Chapter 10
KAIA ROSE POV
ISANG BUWAN NA ANG nakakalipas mula nang magkakilala kami ni Calev sa bar. Nagkakatext at nagta-tawagan na kami kapag may oras kaming dalawa. Minsan siya ang tumatawag o nagtetext kasi ayaw kung mahulog sa kanya.
Kaya kahit papaano, kilala na namin ang isa’t isa. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikilala ng mommy at daddy ko, at ayokong ipakilala siya. Baka mamaya ma-misinterpret lang ng mga magulang ko, kahit kaibigan lang kaming dalawa.
Tuwing nagte-text kami ni Calev, hindi ko mapigilang ngumiti o kiligin. Ang sweet niya, at gentleman sa kahit anong paraan. Maliit man o malaki ang bagay. Lalo akong napapangiti kapag nag-aalok siyang magpa-deliver ng pagkain sa opisina ko o kapag nagtext lang para kamustahin ako.
Pero alam ko rin sa sarili ko, hindi siya interesado sa akin bilang girlfriend. Kaibigan lang kami lang talaga, at iyon ang katotohanan.
Wala siyang sinasabi tungkol sa MORE THAN FRIENDS, at kahit ako, pilit kong kinukubli ang nararamdaman ko sa kanya. Sekreto lang ito, at baka masaktan lang ako kung lalalim pa ang emosyon ko.
Kinikilig ako sa tuwing nagpapadala siya ng pagkain sa opisina. Alam ko, ordinary lang sa kanya iyon, pero para sa akin, espesyal. Sinong hindi kikiligin kung palaging may nagmamalasakit sa’yo, lalo na sa simpleng paraan lang diba? Kahit ayaw ko, ang puso ko ang tumitibok.
Natigilan ako ng makita kung nagtext sakin si Calev kaya kinuha ko ang cellphone at binasa ang message nito. Kinilig na naman ako dahil sa message nito. Nagtatanong siya kung kumain na ba ako?
" Hindi pa, bakit?" Tanong ko habang may ngiti sa labi at simple lang ang pag-type ko sa cellphone, baka makita ako ng boss ko.
" Gusto mo bang padalhan kita ng pagkain diyan?"
" Nako, h'wag na. Nakakahiya naman." Pagtanggi ko agad sa alok niya sa text.
" Nah, h'wag kana mahiya. Para hindi kana pumunta sa canteen mamya." Giit naman nito sa text. Kaya hindi na ako tumanggi pa. Palagi naman siya nagpapadala ng food sakin na daig pang boyfriend. Sinong hindi magkakagusto dito, diba?
Naghintay naman ako ngunit wala naman dumating na delivery boy hanggang sa mag-breaktime na ako. Nakaramdam ako ng inis at irita kasi umasa ako. Ngayun lang siya hindi tumupad sa sinabi nito.
Naiirita tuloy ako sa sarili ko. Kung umasta, akala mo girlfriend. Tumayo na ako mula sa swivel chair ko para bumaba sa canteen. May canteen sa loob ng building at doon ako madalas kumain.
Maya-maya’y tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Calev kaya sinagot ko ang tawag niya.
“Hello?”
" Hi, break muna ba?" Tanong niya sakin mula sa kabilang linya. At naalala ko na naman ang ipapa-drliver sana nitong pagkain. Pero hindi dumating.
“Oo, bakit?” Parang inis na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung napansin niya iyon. Hindi ko naiwasan makaramdam ng inis.
Pero nawala ang inis na nararamdaman ko ng marinig ang sinabi niya.
" Nasa baba ako. Tara, kain tayo sa labas. Treat ko."
" Really?" Hindi makapaniwalang anang ko sa kanya dahilan mapangiti na naman ako.
" Yes, come on. Nasa baba na ako." Wika nito kaya tumango ako na para bang nakikita niya ako.
“O-okey, bababa na ako,” sabi ko habang mabilis na pumunta sa elevator.
Paglabas ko ng building, nakita ko na siya agad sa labas. Napangiti ako ng makita siya. Parang may espesyal na aura siya, at kahit simple lang ang suot niya, swabe talaga ang dating.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko ng makalapit sa binata habang may ngiti sa labi at gano'n rin si Calev.
“Wala naman. Hindi pa kasi ako kumakain, kaya naisip kong sumabay sa’yo.” Sagot niya, sabay ngiti na nakaka-heartbeat.
Shit, mukhang aatakihin pa ata ako sa puso.
Sabi ko sa isip.
Umakyat na kami sa kotse. Habang nagmamaneho siya, hindi ko mapigilang titigan siya. Ang ganda ng aura niya, lalo na ngayon na relaxed at tahimik lang kami. Ang sarap ng pakiramdam—parang kami lang dalawa sa buong mundo.
Umiwas ako ng tingin sakanya ng makita kung lilingon siya sakin.
“Saan tayo kakain?” Tanong ko kapagkuwan, medyo nag-aalangan.
“Diyan lang sa tapat. Hindi ka pwede malate,” Sagot naman niya sakin ng bumaling.
" Hmmm." Ani ko. May malapit na kainan o restaurant sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko.
Lumapit kami sa isang restaurant na tapat ng building. Hindi ito marangya, pero classy at may sariling dating. Parang perfect na lugar para sa amin.
Pagpasok namin, binati kami ng staff at in-assist sa mesa. Umupo kami sa may gilid, at agad na nag-order. Habang tinitingnan ko ang menu, napapalingon ako sa kanya. Parang hindi ko maiwasan. Laging may ngiti at may konting kiliti sa puso ko kapag nakikita ko siya.
“Ready ka na?” Tanong niya habang nakatingin sa akin.
“Yeah,” Sagot ko, medyo nahihiya, pero hindi ko mapigilang ngumiti.
Nang dumating na ang order namin ay kumain agad kaming dalawa. Hindi ko maiwasang humanga sa kanya habang kumakain at ngumiti. Kahit ordinary lang, espesyal siya sa paningin ko.
Habang kumakain, nagtanong siya tungkol sa trabaho ko, sa mga kaibigan ko, at kahit sa mga simpleng bagay sa buhay ko. Ang sarap sa pakiramdam ng may kausap ka na interesado sa’yo, kahit kaibigan lang.
“Kaia, gusto mo ba ng dessert?” Tanong niya matapos naming kumain.
“Oo, bakit hindi?” Sagot ko, sabay tawa. Hindi ko alam kung bakit parang bawat simpleng tanong niya ay kinikilig ako.
Matapos naming mag-order ng dessert, nagpatuloy kami sa kwentuhan. Walang awkward, puro tawa at jokes. Wala na akong maramdaman ng ilang kundi palagay ng loob sa binata.
Pasimple akong napapalingon sa kanya kapag hindi siya nakatingin. Wala lang, gusto ko lang siya titigan.
Hindi ko mapigilang isipin, paano kaya kung alam ng mga kaibigan ko na kinikilig talaga ako sa kanya? Siguro pagtatawanan nila ako, pero hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko sa aking sarili.
Lumipas ang oras. Tapos na ang breaktime ko, kailangan ko ng bumalik sa opisina.
“ Tara?” Tanong niya na may ngiti sa labi habang bumabangon kami sa mesa.
Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil maghihiwalay na kami at sa weekend pa kami magkikita kasama ng mga kaibigan ko.
Habang naglalakad kami pabalik sa building, hindi ko maiwasang magpaalam sa kanya nang matagal. Napapalingon ako sa kanya tuwing may ngiti, tuwing may simpleng tanong lang, at tuwing nagpapakita ng concern.
“Thank you sa pagkain at sa oras mo." Sabi ko bago pumasok sa building kung saan ako nagwowork.
“Anytime, Kaia. Sige, see you this weekend?” Wika niya, sabay wink. Kinilig naman ang puso ko at parang gustong mag-wala. Jusko, mukhang masasaktan na ang puso ko sa lalaking 'to. Hindi ko naman mapigilan at hindi ko naman maiwasan dahil napalapit na ako sa kanya.
Napangiti lang ako at tumango. Hindi ko pinahalatang ang saya ng puso ko.
" See you.” Wika ko habang kumakaway. Pakiramdam ko rin ay nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit.
Pagdating sa taas, mabilis akong bumalik sa trabaho. Pero kahit abala, ramdam ko pa rin ang kilig sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang damdamin kona unti-unting umuusbong para sa binata. Mukhang hindi kona mapipigilan ito. Dahil kaibigan lang ang gusto ni Calev sakin.
Sa loob ng puso ko, isang maliit na pag-asa at saya ang nanatili. Hindi ko alam kung kailan darating ang araw na maaaring mas higit pa sa kaibigan ang relasyon namin dalawa, pero sa ngayon, ayos na rin na maramdaman lang ang simpleng kilig, simpleng tawanan, at simpleng pag-aalaga sa isa’t isa.
Masaya na ako sa gano'n set up kesa naman umasa pa ako sa wala. Kung kaibigan lang, okey lang naman.