15 HOTEL

1085 Words
Chapter 15 KIRK CALEV POV DINALA KO SI KAIA SA hotel dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira. Sa subrang kalasingan niya, hindi ko na rin siya matanong nang maayos. Palagi lang siyang tumatawa at paulit-ulit na sinasabing, Hindi ko sa sabihin. Para bang ayaw niyang malaman ko talaga kung saan ang bahay niya. Natatawa pa ako dahil ang kulit pala niya kapag nalalasing. Hindi naman siya ganito kapag kasama ang mga kaibigan niya. Siguro, sanay na siya sakin kaya uminom siya ng marami. Ayaw ko man sana siyang malasing nang ganito dahil uuwi pa siya. Pero makulit at matigas talaga ang ulo ng dalaga, nagtatampo pa kapag pinipigilan ko. Kaya hinayaan ko na lang siya, para hindi na siya magtampo sakin. Hindi ko lang inakala na malalasing siya nang ganito. Ang sarap kasi ng usapan namin kanina habang umiinom. Lalong lumalim ang tawanan, at hindi ko namalayang may mga bagay na kaming nagagawa na hindi dapat. Hindi ko napigilang halikan siya sa labi at tumutugon naman siya. Matagal ko na rin kasing gustong maramdaman ‘yon, at kanina lang ako nagkalakas ng loob. Nagulat ako nang pumayag siya kanina, para bang siya na rin ang nagbigay ng pahintulot sa mga mata niya. Hindi na ako nagdalawang-isip kanina. Baka magbago pa isip niya kung mag-aalangan ako. Hinalikan ko siya doon mismo sa dance floor. Pero hindi ako nakuntento. Dinala ko siya sa VIP room at doon namin ipinagpatuloy ang masarap na halikan. Halos mabaliw ako sa sarap ng bawat halik niya, kahit hindi gano'n kapulido. Lasing man siya, ramdam ko ang init ng labi niya. Nahihilo ako, pero hindi dahil sa alak, kundi sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin siya habang patuloy ko siyang hinahalikan. Wala siyang pagtutol, bagkus ay marahan lang siyang umūūngol, parang nalulunod sa sarap. Hindi man siya gano’n kagaling humalik, sapat na iyon para mabaliw ako ng husto. Parang ngayon lang siya nakahalik ng lalaki o lasing lang? Pero imposible naman ‘yon, ang ganda-ganda niya tapos hindi pa siya nakakaranas ng halik? Pero wala na ‘yon sakin. Ang mahalaga, nahalikan ko na siya ngayun. Matagal ko na ‘yong gustong mangyari simula pa lang nang makilala ko siya. Pinipigilan ko lang talaga noon ang sarili ko, baka kasi matakot siya. Kaya nakipagkaibigan na lang muna ako sa kanya. Sa totoo lang, nabighani na ako sa kanya no’ng una pa lang. Kaya nga pinatawag ko siya sa waiter noon, akala ko pa nga, suplada siya. Pero hindi. Mabait siya. Siguro kaya ako lumapit sa kanya, kasi may kung anong gaan ng loob ko sa kanya. Kahit alam kong hindi puwedeng mahulog, hindi ko magawang lumayo. Sanay na akong kasama siya, sanay na akong makita siya tuwing pupunta ako sa bar. Minsan din, dumadalaw ako sa opisina niya para magdala ng pagkain, kunwari lang, pero ang totoo, gusto ko lang siyang makita. Hindi kasi ako kuntento sa tawag at text lang. Gusto ko, nakikita ko siya. Pero sa kabila ng lahat, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko. Ayokong mahulog nang tuluyan. Kasi kapag nalaman niya ang totoo, masasaktan lang siya. Malungkot man, pero hanggang kaibigan lang muna kami, hanggang sa kaya kong maging kaibigan niya, para lang manatili siya sa buhay ko. May sekreto kasi akong tinatago na hindi niya pwede malaman. Kapag nangyare iyon ay baka mawala siya sakin, at ayaw kung mangyare iyon. " Hey!" Sambit ko dahil ang kulet ni Kaia habang patungo na kami sa magiging silid namin. Hawak ko siya sa beywang habang naglalakad kami para hindi siya mabuwal o matumba. Sayang naman ang maganda niyang mukha kapag sumubsub sa sahig. Natawa naman si Kaia kasabay ng paglingon sakin habang namumungay ang mga mata dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga siya makalakad ng maayus at inaalalayan kona lang siya. " Asan ba kasi tayo? Nasa bar pa ba tayo?" Lasing nitong tanong. " Wala na, nasa hotel na tayo. Ayaw mo kasing sabihin kung saan ang bahay mo." Wika ko sa kanya. Inalalayan ko siya ng maigi at baka parehas kaming matumba. " Ayaw ko, baka palagi mo akong puntahan." " Bakit naman?" Taka kung tanong habang nakatingin dito. " Baka sabihin pa ng mga magulang ko, boyfriend kita." Aniya sabay tawa. Natawa naman ako, tama naman siya. Tama na rin dalhin ko siya dito sa hotel para magpababa ng amats. Kapag kasi sa bar ay mag-iinom lang ang babaeng 'to. Habang tumatagal kasi ay nagiging gahaman sa alak si Kaia kaya lasing na lasing ngayun at subrang kulet pa. Wala naman kaso sakin iyon, kung uminom siya ng marami. Kaya lang ang kulet niya, subra. Pagdating sa tapat ng kwarto ay kaagad kung binuksan iyon after mag-swipe ang card na binigay sakin ng babae na nasa reception. " Anong gagawin natin dito?" Tanong muli ng dalaga ng makapasok na kami sa loob ng kwarto. " Magpapahinga." " Wala tayong gagawin?" Nakangiti nitong sambit na tila may gusto siyang gawin habang namumungay ang mga mata. Natigilan naman ako sa tanong niya at nakaramdam ng kakaibang init sa aking katawan. Hindi pwede na may mangyari samin dalawa. Ayaw ko siyang magalit sakin kaya huminga ako ng malalim at inalalayan na siya patungo sa kama. " Wala tayong gagawin, Kaia. Magpapahinga ka lang, tapos ihahatid na kita sa bahay mo." Pigil ang sarili na sabi ko sa kanya. " Ayaw ko nga. Hindi mo pwede malaman ang bahay ko." Nakangiti nitong wika sabay higa sa kama. " Halika, tabi tayo." Paanyaya nito. Para bang hindi ito nag-iisip habang inaaya niya ako na tumabi. Hindi ako gumalaw o kumilos manlang sa kinatatayuan ko. Mahirap ng tumabi sa kanya at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay may magawa akong ikagagalit niya sakin. Ayaw kung magalit siya sakin dahil gusto ko pa siya maging kaibigan at makasama. Kaya kahit subrang hirap umiwas, ay hindi ko magawa. Nag-eenjoy akong kasama siya at masaya ako. " Huy! Tatayo kana lang ba diyan? Halikana dito, tulog na tayo." May lambing ang tono na tawag niya sakin dahilan para mag-react ang alaga ko sa baba. Ang lamyos kasi ng boses niya na kaysarap pakinggan. Shit! Mura ko sa isip, dahil parang nagliliyab ang buong katawan ko habang nakatingin ako sa kanya at nakatitig sa maganda niyang mukha. Mukhang hindi na ako makakapigil ngayun kung magpapatuloy pa ito. At mukhang ngayun gabi ay may pagsisihan kaming dalawa bukas. Hindi ko gusto dahil ayaw ko siyang galawin. Ngunit ang katawan kona ang kusang gumalaw at lumapit sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD