Chapter 9: Sweetness Overload

1442 Words
ERICKA'S POV "San ba talaga tayo pupunta?" sa pangatlong pagkakataon ay tanong ko sa kanya. Hinintay ko kung may makukuha akong reaksyon mula sa kanya pero dumaan ang ilang segundo na parang wala itong narinig. Nanatiling nasa harap lang ang paningin nito. Napasimangot na lang ako't napahalukipkip sa upuan ko.  "Naiinip ka na ba?" rinig kong tanong niya. "Ayaw mo kasing sabihin kung saan tayo pupunta!" "Hindi ko pa kasi alam kung anong isasagot sa tanong mo." "Ha? Bakit naman? Teka, wala ka pang plano kung saan tayo pupunta?" "Wala pa," sabi niya sabay ngiti ng maluwang. Napanganga ko sa sagot niya. "Seryoso ka?" "Saan mo ba gustong pumunta?" saglit akong natigilan sa tanong niya. Saan nga ba? Feeling ko naman okay lang kahit sa’n pa kami magpunta… "Kahit saan…" sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana. Mukhang malayo na rin pala ang nararating namin. "Wala na bang kasunod yan?" tanong niya na ikinalingon ko. Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. "Kahit saan di ba? Basta kasama ko?" sabi nito sabay kindat. Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact. Biglang uminit ang mukha ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. I fanned myself and tried to calm down. A smile has automatically curved in my lips. “Kung ngingiti ka, dapat yung nakikita ko ng malinaw para mapangiti mo rin ako!” banat niya pa. Napangiwi ako nang mapansing nakatingin siya sa reflection sa bintana. Halaa nakakahiya! “S-sinong nangiti?” sabi ko sabay ayos ng upo and then I pout. “Ako! Nakangiti ako kasi magkasama tayo!” sabi nito sabay halakhak. Oh shocks! Pwede bang irequest sa kanyang bumalik na muna siya sa pagiging Josh? ‘Okay Ericka--inhale, exhale! inhale, exhale!’ sabi ko sa sarili ko habang nagpapakawala ng malalalim na buntong-hininga. "Okay ka lang ba? Inaasthma ka ba?" may pagaalalang tanong niya maya-maya. "Ahh hindi... okay lang ako hehe," sagot ko sa kanya sabay kagat sa lower lip ko. Paano ba magpanggap ng hindi kinikilig? "Akala ko napagod ka na... kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko!" sabi niya sabay lip bite. Shet. Ang hot niya! At ang lips, parang ang sarap… “WAIT!!!” sigaw ko. Bigla naman siyang nagpreno. “Bakit?” “Kasi ano… yah! Bakit ka nagpreno? Paandarin mo yung sasakyan!” “Eh bigla ka kasing sumigaw! Ano bang problema?” tanong niya. “Paandarin mo na!” “Sagutin mo muna tanong ko!” sigaw nito. “Ehh kasi ang gwapo mo! Ang hot mo! Tapos pumipick-up lines ka pa habang nagpapacute! Mauubusan ako ng hangin sa ginagawa mong pagpapakilig! Pwede bang… pwede bang hinay-hinay lang?” hinihingal pa ko ng matapos akong magsalita. Ilang segundo pa at saka ko narealize kung anong ginawa ko. Oh shocks! Did I really say that loud? Tahimik na pinatakbo na niya ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil ayokong makita ang reaction niya. “Pfft—“ rinig ko pang pigil niya ng tawa. OMO! Kill me now please! Maya-maya pa'y itinigil niya na ang kotse niya sa isang mall. "Tara! Bili muna tayo ng maisusuot natin," sabi niya at saka naunang bumaba ng kotse. Oo nga pala, nakahospital gown pa rin ako hanggang ngayon. Tinanggal ko muna ang seatbelt ko at saka binuksan ang pinto at sumunod sa kanya. Napasimangot ako nang malingunan ko ang repleksyon ko sa salamin ng kotse niya. I looked like a pale white lady in a hospital gown! Naramdaman ko ang paglapat ng kung anong mainit sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. "Isuot mo muna 'tong jacket ko para di ka mailang maglakad sa loob," sabi niya sabay ngiti sa'kin. Bakit ba ang sweet ng taong 'to? Hayy.. Inayos ko ang pagkakasuot ng jacket at saka humarap sa kanya. Hindi ko alam pero feeling ko, saglit siyang natigilan. Bakit kaya? Tiningnan ko ang suot ko—yung black jacket niya lang na nakapatong sa hospital gown. Pero mukhang nakadress ako ng makuwang sa loob. Not bad. “Tara?” yaya ko sa kanya at saka nauna na kong maglakad papunta sa entrance. