05

1160 Words
Chapter 05 KAIA ROSE POV HINDI KO PINANSIN ANG tumatawag sa cellphone ko at baka si Beth lang 'yun para kulitin lang ako about sa guy kagabi. Makulet pa naman ang babaeng 'yun. Dumapa lang ako sa kama pero hindi parin tumitigil sa pagtunog ang cellphone ko. Kaya inis akong bumangon mula sa kama at inis kung kinuha ang cellphone sa gilid ng kama saka napabuntong hininga bago sinagot ang tawag na hindi tinitingnan ang tumatawag sakin. Kasi ang alam ko ay si Elizabeth lang iyon. Elizabeth talaga ang name niya at beth for short. Kinuha ang pangalan niya sa pangalan ni Queen Elizabeth. " Ano ba? Ang kulet-kulet mo naman eh. Ayaw ko nga diba? Kung gusto mo, ikaw na lang." Inis na sabi ko sa aking kaibigan. " Hi." Natigilan at nagulat ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya. Hindi boses ni Beth ang narinig ko at boses lalake kaya hindi ko napigilang tignan ang screen ng cellphone ko. Walang name na nakalagay kundi unknown number lang. Kaagad napaawang ang labi ko ng matanto kung kanino ang number at kung sino ang lalaking nasa kabilang linya. Hindi ko tuloy napigilan mapakagat labi at hindi nakapagsalita. Parang nahiya ako bigla dahil sa inasal ko kani-kanilang. Muli ay narinig ko ang boses ng lalake sa kabilang linya. " Hello, are you there?" Tanong nito sa kabilang linya sa baritone voice. Napalunok naman ako ng laway sabay tikhim bago nagsalita. " Yeah, napatawag ka?" Balik tanong ko rin sa kanya habang hindi mapakali sa kinauupuan ko. Ngayun lang kasi ako makipag-usap sa lalake sa phone. Naramdaman kung ngumiti ang lalake mula sa kabilang linya bago nagsalita. " Wala naman. Gusto ko lang sana makipag-usap dahil ang stress sa work. Kaya lang baka wala ka sa mood at mainit ang ulo mo." Saad nito dahilan para mapakagat sa labi. " Hmm, gano'n ba? 'Yung kaibigan ko kasi eh. Ang kulet-kulet." Kapagkuwan ay sabi ko habang nahihiya. Ewan ko ba, bakit ako nahihiya. Hindi naman kami magkakilala o magkaharap. " Bakit?" Tanong naman nito sa kanya. " Wala." Pabungtong hininga kung sabi sa kanya. Muli ay napangiti naman ang binata sa kabilang linya. " Okey, hindi ka naman siguro galit sakin?" " Hindi, bakit naman?" Ani kona biglang nanaray ang tono. " Nothing, okey lang ba kung tumawag ako sayo ngayun?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin. Hindi naman agad ako nakapagsalita. Sa totoo lang ay gusto kung h'wag na siyang tumawag sakin. Dahil ayaw kung makipag-kaibigan sa kanya. Mahirap na kasi. Iba pa naman ang panahon ngayun. Kahit sabihin na gwapo siya ay pagkakatiwalaan kona siya agad. Kahit mukha naman siyang hindi gagawa ng mabuti. Mamaya ay ano pa ang gawin niya sakin kapag palagi kaming nagkikita sa bar with friends diba? " Ahm.." Ani ko dahil hindi ko alam kung anong sa sabihin ko. Nakakainis lang kasi, may parte ng isip kung sinasabing makipag-kaibigan ako sa kanya. Pero ayaw ko naman. " Busy kaba? May ginagawa kaba ngayun?" Tanong naman niya sakin ng hindi ko matuloy ang sinasabi ko. At sa malambing pang tono. Kaya hindi ko alam kung tatanggihan ko ba siya, kaloka. Ano bang nangyayare sakin? Kaibigan lang ang gusto ng binata pero kung makapag-react ako ay ang arte-arte ko. " Ahm, matutulog kasi ako ngayun. Alam mona, puyat kagabi." Kagat labi kung sagot sa kanya. Mabuti na lang ay sa phone lang kami