14 VIP ROOM

1255 Words
Chapter 14 KAIA ROSE POV Habang tumatagal, unti-unti kaming nagiging relaxed. Ang konting dampi ng kamay niya sa akin, ang mga sabay naming tawa, at ang mga tingin na paulit-ulit, lahat ng maliliit na bagay na ito ay nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko pa alam, pero ramdam ko, magiging kakaibang gabi ito para samin dalawa. Sa paglipas ng oras, pareho na kaming tinamaan ni Calev. Kanina pa kami umiinom, at habang lumalalim ang gabi, parang lalo ring lumalalim ang usapan namin. Magkatabi na kami ngayun sa mahabang sofa, halos magkadikit na ang mga braso namin. Hindi ko na alam kung anong oras na, basta ang alam ko, masaya. Dahil siguro sa alak, nawala na ’yung ilang at hiya sa pagitan namin dalawa. Parang matagal na kaming magkakilala o baka nga parang magkasintahan na, kung titignan sa kilos palang namin. Tawa kami nang tawa, may kasamang pahawak-hawak at impit na palo kapag sobrang saya ng kwento. Hindi ko na rin namamalayan na minsan, napapasandal na ako sa kanya. Ang sarap kasi niyang kausap, madaling dalhin ang usapan at nakakagaan ng loob. Paminsan-minsan, napapansin kong mas lumalapit siya sakin. ’Yung tipong kapag tumatawa, bahagya siyang sumasandal sakin. At sa bawat lapit niya, ramdam ko ’yung init ng katawan niya, at kung paano biglang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil lang sa alak, o dahil kay Calev mismo. Kaya't naisipan kong lumabas at mag-sayaw muna. Gusto kong gumalaw, baka sakaling mabawasan ang init at kaba na nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa. Para kasing nagiging obvious na ang mga galaw ko kaya inaya kona siya magsayaw sa labas. Pumayag siya agad. Maingat niyang inabot ang kamay ko at inalalayan akong maglakad palabas, na parang alam niyang hindi na matatag ang mga hakbang ko sa paglalakad. “ Dahan-dahan lang.” Sabi niya, at naman napatawa ako. “ Wag kang mag-alala, kaya ko pa,” Wika ko, kahit alam kong hindi na ako sigurado. Pagdating namin sa dance floor, agad akong napasigaw at sumabay sa tugtog. Sumayaw ako nang walang pakialam sa paligid. Malambot ang aking katawan, sabay sa ritmo ng tugtog, parang gustong itapon ang lahat ng iniisip. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, mga lalaking tila naaakit sa sayaw ko, at ilang babaeng parang naiinis. Pero wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko lang sumayaw ng sumayaw para pagpawisan ako. Nasa harap ko naman si Calev, tahimik na nakatingin sakin. Hindi siya sumasayaw, pero ramdam ko ang tingin niyang matiim, parang binabasa niya bawat galaw ko. Lumapit ako sakanya sabay hawak sa kamay niya, at hinila siya papalapit sakin. “Sumayaw ka naman,” Sabi ko sa malambing na tono, sabay tawa. Sumunod naman siya, marahan lang, pero sapat para magdikit ang mga katawan namin kapag nagkakasabay ang galaw. Hanggang sa muntik akong matumba dahil sa sobrang saya at hilo. Agad naman niya akong nasalo, mahigpit, parang ayaw niya akong bitawan. Napatingala ako sa kanya, at doon ko lang napansin kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Ramdam ko ang init ng palad niya sa bewang ko, at ang mabilis kong paghinga. Pati tìbok ng puso ko ay mabilis 'din na tila nakikipaghabulan. Nakatitig siya sa akin, hindi nagsasalita, pero mabigat ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya habang lasing na lasing na ang itsura ko. “Wag kang masyadong seryuso diyan." Sabi ko, sabay tawa para mawala ang akward na aking nararamdaman dahil sa paglapit naming dalawa. Ngunit hindi siya ngumiti. Tila ba may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi niya kayang ilabas sa salita. “ Lasing ka na.” Mahina niyang sabi, halos pabulong. Sapat