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa’kin habang naglalakad kaya pasimple ko siyang tiningnan. Halatang pinipigilan lang nito ang pagngiti. Halaa nakucurious tuloy ako! Pagpasok namin sa loob ng department store, hinanap agad ng mata ko ang ladies’ section. May sumalubong pa sa’ming sales lady na maganda ang pagkakangiti lalo na sa kasama ko. Naku si ateng! Type pa yata si Aj! Hmp! “This way ma’am and sir! For baby boy po ba or baby girl?” “Ha?” gulat kong tanong sa kanya. Nagkamali lang ba ko ng dinig? Sumunod ako sa sales lady at kay AJ na mukhang amused na amused lang sa nangyayari. “Here’s our recommended products ma’am!” sabi ng sales lady at saka ko pa lang narealize kung nasaan kami—maternity section. “OMO!” reaction ko at saka hinarap si AJ na hindi na nakapagpigil at bumunghalit na ng tawa. Sinimangutan ko naman siya. Nagtatakang tumingin naman sa’min yung sales lady. Siguro nagtataka siya kung bakit tawa ng tawa ‘tong isang ‘to! *** “Here!” abot niya sa’kin sa favorite kong rocky road ice cream. Tapos na kaming mamili at ngayon ay nasa DQ na kami at nagpapalamig. Nagpalit na rin pala ako ng damit para hindi na ko mapagkamaling buntis. Aigoo… naalala ko na naman yung scenario kanina! Nakakahiya talaga! “Woah!” nanlaki ang mata ko ng makita sa isang screen ang love na love kong si Kim Soo Hyun in an MTV featuring his song ‘The One and Only You’. Oh gosh! I’m really not a KPOP fan pero gustong-gusto ko talaga siya simula nang mapanood ko siya sa Dream High at My Love From the Star! He’s really great! Halos magkandahaba na ang leeg ko nang biglang humarang sa pinapanood ko si AJ. “Tabi diyan!” sabi ko sa kanya. “What? And why—“ hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy ang panonood. ”You like that kind of guy?” tanong niya. “Ang gwapo niya kaya! Ang galing pang kumanta!” “Tsk! Mas gwapo pa ko diyan!” “Oo na…” sabi ko na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa panonood. “Tara na nga! Alis na tayo!” “Mamaya na maaga pa!” “Aish!” rinig kong sabi pa niya at saka ito umalis. Bahagya ko namang tiningnan kung saan ito pupunta. Baka magsi-CR lang, isip-isip ko at saka nagkibit-balikat. I’m bringing sexy back Them other boys don’t know how to act I think you're special, what's behind your back? So turn around and I'll pick up the slack. Nanlaki ang mata ko nang sa isang iglap ay biglang dumami ang tao sa harap ko. Anong meron? Dahil natural na curious akong tao, nagpumilit akong sumiksik at tiningnan ang pinagkakaguluhan nila. At muntik ng mahulog ang panty este ang puso ko nang makitang sumasayaw si AJ. Ang sexy niyang gumalaw shet! Take 'em to the bridge Nang makita niya akong nakatulala sa kanya ay bigla siyang lumapit sa’kin at sumayaw mismo sa harap ko. Pakiramdam ko hindi lang mukha ko ang nag-iinit sa’kin, buong katawan ko na. Teka, ano daw? Wahh! Dirty babe You see these shackles Baby I’m your slave I’ll let you whip me if I misbehave It’s just that no one makes me feel this way   “I’m sexy right?” tanong niya sabay lip bite. Nakarinig ako ng mga bulungan at tilian sa paligid. Yung baklang nasa tabi ko, hindi na yata anakapagpigil at niyugyog ang balikat ko.   “Ang swerte mo naman girl! Daig mo pa ang nanalo sa lotto diyan!” “Oi AJ! Tara na!” mahinang sabi ko sa kanya. Hindi ko na kaya ang atensyong nakukuha namin. And my heart beats, my God! Hindi na ako makahinga ng maayos sa paghahabulan nila! Why are you doing this to me? Huhu. Take 'em to the chorus Come here girl Go ahead, be gone with it Come to the back Go ahead, be gone with it “Hindi ka na titingin sa ibang sa ibang guy?” tanong niya na nagpatigil sa’kin. Don’t tell me kaya siya sumayaw kasi… “Aish! You’re still not saying anything so I guess I won’t stop now!” sabi nito at saka nagwave pa ng katawan. Mas lalong lumakas ang mga tilian. “Hey stop it now!” sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. Huminga ako ng malalim at saka nilakasan ang boses ko. “AJ! Sige na! I promise not to look to any other guy except you okay?” sabi ko at sa isang iglap ay bigla na itong tumigil. “Promise?” “Yeah! I promise!” “Good! Thank you for watching girls, see you around!” pagpapaalam nito sa crowd at saka sinenyasan yung kinuntsaba niyang music store sa harap para hinaan na yung music. Maya-maya pa, lumapit na siya pabalik sa’kin. “Ang galing ko di ba?” Tumangu-tango naman ako. Napansin kong pinagpapawisan siya kaya kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at idinampi sa pisngi niya. Bigla itong natigilan at saka tumitig sa’kin. I felt my heart skipped a beat. “Mind if I kiss you right now?” parang nang-aakit pang sabi niya. “Ha?” tanging naging reaksyon ko at saka niya inilapit ang mukha niya sa’kin. Ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa pisngi ko hanggang sa magtama na ang mga ilong namin. Only an inch separates our lips and— “AJ?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD