Chapter 03
KAIA ROSE POV
MATAPOS NAMING MAG-INUMAN sa bar ay nagkayayaan na kaming umuwe dahil nahihilo na ako sa dami ng ininom ko. Pero kaya pa naman maglakad kahit nahihilo na. Todo alalay naman sakin si Calev habang si Beth ay lasing na lasing na dahil sa dami ng nainom. Mabuti na lang talaga at kasama nito ang boyfriend para may umalalay sa kanya. Samantala ang dalawa ko pang kaibigan ay nagpasundo sa mga boyfriend nila dahil lasing na lasing na rin.
Kaya naman nauna na silang umuwe. Ako naman ay sasabay kina Beth at Will dahil wala naman akong sasakyan.
" Ano pala ang number mo?" Maya-maya'y tanong sakin ni Calev ng naglalakad na kami palabas ng bar.
" Bakit?" Baling ko sa kanya habang nasa beywng ko ang mga kamay niya para alalayan ako. Hindi na ako tumanggi dahil nahihilo na talaga ako. Atsaka wala naman siyang ginagawang masama sakin. " Gusto mo akong tawagan?" Dugtong ko pa.
Wala naman akong maramdaman na kaba sa dibdib dahil ang gentlemen ni Calev. Hindi rin siya bastos na tao. Parang ang bait-bait niya nga eh.
" Sana, para naman may ka-tawagan ako o ka-text." Nakangiti niyang sagot sakin.
" Maniwala, wala ka bang girlfriend?" Tanong ko sa kanya. Medyo lasing na ang boses ko dahil ang dami kung nainom kanina. Atsaka ang gwapo niya, imposibleng wala siyang girlfriend.
Natawa naman si Calev na para bang may nakakatawa sa tanong ko.
" Bakit ka tumawa?" Inis ko naman tanong sa kanya.
" Bakit may nakita ka bang babaeng kasama ko? Diba wala?" Nakangiti naman niyang tanong sakin.
" Wala, pero baka mamaya niyan ay bigla na lang may tumawag sakin at sabih'ng layuan mo ang boyfriend ko." Nagdududa kung saad sa kanya.
" Wala nga, promise." Saad naman nito na tila nagsasabi siya ng totoo.
" Okey sige, sandali." Kapagkuwan ay sabi ko saka tumigil sa paglalakad at kinuha ang phone sa bag ko. Hindi ko kasi kabisado ang number ko lalo na't nakainom ako ngayon.
Nang makuha kona ay sinabi ko agad dito ang numero ko. Nagulat pa ako dahil biglang nag-ring ang phone ko. Nang akma ko naman sa sagutin ay nagsalita si Calev.
" Ako 'yung tumawag. Naniniguro lang."
" Wala ka bang tiwala sakin?" Muli ay inis ko naman tanong sa kanya. Naiinis ako sa lalaking 'to. Nagdududa pa ata. Mukha ba akong sinungaling?
" Sorry na. H'wag ka ng magalit." Panunuyo naman niya sakin na para bang nobya niya ako. Feeling ko ay malambing siyang boyfriend. Wala rin akong maramdaman na kayabangan sa binata simula kanina kahit halatang mayaman siya. Parang ang bait-bait niya at gusto niya lang ng kaibigan. May issue ata ang binata sa ibang tao.
Umismid naman ako. Maya-maya'y tinatawag na ako ng kaibigan ko dahil nando'n na sila sa kotse ni Will. Ihahatid na muna ako nila Beth bago siya ihatid ng jowa niya sa bahay nila.
" Sige na, uuwe na kami. Salamat pala sa libre mo." Paalam ko sa binata.
" Wala 'yun. Sa susunod ulet." Saad nito saka hinatid ako sa kotse ni Will. Nagpaalam naman ang mga kaibigan ko kay Calev at may pa hug-hug pang nalalaman si Beth. Ang landi, akala mo wala 'yung boyfriend. Sabagay, openminded naman ang boyfriend ni Beth kaya ayus lang kung may iba siyang kayakap na lalake. " Ingat kayo." Sabi pa ng binata samin.
" Ikaw 'din." Sagot ni Beth na may ngiti sa labi. Hindi na ako nagsalita sa likod ng sasakyan.
Nahihilo na kasi ako kaya hindi na ako kumikibo. Hindi naman kasi ako tulad ng mga kaibigan ko. Kahit ang gwapo-gwapo ni Calev. Kung magka-crush ako sa binata ay patago lang. Hindi ko pinapakita.
Makalipas nga ng ilang sandali ay nasa kalsada na kami pauwe sa bahay namin. Ako muna ang nagpahatid samin dahil gusto ko ng matulog at masakit na talaga ang ulo ko. Mabuti na lang talaga ay hindi ako nagsusuka kapag nalalasing. Masakit lang talaga ang ulo ko.
Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na ako sa mag-jowa.
" Happy birthday ulet, sis." Sabi ko kay Beth habang nakayakap dito.
" Salamat sis." Sagot nito sakin. At kumawala na ako sa yakap niya saka niyakap 'din ang boyfriend niya. Hindi na sila bumaba ng sasakyan.
" Babye. Ingat kayo." Sabi ko sa kanila ng makababa ng sasakyan bago tuluyan umalis ang sasakyan ni Will.
Nasa tapat na ako ng bahay namin. Hindi naman ako natatakot kung ako na lang mag-isa sa labas dahil nasa isang subdivision naman ang bahay namin.
Hindi porket subdivision ang tinitirhan namin ay mayaman na kami. May mga kaya lang ang buhay namin dahil may masipag akong ama at ina kaya may sarili kaming bahay. Hanggang ngayun nga ay nagtatrabaho pa ang daddy ko. Pero si mommy ay hindi na at nasa bahay na lang para alagaan kami.
At hindi naman kasi kami kamag-anak ng mga contructor kaya need magtrabaho.
Nag-doorbell ako sa labas ng gate namin. Syempre kapag nasa subdivision may gate talaga diba? Pero wala kaming katulong dahil si mommy ang gumagawa ng gawain bahay. Hindi naman kasi gano'n kalaki ang bahay namin. Kaya wala kaming maid. Pero up in down na siya at may dalawang kwarto sa taas. Wala na rin naman ang mga ate at kuya ko sa bahay dahil may sarili na silang pamilya. Kaya ako na lang ang kasama ng mga magulang ko sa bahay namin.
Minsan nga ay ako ang kumikilos sa bahay kapag wala akong trabaho para matulungan si mommy sa mga gawain bahay. Ewan ko ba kay mommy. Kung bakit ayaw niyang kumuha ng katulong.
May pera naman kami at may mga trabaho naman kami ni Daddy. Pero ayaw niya talagang kumuha ng maid. Kapag may okasyon naman ay may kinukuha siyang tao para may katuwang sa pagluluto. Hindi kona lang siya pinipilit.
" Hi daddy." Bati ko sa aking ama ng siya ang nagbukas ng gate.
" Inumaga ka ata?" Sita ni Daddy sakin. " At lasing pa." Dagdag pa nito.
" Si daddy naman." Nakasimangot kung sambit sa kanya sabay yakap dito. " Malaki na po ako, daddy. Sabi mo pwede na akong uminom diba?" Dagdag na ani ko pa.
" Oo nga, pero madaling araw na. Tapos lasing kapa. Wala naman masama kung uminom pero h'wag naman ganyan." Malumanay na saad nito saka inalalayan akong maglakad ng makapasok sa loob.
Mabait at sweet si daddy pati na rin si mommy. Kahit malaki na kami ay ginagawa parin kaming baby ng mga magulang namin.
" Birthday po kasi ni Beth, daddy. Kaya napadami ang inom ko. Pero okey na po ako. Nandito na po ako, h'wag na po kayong mag-alala." Wika ko sa aking ama sabay yakap sa beywang nito. Nag-aalala lang talaga si daddy sakin kaya ganito siya.
Kahit malalaki na kaming magkakapatid ay nag-aalala parin siya samin dahil gano'n niya kami kamahal, pati si mommy.
" Okey, gusto mo ba magkape para mahimasmasan ka?" Alok pa sakin ni daddy sa malambing na boses ng makapasok kami sa loob ng bahay.
Ngumiti naman ako at umiling. " Hindi na po, daddy. Matutulog na lang po ako. Kayo rin po, bumalik na po ulet kayo sa pagkakatulog." Sabi ko kay daddy.
" Hindi na. Ikaw na lang dahil papasok pa ako sa trabaho. Mamaya magigising na ang mommy mo para magluto ng almusal." Wika nito. Oo nga pala, nakalimutan ko may pasok pala si daddy ngayun.
" Okey po. Goodnight, daddy." Ani ko sabay yakap ulet dito at halik sa pisngi ng ama. Then umakyat nasa taas para matulog na dahil masakit na talaga ang ulo ko.
Pagdating sa taas ay dumeretso ako sa aking kwarto at hinubad ang mga suot ko ng makapasok sa loob saka humiga sa kama.
Naiinitan kasi ako dahil sa ininom ko kaya hinubad ko ang mga suot ko sa katawan except lang sa panty at bra ko. Kapag nakakainom ako ay hinuhubad ko talaga ang mga suot ko bago matulog.
Napaungol pa ako ng makahiga na ako sa malambot na kama at nag-goodnight sa sarili.
" Goodnight self." Anito.
At natulog na ako ng mahimbing sa aking kwarto.