nag-uusap, kundi nakakahiya. " Ahh, okey. Sorry. Pasensya na." Sabi naman nito na tila nalungkot. Parang nakaramdam naman ako ng guilty dahil sa pagsisinungaling ko. Para lang huwag siyang kausapin. Palihim naman akong napabuntong hininga. Maya-maya'y may kumatok sa pintuan ko at bumukas iyon saka sumilip si mommy sa may pintuan. " Yes, mommy?" Tanong ko agad sa aking ina sabay baba ng cellphone pero hindi ko pa iyon pinatay. Kaya nasa kabilang linya pa si Calev. " Pupunta lang ako sa bahay ng ate mo at pinapapunta ako. Ikaw na lang muna dito sa bahay at baka mamaya pa ako uuwe." " Okey, mommy. Mag-ingat po kayo." Sabi ko sa aking ina. " Oh sige, magpahinga kana at h'wag puro cellphone dahil may pasok kapa bukas." Saad nito sa kanya. " Opo." Tugon ko saka umalis ng kama saka pinuntahan ang ina at yumakap dito sabay halik sa pisngi nito. " Mag-ingat po kayo." Muli ay bilin ko sa kanya. Medyo malayo ang bahay namin sa bahay ng ate ko. Kaya need pa mag-kotse ni mommy. Marunong naman siya mag-drive. Then umalis na siya at sinara ko ulet ang pintuan ng kwarto ko. Bumalik ako sa kama at akala ko ay pinatay na ni Calev ang call pero hindi pa pala. " Andiyan ka pa pala?" Tanong ko sa binata. " Yeah, mommy mo?" " Oo, pupunta siya sa bahay ng ate ko. Baka may gagawin sila do'n kaya ako lang ang nasa bahay." Sagot ko naman. " Gano'n ba? Dapat i-lock mo ang pintuan niyo baka may pumasok diyan." Parang nag-aalala na sabi niya sakin. " Okey lang. Si mommy na ang maglo-lock ng gate namin sa baba bago siya aalis." Wika ko sa binata. " Hmm, okey sleep kana. Kailangan mo daw matulog at magpahinga dahil may pasok kapa daw bukas." Saad nito sakin dahil narinig niya pala ang sinabi ni mommy. " Okey, pasensya kana ah? Kailangan ko talaga matulog baka magalit si mommy." Nakangiwi kung sabi sa kanya dahil nahihiya ako at narinig pa niya ang sinabi ni mommy. Akala ko kasi ay pinatay na niya ang tawag. " Okey lang, ang sweet nga eh." Nakangiting sabi niya sa kabilang linya. " Malaki kana pero mahal na mahal ka ng mommy mo." " Bakit? Ikaw? Hindi kaba love ng mommy mo?" Hindi ko naman napigilan tanong ko sa kanya. Natawa naman ang binata at muli akong pinapatulog. " Sige matulog kana ulet." Napasimangot naman ako. Para akong bata na hindi nasunod ang gusto. " Okey bye." Sabi ko saka pinatay na ang tawag at napabuntong hininga ng malalim. Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng bedtable ko at humiga sa kama para makatulog ulet. Then natulog na ng mahimbing. Makalipas ng ilang oras ay nagising ako sa mga katok sa pintuan ng kwarto ko. Narinig ko ang boses ni mommy. " Kaia, anak gising na. Kakain na tayo ng hapunan." " Opo." Sagot ko habang pupungas-pungas na bumangon sa kama. Napahaba ang tulog ko at hindi ko namalayan na dumating na pala si mommy sa bahay. " Bumangon kana diyan at sumunod kana." Muli sabi ni mommy bago ko marinig ang mga yapak niyang papalayo. Napahikab ako bago sinilip ang cellphone. Natigilan ako dahil nakita kung tumatawag na naman si Calev sakin. " Anong kailangan niya?" Bulong ko sa sarili bago umalis sa kama. Then pumunta sa banyo para umihi at magmumog. At pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Nakita ko agad do'n ang mga magulang ko. Dumating na pala ang Daddy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD