept calls from them!” sabi nito at saka binato sa back seat ang cell phone ko.
“Sorry…”
“I told you to just sleep right?” bakas ang inis sa boses nito kaya napasimangot ako. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana kung saan makikita ang mga ilaw mula sa mga buildings sa malayo. Malalim na rin pala ang gabi.
***
Napamulat ako nang maramdamang may nakatingin sa’kin at muntik na kong mapasigaw nang makita si AJ na nakatitig sa mukha ko, mga isang dangkal lang ang layo. Nakapangalumbaba siya habang nakaupo sa sahig at nakapatong ang mga braso sa kamang hinihigan ko.
“W-what are you doing?” tanong ko sa kanya sabay bangon mula sa pagkakahiga.
“Ahm…” mukhang hindi niya alam ang sasabihin kaya napakamot lang siya sa ulo. Gulo-gulo pa ang buhok niya at mukhang hindi pa nakakaharap sa salamin. But he’s still cute. Hays. Bumangon na ako at saka hinanap ang cellphone sa tabi ng kama ko.
“Where are we?” gulat akong napatingin sa tanong nya. And then I saw those eyes, it’s not AJ’s.
“Josh?” tawag ko sa kanya.
“Hmm?” maang niyang reaksyon. Oh shocks! How am I going to explain everything to him?
“Hindi mo alam kung… nasaan tayo?” tanong ko sa kanya. Mukhang napaisip naman ito pero maya-maya, napailing lang din ito.
Ahh… he looks so innocent kapag nailing siya ng ganun. Aish Ericka, what are you thinking?
“But this place looks familiar! I think… nakapunta na ko dito before! Pero… bakit tayo nandito? Ikaw ba ang nagdala sa’kin dito?” naguguluhan niyang tanong. Napasimangot na lang ako.
Itinanan mo kaya ako! Gusto kong isigaw yan sa kanya but honestly, I don’t know AJ’s meaning behind those words kaya nag-isip na lang ako ng pwedeng palusot.
“Ano… inimbitahan kita dito kahapon tapos lasing ka nung dumating tayo kaya siguro wala kang maalala hehe,” pagpapalusot ko sa kanya.
“Ahh… ganun pala… sige! Magbreakfast na tayo!” sabi nito sabay tayo mula sa pagkakaupo. Sabay na kaming lumabas ng kwarto at saka ko napansin ang view ng beach mula sa bintana. Teka, beach? Nasaan ba kami? Halaa… wala namang nabanggit—
“Hello ate Euri? This is AJ. I’ll be using our resort in Batangas for a week. I’m with Ericka and we’re running away. I’ll explain everything later bye!” mabilis na sabi nito at saka humarap sa’kin.
“Ahhh!! Nasa Batangas tayo!” malakas kong sabi. Nagtatakang tumingin naman sa’kin si AJ este si Josh pala.
“Akala ko ba ikaw nag-invite sa’kin dito? Bakit hindi mo alam na Batangas ‘to?”
Patay kang bata ka!
“M-may hang-over din kasi ako kaya nalimutan ko hehe,” sagot ko sabay iwas ng tingin. I’m not a really good liar kaya bago pa man siya makapagtanong ulit, hinanap ko na ang papunta sa may kusina. May maliit na ref na nandito pero wala man lang itong kalaman-laman.
“Tumingin na rin ako diyan kanina, wala man lang makakain,” nakasimangot pang sabi nito habang hawak ang tiyan. He looks like a kid being bullied, how cute.
“Ang mabuti pa… m-mag-grocery muna tayo?” suggest ko sa kanya at saka ito nag-two thumbs up sign bilang pagsang-ayon. Paglabas namin ay agad kong iginala ang paningin sa paligid. Mukhang nasa isang private property kami at nag-iisa lang ang malaking bahay bakasyunang tinutuluyan namin sa lugar. Wala ring katau-tao sa paligid.
“I’ll drive. Hop in!” sabi nito at saka sumakay na sa kotse. Sumunod na lang ako sa loob. “Feeling ko may malapit na market dito ei,” mahinang sabi nito habang nagdadrive. Hindi na lang ako sumagot at tumingin na lang sa may bintana.
Ano ba kasing ginagawa namin dito?
“Ayun! Sabi na nga ba at may wet market dito ei!” tuwang-tuwa pang sabi nito bago ihinto ang sasakyan sa isang tabi. Bumili kami ng karne, isda, mga gulay at mga sahog na pwede naming magamit.
“Do you know how to cook?” tanong niya sa’kin. Tumango naman ako na ikinangiti niya at saka dinagdagan pa ang mga pagkaing binili. I know how to cook for myself dahil ako lang lagi ang naiiwang mag-isa sa bahay. Si yaya Carol ang nagturo sa’kin na magluto dahil hindi naman laging nasa bahay siya at pinagluluto ako.
Ang saya siguro kung laging nasa bahay si mom at sa kanya ako mismo natutong magluto. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at saka tiningnan ang kasama ko.
“Ah? Asan na yun?” binalikan ko siya sa huli naming pinuntahan pero wala na siya doon. Nakarating na ako sa dulo ng palengke pero hindi ko pa rin siya makita. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko pero patay na pala ito.
Oh my… what to do?
Sa paglalakad-lakad ko ay bigla na lang akong may nabunggong lalaki. Bahagya pa itong natumba dahil mukhang may problema ang kaliwang paa nito.
“Sorr—“ hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis na itong nakatakbo paalis kahit paika-ika. Nakita ko pa sa sahig ang nahulog nitong parang amulet na akmang pupulutin ko na nang may marinig akong malakas na sigaw.
“AHHHHHH!!” mukhang nasa malapit lang ito kaya napatakbo ako papunta dito. At mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang isang lalaking nakahandusay at duguan, may saksak ito sa bandang tiyan habang sa uluhan nito ay may babaeng namumutla. Ito siguro ang sumigaw kanina. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. I’ve seen this before pero sa mga movies lang. Who would have thought na makakakita ako ng ganitong klaseng senaryo ngayong araw na ‘to?
“Anong nangyari dito?” agad na tanong ng mga taong bagong dating. Maya-maya pa ay dumami na ang mga taong nasa paligid namin. May dumating na ring ambulansya at mga pulis at dinala na nila ang duguang lalaki.
“Mukhang patay na ahh…”
“Ano bang nangyari?”
Rinig ko ang iba’t ibang sinasabi ng mga nasa paligid ko pero nanatili lang akong walang kibo.
“Ericka!” rinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Natauhan ako bigla at saka napatakbo palapit sa kanya.
“Are you okay?” alalang tanong niya at saka ako niyakap. Hindi na ako nagsalita at hinila niya naman ako palayo sa lugar na iyon.
Tahimik lang kami pareho habang pabalik ng resthouse. Kahapon, I got myself into an accident, I met gangster group sa mall, at ngayon may real murder case akong nakita.
What kind of luck do I have these days?