para marinig ko kahit na maingay sa loob. “ Gusto mo na bang umuwi?” Kaagad akong umiling. “Bakit? Ayaw mo na akong kasama?” May lambing sa boses ko, halatang lasing pero puno ng katotohanan. Napangiti siya, ‘yung tipong hindi niya mapigilan. “ Hindi naman. Baka lang pagod ka na.” “ Hindi pa. Gusto ko pa kitang kasama.” Hindi ko napigilan sabi ko. Dala marahil ng kalasingan kaya nasabi ko iyon. At dahil doon, nagbago ang tingin niya sakin. Parang may kung anong pader sa pagitan namin ang biglang nabasag. Muling tumugtog ang mabagal na kanta. Parang sinadya ng musika na ipagtulakan kami papalapit. Naglakbay ang kamay niya sa bewang ko, at dahan-dahan niya akong inilapit sa kanya. Hindi na ako kumilos. Ramdam ko ang tìbok ng puso niya laban sa akin, at sa bawat tìbok, parang lumalakas din ang kabōg ng puso ko. Dahil ba ito sa kaba, kasi magkalapit kami o sa nararamdaman ko sa kanya? Wala na akong ibang marinig kundi ang tugtog at hinga naming dalawa. Parang kami lang ang tao sa paligid. Nakatitig siya sa mga mata ko, malalim, matiim, at puno ng tanong na hindi na kailangan ng sagot. “ Can I kiss you?” Kapagkuwan ay mahina niyang tanong, halos hindi marinig sa ingay ng bar. Pero narinig ko at natigilan. At tumango rin kalaunan dahil gusto ko maramdaman ang labi niya sa labi ko. Sa pagtango ko naman ay agad nga'ng bumaba ang labi niya sa labi ko at mariin na hinalikan ako sa labi. Napaungol agad ako ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinahalikan ng lalake. Kaya lang hindi ako marunong humalik kaya hindi ko magawa ang ginagawa niya. Hanggang sa bitawan na niya ang labi ko at nakaramdam ako ng panghihinayang. Pero hindi ko pinahalata, nahihiya ako. Hinawakan niya ako sa kamay dahilan para magulat ako at hindi nagsalita bago ako hinila pabalik sa vip room namin. Pagpasok sa loob ay muli niya akong hinalikan sa labi at sinara ang pintuan. Muli ko na naman naramdaman ang init ng labi niya sa labi ko dahilan para makaramdam ako ng pag-iinit ng katawan. Pagkatapos ay niyakap ko siya sa leeg niya para mas lalo pa kaming magdikit na dalawa. Subrang sarap sa feeling ang init ng kanyang katawan, lalo na't magkalapat ang aming mga labi. Patuloy niya akong hinahalikan sa labi kahit hindi ako marunong humalik. Hindi ko alam kung alam na ba niya na wala pa akong experience sa halik o s*x? Kung alam niya, baka ang mga kaibigan ko na naman ang nagsabi sa kanya. Pero wala na akong pakialam do'n, kundi sa halikan namin dalawa. Hindi pa nakuntento si Calev at dinala niya pa ako sa mahabang sofa saka hiniga doon. Do'n namin pinagpatuloy ang masarap at matamis naming halikan. Unti-unti na akong natutotong humalik dahil ginagaya ko lang ang bawat galaw ng labi niya. Hanggang sa matuto na nga ako, hindi naman pala mahirap matutunan humalik basta gusto mo matuto. Kaya naman naging mapusok at mapaghanap ang aming mga nararamdaman. Naramdaman ko pang unti-unting humahaplos ang mga kamay niya sa katawan ko dahilan para mas lalong uminit ang aking katawan at magliyab. Nakahiga parin ako sa mahabang sofa habang siya ay nasa ibabaw ko. Mas lalong umigting ang aming halikan sa paglipas ng minuto. Mas naging mapusok ang halik ni Calev sa labi ko ng maramdaman niya siguro na marunong na ako at panay na ang sipsip niya sa labi ko dahilan para mapaungol ako sa loob ng bibig niya. Wala na kaming pakialam sa paligid, dahil abala kami sa masarap na halik. Lalo na sa mga haplos niya sa aking katawan na mas lalong nagpapadagdag sa init ng katawan ko. Hanggang sa makarinig kaming pareho ng mga katok sa labas ng Vip room, at pareho kaming natigilan, saka kumawala sa isa't-isa habang hinihingal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD