04

1301 Words
Chapter 04 KAIA ROSE POV TINANGHALI NA AKO NG GISING. Napasarap ang tulog ko dahil puyat ako kagabi at nag-inoman kami ng mga kaibigan ko. Birthday kasi ng bruha kung kaibigan na si Beth. Well nag-enjoy naman ako at wala naman akong pasok ngayun araw dahil day off ko. Kapag day off ko ay hindi ako ginigising nila Mommy o daddy para makapag-pahinga ako ng maayus. Gano'n nila ako kamahal at kaalaga. Actually ay lahat naman kaming magkakapatid. Kaya lang ay may mga pamilya na ang dalawa kung kapatid. Kaya naman ay tatlo na lang kami sa bahay nila Mommy at Daddy. Tinulak kona ang sarili kung bumangon sa kama dahil tanghali na. Napangiti pa ako dahil ang sarap ng tulog ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo habang walang suot na damit dahil hinubad ko iyon kagabi. Kahit naman lasing ako kagabi ay alam ko pa ang nangyayare dahilan para matigilan ako. " s**t!" Napamura ako ng maalala kung may nagpakilala pala sakin kagabi ng isang gwapo na lalake. Kinuha pa nga ang number ko at binigay ko naman. Hindi ko tuloy napigilan mapalo ang nuo ng maalala ko iyon. Kailan pa ako nagbigay ng number sa isang lalake? Si Limuel nga na kasama ko sa trabaho ay hindi ko binibigay ang number ko tapos sa isang estranghero pa? Kailan pa ako naging interesado sa lalaking 'yun? Napabuga na lang ako ng hangin sa pagka-inis. Sana lang ay h'wag tumawag ang lalaking 'yun o mag-text. Kahit naman sabihin na gwapo siya ay hindi naman ako basta nagpapaloko no? Nakita kona kung paano umiyak ang ate ko sa dati nitong boyfriend noon. Halos magpakamatay pa nga dahil sa pagmamahal ni ate sa boyfriend nito. Mabuti na lang ay nandiyan ang mga magulang ko at todo bantay sila sa ate ko noon at baka bigla na lang mag-bigte. Naghilamos ako at nagsipilyo bago nagpunas ng mukha. Then umihi bago lumabas ng banyo at dumeretso sa may kabinet para kumuha ng masusuot. Pagkatapos ay pumunta sa pintuan saka lumabas ng silid. Nagtungo ako sa hagdanan at bumaba patungo sa kusina. Nakita ko naman ang aking ina sa may sala's habang nanunuod ng tv kaya hindi agad ako pumunta sa kusina. " Hi, mommy." Nakangiti kung bati sa aking ina saka yumakap dito ng mahigpit. Niyakap 'din ako ni mommy ng mahigpit na para bang hindi kami nagkikita ng matagal. Ganito ako ka lambing sa mga magulang ko. " Inumaga ka daw ng uwe kanina sabi ng daddy mo?" Anang agad sakin ni mommy ng kumawala ako sa yakapan namin dalawa. Ako naman ay naupo sa tabi niya. Hindi pa naman ako masyadong nagugutom. " Opo, mommy. Nagkasiyahan lang po kami kagabi ng mga kaibigan ko. Diba sabi ko po sainyo na birthday ni Beth kahapon?" Anang ko sa ina. " Alam ko naman, pero dapat hindi hanggang umaga, Kaia." Ani mommy na parang galit. " Minsan lang naman po, mommy." Pangangatwiran ko sa aking ina habang nakanguso. Ayaw talaga ni mommy na inuumaga ako sa inoman o labas. Medyo may pagkaluma kasi si mommy. At natatakot 'din si mommy dahil babae ako. " Kahit na." Giit nito. " Dapat hanggang alas dose lang para nakakapagpahinga kapa ng mabuti." Saad nito kaya hindi na ako nakipagtalo pa dahil hindi ako mananalo sa mommy ko. " Sige po, Mommy. Kain lang po ako. Ano pong ulam?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. " Paborito mo. Nilagang baka." " Wow." Masaya kung sambit. Paborito ko talaga ang nilagang baka. Gusto ko kapag day off ko ay iyon ang uulamin ko dahil masarap ang sabaw no'n lalo na kapag maraming mais. " Sige na, kumain kana sa kusina. Tapos hugasan mo ang pinagkainan mo." Pagtataboy sakin ni mommy. " Bakit kasi ayaw niyong kumuha ng katulong mommy?" Hindi ko napigilan tanong ko ulet sa aking ina. " Hay nako. Mahirap ng kumuha ng katulong sa panahon ngayun dahil ninanakawan ka. Alam mo bang ang kaibigan kung si Rita? Kumuha sila ng katulong tapos ilang buwan lang ay ninakawan sila." Pagkukwento sakin ni Mommy. Si tita Rita ay kaibigan ni mommy sa trabaho. At hanggang ngayun ay may contact pa silang dalawa kahit hindi na nagwowork si mommy. " Gano'n po ba? Pero sa agency naman po tayo kukuha." Pagpupumilit ko pa sa aking ina. Ayaw ko kasi siyang nahihirapan. " Kahit na." Gagad nito sa kanya. " Doon nga sila kumuha sa agency pero nanakawan parin sila. Atsaka kaya ko pa naman kumilos sa bahay. Hayaan muna ako at kumain kana sa kusina." Sabi nito kaya hindi kona siya pinilit pa. Kaya naman ay pumunta na lang ako sa kusina para kumain. Kaagad akong nag-asikaso para makakain na. Marunong naman akong pagsilbihan ang sarili ko dahil tinuruan ako ni Mommy. Kaya lang ang inaalala ko lang ay si mommy dahil may edad na ito at may sakit pa. Kaya nais kung kumuha ng katulong para may katuwang siya dito sa bahay namin. Kahit naman maliit ang bahay namin ay nakakapagod parin maglinis ng buong bahay. Pagkatapos kung kumain sa kusina ay hinugasan ko agad ang mga ginamit ko bago tuluyang lumabas ng kusina at umakyat sa taas. Pumunta ako sa kwarto at pumasok sa loob. Natigilan ako dahil tumutunog ang cellphone ko kaya nagmamadali akong lumapit sa may kama at sinilip kung sino ang tumatawag. Nakita kung si Beth lang pala ang tumatawag. May inaantay ka? Tanong naman ang isip ko at hindi ko siya pinansin. Sinagot kona lang ang tawag ni Beth. " Bakit?" Tanong ko agad sa kaibigan ko. " Wala naman. Kagigising mo lang?" Balik tanong naman niya sakin. " Oo, ikaw ba?" Tanong ko rin sa kanya ulet saka naupo sa kama. " Oo, ang sakit nga ng ulo ko eh. Nagpabili ako ng gamot kay Will." " Huh? Magkasama pa kayo?" Gulat ko naman tanong na para bang may nakakagulat ba kung magkasama pa ang dalawa hanggang ngayun. " Oo, nasa hotel kami ngayun dahil hindi na kayang mag-drive ni Will kagabi." Sagot naman nito sakin mula sa kabilang linya. " Okey, napatawag ka?" Muli ay tanong ko sa kanya at hindi na nag-usisa pa. Malaki na si Beth at alam na niya ang ginagawa niya. Kapagkuwan ay narinig kung bumungisngis ito sa kabilang linya na tila kinikilig at tumikhim bago nagsalita. " Tumawag na ba sayo?" " Ano?" Gulat ko naman tanong sa kanya. Paano niya nalaman na kinuha ng lalaking 'yun ang number ko? Ang talas naman ng pandinig o ng mga mata nito. " Bakit mo natanong?" " Wala lang, akala ko kasi tumawag na eh." " Hindi, at mabuti na rin 'yun. Lasing lang ako kagabi." Ani ko sa kanya sabay buntong hininga. " Ay, bakit naman? Ayaw mo bang magkaroon ng boyfriend?" Parang dismayado na tanong niya sakin. " Oo, lalo na kung nakilala ko lang sa bar. Mamaya ay may girlfriend o asawa na ang lalaking 'yun. Naghahanap lang ng maloloko na babae." Ani ko sa kanya. Nakakatakot makipaglapit sa mga lalaking subrang gwapo. " Sayang naman. Paano 'yung every weekend na libre niya?" Parang nakasimangot na tanong niya sakin na tila nalungkot sa nalaman. " Gusto mo ikaw na lang? Basta ayaw ko." Wika ko pa. Kung anoman ang nangyare kagabi ay lasing lang ako. Wala lang ako sa sarili ko no'n. " Ano ba 'yan." " Hay nako, may gagawin pa ako. Kung gusto mo ikaw na lang. Sige na bye." Paalam ko para hindi na niya ako kulitin pa. At pinatay kona ang tawag nito. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga saka humiga sa kama bago inisip ang lalaking nagpakilala sakin kagabi. Ang gwapo niya pero nakakatakot ang pagiging gwapo niya. Ayaw ko pa naman masaktan dahil sa nangyare sa ate ko. Maya-maya'y natigilan ako ng tumunog na naman ang cellphone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD