Chapter 11
KAIA ROSE POV
NAGKITA-KITA KAMI ng mga kaibigan ko sa mall para mag-bonding. Ganito talaga kami kapag may free time, kapag hindi abala sa trabaho o sa buhay. Kapag may pagkakataon, mall agad. Syempre, girls only. Walang lalake, kaya hindi namin kasama ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko.
“So, kamusta naman kayo ni Calev? Nililigawan ka na ba?” tanong ni Alice, nakangiti habang umiinom ng juice. Nasa isang coffee shop kami, tahimik at may amoy ng bagong timplang kape.
Umiling ako agad.
“Ano ba kayo, sinabi ko na sa inyo, magkaibigan lang kami ni Calev.”
“Magkaibigan? Eh baka naman bakla ‘yan?!” Reklamo ni Beth, parang nadismaya pa. Alam kong gusto talaga nilang magka-jowa na ako. Lagi na lang kasi nila akong tinutukso sa binata.
“Anong magagawa niyo? Iyon lang ang gusto niya.” Sabi ko, pilit na ngumiti kahit may bigat sa dibdib. Ang totoo, nasasaktan ako. Kasi kahit gusto ko na siya, wala akong magagawa.
Hindi ko rin naman kayang umamin. Baka bastedin lang ako, mas mabuti na ‘yung ganito kaysa masaktan.
“Eh ikaw? Wala ka bang feelings sa kanya?” Tanong ni Ivy, nakatitig sa mga mata ko.
Napalunok ako. Ramdam ko ‘yung kaba sa dibdib ko. Syempre meron, pero paano ko aaminin?
“Wala.” Sabi ko sabay pilit na tawa. “Alam niyo naman ako, hindi basta-basta nai-in love o pumapasok sa relasyon. Ayoko lang masaktan.”
“Hindi ka naa-attract kay Calev, sis? Ang gwapo nun, tapos ang bango pa,” sabi ni Alice, halatang kinikilig pa.
“Hindi,” mabilis kong sagot, kahit halatang nagsisinungaling ako. “Kaibigan nga, diba? So, friends lang. Gano’n lang ‘yun.”
“Kaloka ka! Kung ako ‘yan, nainlove na ako sa kanya. Lalo na kung palagi kaming nagte-text,” Sabat ni Beth.
“Syempre, si Kaia ‘yan,” Wika ni Ivy. “Matibay ‘yang puso. Hindi basta-basta natitinag.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi nila napapansin ang totoo.
Kilala nila ako bilang pihikan sa lalake at hindi agad na-iin love. Pero ngayong naramdaman ko kay Calev, nakakatakot. Kasi siya sana ang magiging una kung sakali lang.
Matapos ang mahabang kwentuhan, naglakad-lakad pa kami sa mall. Window shopping, tawa, kwento, picture. Gano’n kami kapag nagkikita-kita.
Kahit palagi kaming nagcha-chat, iba pa rin ‘yung sabay-sabay kaming tumatawa.
Pagkatapos ng bonding, nagkayayaan nang umuwi. Magkasabay sina Ivy at Alice kasi magkalapit lang sila ng lugar. Si Beth naman sinundo ng boyfriend niya. Ako? Nag-taxi pauwi.
Habang nasa biyahe, nag-vibrate ang phone ko, si Calev.
" Hi."
" Hello." Reply ko sa binata.
Napangiti agad ako. Hindi ko alam kung bakit, pero automatic na gumagaan ang loob ko kapag nagte-text siya. Para tuloy kaming mag-boyfriend at girlfriend.
" How are you? What are you doing right now?"
Sinong hindi kikiligin sa ganito? Palagi siyang nangangamusta na parang lagi siyang nandiyan.
" Pauwi. Galing ako sa mall, kasama ng mga friends ko." Reply ko ulet sa kanya.
" Oh, really? Where are you now? Let's go out."
Napahinto ako. What? Magkikita kami? Parang bumilis bigla ang t***k ng puso ko.
" Ha? May work ka diba?"
" Just finished. It's five already."
" Ah, okey."
Hindi ko napigilang sumagot. Gusto ko rin naman siyang makita, kahit nag-aalangan. Ewan ko ba.
" Good, on the aay na ako." Sabi nito sa text.
Napangiti naman ako habang magaan ang pakiramdam ko. Pinabalik ko agad si manong taxi driver sa mall. Buti na lang malapit pa lang ako.
Habang nasa biyahe, nag-retouch ako ng kaunti. Lip tint, ayos ng buhok. Kahit simpleng date lang ‘to. Kung date nga ba ito.
Huy! hindi 'to date. Magkaibigan lang kayo.
Sabi ng epal kung isip.
Napairap na lang ako. Ewan, ang kulit ng utak ko.
Pagdating ko sa mall, nag-text ako kay Calev.
Tumawag naman siya, kaya sinagot ko agad ang tawag.
“Malapit na ako. Wait for me sa entrance,” Sabi niya sa kabilang linya.
“Okay, ingat ka,” Sagot ko naman.
“Sure. Wait for me,” Sabay baba ng tawag.
Habang naghihintay ako, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang saya lang. Parang bata. Pero sa likod ng saya, may kaba. Kasi alam kong mas lalalim pa ‘to kung hindi ako mag-iingat.
May biglang dumikit sa likod ko, mainit, mabango.
“Hi,” Bulong ng isang pamilyar na tono sa tenga ko.
Parang nag-freeze ako. Mabilis akong lumayo, ramdam pa rin ang init ng hininga niya.
“Hello,” Sagot ko, halos pabulong. “Kanina ka pa diyan?” Tanong ko pa.
Ngumiti siya. “Just got here.”
“Ah,” sabi ko, sabay tango, kahit parang hindi ako mapakali.
“Tara?” nakangiti niyang aya.
Tumango lang ako at nauna nang maglakad. Naramdaman ko ‘yung tingin niya sa likod ko, mainit, tahimik. Nakakakaba.
Suot ko pa naman ‘yung maong shorts at backless top. Kaya nang maramdaman kong may nilagay siya sa balikat ko, napalingon ako.
Blazer niya.
“Salamat,” Sabi ko, medyo nahihiya.
“You’re welcome,” Aniya habang nakatitig. Seryuso pero may lambing sa mata.
Pumasok kami sa mall. Naka-tshirt na lang siya ngayun na white dahil binigay niya sakin ang blazer niya. Pero kahit gano'n ay ang lakas parin ng dating niya. Siguro dahil crush ko siya?
“Saan mo gustong kumain?” tanong niya sakin habang naglalakad.
“Bahala ka na. Busog pa kasi ako, kumain na kami kanina ng mga kaibigan ko." Tugon ko sa kanya.
“Gano’n ba? Then what do you want to do? Coffee? Movie?” Muli ay tanong niya sakin na tumingin pa sakin ng matiim.
“Coffee na lang,” Sabi ko agad. Ayoko ng sine, baka kung anong maramdaman ko pa.
“Coffee it is.” Tumatango-tango na sabi nito at bigla akong hinawakan sa kamay. Just like that. Mainit, magaan.
Parang gusto kong ‘wag bitawan.
Hinila niya ako papasok sa coffee shop. Inalalayan pa akong umupo. Gentleman talaga.
“So, kamusta kayo ng friends mo?” tanong niya habang hinihintay ang order namin.
“Masaya. Parang high school lang ulit.” Nakangiti ko naman aniya.
“Sayang, I wasn’t there.” Nakatawang saad nito.
“Girls only ‘yun. Bawal ka dun,” Sabi ko naman na may ngiti sa labi.
“Oh really? Sayang, I could’ve been your plus one,” sagot niya, nakangiti rin.
Nailang ako, umiwas ng tingin.
“Okey lang naman kahit walang boyfriend,” Sabi ko.
Ngumiti siya. “Beautiful and single, that’s rare.”
Napatawa ako nang mahina.
“Hindi naman ako nagmamadali. Masaya na ako basta kasama ko pamilya ko at friends ko.”
Tumango lang siya, pero nakatitig pa rin, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
Dumating ang coffee namin, at habang nagkukwentuhan kami, naramdaman kung bumigat at bumilis ang t***k ng puso ko.
At kahit sinabi kong magkaibigan lang kami, parang unti-unti nang kumokontra ang puso ko. Peste na puso 'to. Baka may magawa akong hindi tama. Kapag nagpatuloy ito. Pero ayaw ko ng lumayo sa kanya.
Hindi na ako sanay na wala siya at nakikita. Pakiramdam ko ay malulungkot ako kapag umiwas ako sa kanya.