12 WEEKEND

1037 Words
Chapter 12 KAIA ROSE POV WEEKEND NA NGAYUN, at ito ang araw na pupunta kami sa bar ng mga kaibigan ko para makipag-meet kay Calev. Subrang na-eexcite ako, pero pinipilit kong maging simple lang. Hindi pwede malaman ng mga kaibigan ko o ni Calev na sobrang saya ko dahil magkikita na kami, nahihiya ako kapag nalaman nila. Nakakahiya rin sa part ni Calev kasi friends lang ang gusto niya. Kung gusto niya ako, dapat nagpaparamdam siya o nangliligaw. Pero wala. Basta texting o tawag lang paminsan-minsan, at minsan naman ay nagpapadala ng pagkain sa opisina. Hindi ko naman pwedeng isipin na nangliligaw siya no'n diba? Assuming lang? Kapag magkasama kami sa bar, wala rin siyang sinasabi. Basta inuman lang. Nakaalalay lang siya sa akin kapag nalalasing na ako. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko para sabihing daanan na lang nila ako at para may kasabay ako. Pinapayagan na ako nila mommy at daddy basta ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Hindi na nila ako pinagbabawalan, basta umuwi agad ako sa bahay at h‘wag magpakalasing. Natigilan ako nang hindi masagot ni Beth ang tawag ko. Si Beth ang una kong tinawagan, pero hindi niya sinasagot. Kaya si Alice na lang ang sunod kung tinawagan at baka nag-aayos ng sarili o naliligo pa si Beth. Ngunit wala rin sagot mula kay Alice. “ Ano ba naman ‘yan. Bakit ayaw nilang sagutin ang tawag ko? Alam naman nilang weekend ngayon.” Inis na bulong ko sa sarili. Si Ivy na lang ang huling tinawagan ko. Nakahinga ako nang maluwang ng sagutin niya ang tawag ko. “ Hi, sis. Ready ka—” “ Sorry sis, hindi ako pwede ngayon. Nag-aaway kami ng boyfriend ko.” Sagot niya agad dahilan para matigilan ako. “ Hala, okey ka lang?” tanong ko, nag-aalala dahil parang galing siya sa pag-iyak. “ Oo, okey lang ako, sis. Sorry, hindi ako makakasama.” “ Sige, okey lang. Sina Alice at Beth na lang ang isasama ko.” Sabi ko habang nag-aalala. “Okey ka lang ba talaga? Gusto mo puntahan ka namin diyan?” “ O-okey lang ako, sis. Don’t worry about me. Sige na, tawagan muna sila. Bye.” Paalam niya, at pinatay na ang tawag na tila nagmamadali. Napabuntong-hininga na lang ako. Nag-aalala ako sa kanya, pero sabi niya, okey lang siya. Karaniwan, kapag may problema ang mga kaibigan ko sa boyfriend nila, dinadamayan ko sila. Pero ngayon, hinayaan ko na lang si Ivy. Baka gusto niya mapag-isa. Muling tinawagan ko si Alice, at thank God, sinagot naman niya. Pero katulad ni Ivy, hindi siya makakasama dahil OT siya sa work. “ Sorry talaga, beb. Next time na lang, huh? Babush.” At nawala na siya sa linya. Kinakabahan na tuloy ako. Mamaya si Beth naman ang hindi sasama. Ano? Kaming dalawa na lang ni Calev sa bar? Nakakahiya kung hindi ako sisipot dahil lang wala ang mga kaibigan ko. Sana sumama si Beth kahit siya na lang at boyfriend niya, para may kasama ako. Medyo naiilang pa ako sa binata kahit palagay na kami sa isa’t isa. Habang tinatawagan ko si Beth, nanalangin ako na sana sumama siya. Yare talaga ako kung kaming dalawa lang ni Calev ang magbabar. Lalo na kapag nalasing ako, at sino maghahatid sa akin? Si Calev? Ayaw ko nga malaman niya ang bahay ko. Makalipas ang ilang segundo, sinagot ni Beth ang tawag. Pero may mahinang ungol sa kabilang linya. “ Shìt! Mukhang may ginagawang milagro pa ‘tong dalawa.” Mahina kong bulong sa sarili. “ Hi, sis. Anong kailangan mo?” Maya-maya’y tanong niya habang hinihingal, may pa-ungol pa rin. Isinawalang-bahala ko na lang ang naririnig ko. “ Weekend ngayon. Diba pupunta tayo sa bar?” Isang malakas na ungol ang narinig ko, kaya inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Kinilabutan ako. Kung hindi ko lang kailangan tawagan siya, ibababa ko na ang tawag. “ Ohhh, sorry sis. Hindi ako pwede ngayon. Busy kasi ako ahhh.” “ Seryoso ka ba?” tanong ko nang inis, pinipilit hindi pansinin ang mga ungol niya. " Hindi na nga kasama ang dalawa, hindi ka rin kasama? Kainis naman kayo eh.” Maktol ko, kung hindi lang nakakahiya kay Calev, hindi na rin sana ako pupunta. Pero nakakahiya naman kung hindi ako sisipot. “ Sorry talaga, sis. Bawi na lang next time. Babye na.” Mabilis niya ring binaba ang tawag. Sa inis ko tinapon ko ang cellphone sa kama habang masama ang mukha ko. Naiinis ako. Pasabi-sabi pa silang sasama pero hindi pala. Tanggap ko pa ang dahilan nina Ivy at Alice, pero si Beth, tang ina talaga. Napabuntong-hininga ako ng malalim para mawala ang inis na nararamdaman ko. Tapos, tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Beth, pero si Calev pala. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko at bumilis ang t***k nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Kaagad kong sinagot, medyo nahihiya. " Hello.” “ Hi, nandito na pala ako sa bar. Asan na kayo?” Nagulat ako. “ Huh?” Nasa bar na siya tapos hindi pa ako nakakapagbihis. “ Ahm, sandali, bihis lang ako.” Nagmamadaling paliwanag ko. Kung hindi makakapunta ang mga kaibigan ko, ako na lang. Nakakahiya sa binata kung hindi kami sumipot, kahit ako na lang. Nandoon na si Calev sa bar. Nang matapos akong magbihis, naglagay lang ako ng kaunting makeup at liptint. Nagpabango rin ako ng bongga. Naka-pants ako ng maong at simpleng blouse sa pangtaas. Isang sandals na 2-inch lang ang takong. Kinuha ko ang sling bag ko. Nando'n na ang cellphone at wallet ko, para may pamasahe ako. Wala namang magsusundo sa akin mamaya. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko agad ang magulang ko sa sala. “ Alis na po ako.” Paalam ko habang humalik at yumakap sa kanila. " Asan ang mga kaibigan mo?" Hanap agad ni mama sa mga kaibigan ko. Usually kasi ay sinusundo nila ako sa bahay ngunit wala sila ngayun. " Nauna na, Ma. Susunod na lang ako." Pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin sa kanila. " Gano'n ba? Oh sige, mag-iingat ka sa biyahe at umuwe agad mamaya." " Opo." Ani ko saka muling nagpaalam bago umalis ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD