02

1441 Words
Chapter 02 KAIA ROSE POV NANG MAKARATING NA AKO sa ViP room habang nakasimangot ang mukha ay natigilan ako at nagulat ng makita ko ang mukha ng lalake. Shock! Ang gwapo ni kuya, para siyang artista sa subrang handsome nito. At siya rin pala 'yung naamoy ko kanina no'ng dumaan siya sa likuran ko. Amo na amoy kasi ang pabangong gamit nito sa loob ng Vip room. At para siyang galing sa langit na bumaba sa lupa. Marami naman akong nakikitang gwapo at nakakasalamuha ngunit mas gwapo ang isang 'to. Grabe nakakaloka ang ka-gwapuhan niya. Makalaglag panty ang mga titig niya sakin. Para bang nagliliyab ang aking katawan dahil sa taglay nitong ka-gwapuhan. O nakainom lang ako. Bihira lang ako humanga sa isang lalake. At kay kuya pa talaga. Napansin ko rin na mas matanda lang siya sakin ng kaunti. Sabagay ay hindi naman iyon kabawasan dahil ang gwapo niya. " Hi." Nakangiti niyang bati sakin at iniwan na kami ni kuya waiter. Nakatayo na siya mula sa kinauupuan niya at nakaharap na siya sakin. " Hello." Nahihiya ko naman sagot sa kanya habang magkasalikop ang mga kamay ko. Bigla akong nahiya at parang naumid ang dila ko ng makita ko ang mukha niya. Nakainom naman ako pero nahihiya parin ako. " Upo ka. Pasensya kana ah? Kung naisturbo ko kayo ng mga kaibigan mo." Sabi naman nito saka inalalayan akong makaupo sa tabi niya. Kimi naman siyang naupo sa may couch. " Bakit kasi hindi kana lang pumunta sa pwesto namin? Bakit kailangan pang dito?" Anang ko pa sa kanya habang nakatingin dito pero sabay iwas rin ng tingin dahil nakatingin siya sakin. " Nahihiya kasi ako. Kaya pinasundo na lang kita sa waiter." Saad nito na umupo sa tabi ko. Nanuot tuloy sa ilong ko ang gamit nitong pabango. " Hmm, okey." Ani ko naman. " Bakit mo pala ako pinasundo?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. Nagtataka ako, kung bakit niya ako pinasundo. " Well," Nakangiti nitong saad. " Gusto lang kitang makilala. Okey lang ba? Wala naman sigurong magagalit?" Anang pa niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil parang sinisilaban ang katawan ko sa mga titig niya at naiilang ako. " Bakit? Anong merun sakin at gusto mo ako makilala." Nakatikwas ang kilay na tanong ko sa kanya at kinuha ang isang bote sa mesa saka tinungga iyon para mawala ang kaba sa dibdib ko. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan at malakas ang kabog ng dibdib ko. Ngayon lang nangyare ito sakin. " Well." Anito. " Sabihin na natin na nagandahan ako sayo at gusto kitang maging kaibigan." " Weh? Kaibigan? Baka naman gawin fūck buddy." Nakangisi ko naman tanong sa kanya. Hindi ako naniniwalang kaibigan lang ang gusto ng lalaking 'to. Kahit subrang gwapo nito ay hindi ako naniniwala sa kanya. " Oo nga." Nakatawa na sabi nito sakin na uminom 'din ng alak mula sa bote. " Gusto lang talaga kita maging kaibigan. Okey lang ba?" Muli ay tanong niya sakin na may ngiti sa labi. Mukha naman nagsasabi siya ng totoo. Tingin ko 'din ay hindi naman siya mangyakis. " Well." Kibit balikat na sabi ko sa kanya. " Okey, sabi mo eh." Ani ko pa saka muling uminom ng alak. " So payag ka ng maging kaibigan ko?" Nakangiti na niyang tanong sakin. " Pag-iisipan ko." Wika ko sa kanya. " Okey, sige." Aniya. " Ano pala ang name mo? Ako nga pala si Kirk Calev. Nakalimutan ko ng magpakilala sayo. Ang ganda mo kasi eh." Pangbobola pa nito sa kanya. " Sus, binola pa ako." Pairap ko naman sagot sa kanya at nagpakilala na rin. Magaan ang loob ko sa kanya kaya naman nagpakilala na rin ako sa kanya. Para kasing walang gagawin na 'di mabuti ang binata. " Kaia Rose nga pala." " Wow, ang ganda ng pangalan mo ah? Pangalan palang, maganda na." Puri nito sakin. Napangiti rin ako. " Bolero. Uminom na nga lang tayo." Ani ko dahil naiilang ako sa mga papuri niya at sa mga titig niya. Natawa naman ito saka nag-inoman na kami habang nag-uusap. Nakikita ko naman ang mga kaibigan ko sa labas dahil salamin ang wall ng Vip Room. Sa paglipag ng oras ay napansin kung masarap kausap si Kirk Calev at may since siyang kausap. Kaya napalagayan ko agad siya ng loob. Wala rin akong maramdaman na kaba o takot sa dibdib dahil napansin kung gentleman ang binata. At hindi lang 'yun, todo alalayan rin siya sakin. Masaya kaming nag-uusap ng dumating ang mga kaibigan ko. Hindi na ako bumalik sa pwesto namin dahil nag-enjoy na akong kausap si Kirk Calev. Masarap siyang kausap. Infairness. " Calev mga kaibigan ko nga pala." Kapagkuwan ay pakilala ko sa binata sa mga kaibigan ko kasama si Will. " Hello, set down." Alok ni Calev sa mga kaibigan ko saka nakipag-kamay sa mga ito. Nagpakilala naman ang mga kaibigan ko, isa-isa. Napansin ko pang parang kinikilig ang mga bruha habang nakatingin kay Calev. " Ang gwapob niya." Rinig ko pang sabi ni Alice kay Ivy. " Kaya nga." Segunda naman ni Ivy. Napailing na lang ako. Ganito sila kapag wala ang mga boyfriend nila. Mga kumekering-king, jusko. Hindi lang kasi invited ang mga boyfriend nila dahil ang gusto ni Beth ay ang mga kaibigan lang niya ang makakasama niya sa pagce-celebrate ng birthday niya. " Pasensya na pala kayo ah, kung pinasundo ko pa si Kaia. Nahihiya kasi ako'ng pumunta sa pwesto niyo." Maya-maya'y sabi ni Calev sa mga kaibigan ko. " Sus, h'wag kang mahiya samin. Makakapal ang mga mukha namin. Pwede mo naman hiramin si Kaia, basta ibalik mo lang." Nakangising sabi ni Beth kay Calev. Sinaway ko naman siya dahil parang binibigay na niya ako sa binata. Bumaling ako kay Calev. " H'wag mona lang pansinin. Lasing na." Aniya na bumaling ako kay Beth at tinignan siya ng masama. Napangiti naman si Calev. Parang mas lalo pa ata siyang guma-gwapo kapag ngumingiti. " Huy, hindi pa ako lasing no. Kaya pa." Hirit pa ni Beth kahit halata namang lasing na siya. " Ewan ko sayo." Inis ko naman sambit. Naiinis ako sa kanya kapag nalalasing kasi kung ano na lang lumalabas sa bibig niya. " Hey, okey lang." Sabi naman ni Calev sabay hawak sa kamay ko dahilan para makaramdam ako ng kuryente sa kamay ko at mabilis kung binawe ang kamay ko. " Sorry." Hingi naman nito ng pasensya. " Okey lang." Kimi ko naman sagot saka uminom ng alak. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na napangiti ang mga kaibigan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Samantala si Calev ay muling nagsalita dahilan para matuwa ang timawa kung mga kaibigan. " Baka gusto niyo every weekend ay kita-kita ulet tayo dito sa bar. Sagot ko." " Really?" Si Alice na may masayang ngiti sa labi. Basta talaga libre ay ang bilis-bilis ng babaeng 'to. May pera naman siya, ewan ko ba kung bakit mahilig siya sa mga libre. " Yeah, libre ko." Sagot naman ni Calev. " Bakit, palagi ka bang nandito?" Tanong ko naman kay Calev kaya napalingon siya sakin. Nakangiti naman siyang tumango sakin. " Yeah, pang-tanggal stress at pahingahan na rin dahil sa subrang trabaho sa office." Sagot nito. Napatango-tango naman ako. Mukha namang hindi siya stress. Ang gwapo-gwapo pa nga niya eh. Huy! Sabi ng utak ko. Problema kaya nito? " You mean mayaman ka?" Tanong naman ni Ivy kay Calev. Napangiti lang ang binata sa tanong ni Ivy. Mukhang mayaman ang lalake. Kasi base palang sa suot niya at pang-mayaman kaya ang bar na 'to. Dahil kung mahirap o may kaya sa buhay ang lalaking 'to ay masasabi kung hindi niya afford ang ganito, lalo na kapag nasa VIP room. Ang mahal ng Vip room lalo na kapag mamahalin ang bar. " Alam mo game kami diyan. Sige, every weekend nandito kami." Nakangising sabat ni Beth sa usapan. Napailing na lang ako. Akala mo talaga ay siya ang inimbitahan kung makapayag. " Promise 'yan ah?" Paniniguro naman ni Calev. " Oo nga." Si Alice na masayang-masaya. Napangiti naman ang binata sabay lingon sakin. Napabuntong-hininga na lang ako sabay ngiti dito. Matapos ang usapan ay nag-inuman na nga kami hanggang madaling araw. Magkatabi kami ni Calev habang nag-uusap kaming dalawa. At gano'n rin ang mga kaibigan niya. Muling omorder ang binata ng alak kaya bumabaha ng alak sa loob ng room. Hindi naman ako masyado nagpapakalasing dahil uuwe pa kami at walang aalalay sakin kapag nalasing ako. Tapos hindi pa namin masyadong kilala si Calev. Mahirap na, baka madisgrasya pa ako ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD