Chapter 20
KAIA ROSE POV
PAGDATING KO SA parking lot, agad kong nakita si Calev na nakasandal sa kotse niya. Nakasuot ng black polo niya, medyo rolled up ang sleeves, at parang bagong ligo dahil amoy ko agad ang mild niyang pabango kahit medyo malayo pa ako sa kanya.
" Hindi siya pumasok?"
Tanong ko sa isip.
Napahugot naman ako ng hininga, dahil naalala ko na naman ang nangyare samin kagabi, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Parang bigla akong nahiya dahil sa nangyare samin. Pero nandito na, kailangan kona lang kumilos ng pormal, habang kasama ko siya.
Nakita kung ngumiti siya nang makita akong papalapit, dahilan para mas lalong kumabog ang dibdib ko. At mas lalo siyang naging gwapo sa harapan ko dahil ang gwapo-gwapo niya.
" Hi." Nakangiti niyang bati sakin habang nakatingin. Parang may kakaiba dito, parang ang saya niya.
Dahil sa nangyare samin?
Tumikhim ako, para mawala ang kaba sa dibdib ko at tension na namumuo sa aking dibdib.
" Hello." Nahihiya ko pang sagot sakanya.
" Tara?" May ngiti sa labing aya niya sakin. At parang wala naman dito ang nangyare sa amin dalawa. Dahil pormal parin siya ngayun. Parang sumama naman ang pakiramdam ko, dahil parang wala lang dito ang nangyare samin.
Hello, virgin kaya ako no'ng nakuha niya ako. Pero, parang wala naman sa kanya.
" Sige." Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya, saka huminga ng malalim. Pinasakay niya ako, sa kanyang kotse habang inaalalayan. Pumasok na rin, si Calev sa loob at pinaandar ang sasakyan palayo sa parking lot.
" Akala ko hindi mo na ako rereplyan.” Sabi niya na bumaling pa sakin, pero agad 'din binalik sa daan ang tingin niya.
" Bakit naman hindi?" Mahina kung tanong sa kanya na bumaling 'din habang magkasalikop ang aking mga kamay.
" Wala naman, akala ko lang pala." Mahina nitong tawa saka bumaling sakin pero umiwas ako ng tingin dahil ang bilis ng tìbok ng aking puso. " So saan mo gustong kumain? Doon parin sa dati?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin.
" Pwede sa fastfood? Namiss kona kasing kumain sa gano'n." Nakangiti kung tanong sa kanya.
" Sure, anong fastfood?" Nakangiti rin niyang tanong sakin.
" Jabbee?" Kagat labi kung sagot at pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko sa hiya. Bata palang kasi ako ay paborito kona ang jabbee. Kaya palagi ako kumakain no'n kapag nag-crave ako.
" Okey, Jabbee." Sagot naman nito habang may ngiti sa labi na para bang natutuwa sakin.
Nang may nadaanan kaming jabbee ay kaagad na lumiko si Calev patungo do'n. At pagkatapos ay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Sabay kaming nagtungo sa fastfood, at nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi agad ako nakapag-react at napatitig na lang ako sa mga kamay namin magkadaop.
Hanggang sa pumasok kami sa loob ng fastfood chain ay hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Gusto ko sanang kunin ang kamay ko, ngunit parang ayaw ko rin. Ang sarap kasi sa pakiramdam, at feeling ko ay mag-jowa kami.
Binitawan lang niya ang kamay ko ng nasa tapat na kami ng screen, para omorder. At pagkatapos ay bumaling sakin.
" What do you want?" Tanong niya.
" Ahm, iwant chicken." Nahihiya kung sagot sa kanya. Iyon kasi ang pinaka-paborito ko sa lahat. Bukod, spaghetti, burger at iba pa.
" Chicken lang?" Gulat naman niyang tanong sakin.
" Syempre, may rice." Pairap ko naman sagot at hindi ko napigilan, dahil pakiramdam ko ay napahiya ako.
" Sorry, galit ka kaagad." Sagot naman nito sabay pisil sa pisngi ko. Dahilan para uminit ang pisngi ko at bumilis ang tìbok ng aking puso. May nakasunod pa naman samin. Napapansin ko, palagi niya pinipisil ang ilong ko, o kaya ay pisngi ko. " Sige, 1 bucket chicken na lang ang order natin at rice. Then ako nasa iba." Saad pa nito at siya na nga ang omorder.
Lihim naman akong napangiti dahil 1 bucket chicken ang binili niya. My favorite.
Nang matapos ay pumila na kami para magbayad sa counter. Mabuti na lang ay kaunti lang ngayun ang mga tao, kaya nakapagbayad agad kami. Then saglit lang kami maghihintay.
5 mins, bago tumunog 'yung bilog na bagay. Then ihahatid samin ng robot. May ibang branch na merung robot at iyong iba naman ay wala.
Makalipas ng limang minuto ay dumating na ang order namin, dala ng robot. At agad na kaming kumain dahil mabilis lang ang breaktime ko.
Ang dami niyang inorder, para kaming bibitayin. Pero tahimik lang kaming kumakain at walang gustong magsalita o pag-usapan ang nangyare samin dalawa kagabi. Nahihiya naman akong buksan ang topic na iyon dahil babae ako.
Pero gusto kung pag-usapan para malaman ko, kung ano ba kaming dalawa. Pero kinakabahan ako at tinutubuan ang hiya. Hindi na lang ako nagsalita at kumain na lang ako ng tahimik.
Makalipas ng ilang segundo ay binasag ni Calev ang katahimikan. Akala ko, 'yung nangyare samin ang sasabihin niya, ngunit hindi pala.
" Paborito mo ba ang manok?"
Nakangiti naman akong tumango sa kanya, na may kiming ngiti sa labi habang kumakain ng manok.
" Oo, masarap kasi eh." Nahihiya kung sagot sa kanya.
" Mukha nga. Nakatatlo ka kaagad eh." Mahina niyang sabi sakin dahilan para mag-init ang mga pisngi ko sa hiya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya sa labis na hiya ko. Hindi ko talaga mapigilan kumain, basta paborito ko.
Hindi ako nagsalita at kumain lang, habang hindi makatingin dito. Gano'n rin ang ginawa ni Calev. Pero makalipas ng ilang minuto ay nag-uussp na muli kami.
Hanggang sa matapos kaming kumain at umalis nasa lugar na iyon. Nakasakay na ulet kami sa kotse niya na subrang lamig at bango. Amoy na amoy ko ang pabango niyang ginagamit. Doon ako unang na hook, sa pabango niya. Ang sarap naman kasi sa ilong, hindi siya matapang at hindi rin masakit. Kaya gustong-gusto ko ang pabango niya.
" Hindi ka pumasok?" Kapagkuwan ay tanong ko habang patungo na kami sa trabaho ko. Malapit ng matapos ang breaktime ko, kaya ihahatid na niya ako. Ayaw ko pa sana, humiwalay sa kanya dahil ang ganda ng kwentuhan namin. Ngunit, may trabaho pa akong kailangan balikan.
" Hindi, tinanghali na kasi ako." Nakangiti niyang sagot sakin. Napatango-tango naman ako sa kanya.
" Mabuti okey lang sa amo mo na, hindi ka pumasok ngayun?" Anang ko pa sa kanya. Sa isang kumpaya rin siya nagwowork at mataas ang posisyon niya, kaya para siyang boss, kung titignan.
" Oo naman, hindi naman nila ako sa sahuran." Pabiro pa nitong sagot sakin.
" Sabagay, may point ka naman." Ani ko sa kanya, na may kasamang tawa. Palagay na naman ang loob ko sa kanya, kahit may nangyari samin at hindi na akward. Pagdating sa may building, kung saan ako nagwowork ay hininto na niya ang sasakyan at nagpaalam agad ako sa kanya. " Baba na ako, salamat pala sa treat mo. Next time, ako naman."
" Nah, okey lang. Gusto ko naman. Basta, palagi kang sumipot sa bonding natin."
Natigilan naman ako, pero agad 'din sumagot.
" Sige." Pagpayag ko. Gusto ko rin naman siya makasama, kahit may nangyari na samin at walang label. Kung mangyare ulet iyon, kasalanan kona talaga. " Bye." At tuluyan na akong bumaba ng sasakyan.
Kumaway pa ako sa kanya, bago niya pinaandar ang kotse. Napahugot naman ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok nasa loob ng building.