19 TEXT CALEV

1001 Words
Chapter 19 KAiA ROSE POV NATIGILAN AKO nang makita kong nag-text si Calev. Hindi ko akalaing magme-message pa siya matapos ang nangyari sa amin kagabi. Kahit ako, hindi ko na rin siya tine-text simula noon. Hanggang ngayon, masakit pa rin ang katawan ko, lalo na ang p********e ko. May lagnat pa ako pero nakainom na ako ng gamot, bumili ako kanina bago pumasok sa trabaho. Kinuha ko ang cellphone pero hindi ko agad binasa ang message niya. Nanatili lang akong nakatitìg doon. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-text. Magkaibigan lang kami, pero bakit parang iba? Alam ko naman, kapag may nangyari sa isang lalaki’t babae, kadalasan ay naglalaho na lang ang isa. Pero siya? Nagparamdam parin? Maya-maya, binasa ko rin habang nagtatrabaho. CALEV; - Bakit iniwan mo ako? Naka-uwi ka bang safe? Sana ginising mo ako para naihatid kita sa bahay niyo." Hindi ko napigilan mapangiti. May kilig na sumabog sa dibdib ko. Aba, nag-aalala pa rin siya sa akin kahit ako pa ang umalis. " Okey naman akong nakauwi. Ikaw ba? Naka-uwi ka na?" Sagot ko sa kanya. CALEV; - Nasa bahay na ako. Nagulat ako, wala ka na sa tabi ko kanina. Sana ginising mo ako." " Huwag na. Okey naman akong nakauwi. Nakita kong mahimbing kang natutulog, kaya umuwi na lang ako mag-isa." Pagsisinungaling ko sabay kagat sa labi. CALEV; - Okey, puntahan na lang kita sa work mo mamaya. Treat kita ng food." " Huwag na, magpahinga ka na lang. Okey na ako." Sagot ko ulit sa text, pero hindi ko mapigilan ang ngiti. Napansin tuloy ako ng katrabaho ko. " Uy, mukhang may nagpapakilig na sayo, Kaia." Biro ni Remy, sabay kuhit sa tagiliran ko. " Wala ah. Kaibigan ko lang ang katext ko." Pagsisinungaling ko habang pinipigilang matawa. " Kaibigan daw! Pero ibang klase ‘yung ngiti mo,abot hanggang mata! In love ‘yan!" Pang-aasar pa niya sakin. " Ang kulit mo. Hindi nga." Pairap kong sagot bago bumalik sa ginagawa ko. Makulet talaga si Remy, ngayon lang niya kasi ako nakitang ganito, ‘yung ngiting abot hanggang mata. Hindi ko rin kasi mapigilan, basta si Calev ang katext ko. “Sino ba kasi ‘yan? Wala na bang pag-asa si Limuel?” Pang-uusisa pa niya habang nagta-type sa computer. " Kaibigan ko lang si Limuel, at kaibigan ko lang ‘yung katext ko.” Sagot ko sabay balik sa trabaho. Hindi ko na nireplyan si Calev, baka lalo lang akong asarin ng bruha na 'to. Hindi ko naman siya masyadong kaibigan dahil may totoo akong kaibigan sa labas. Kaibigan ko lang siya, kapag dito sa trabaho. Kaya hindi ako masyado, nagsasabi ng mga secret. Baka bigla akong sumikat sa office. Alam kasi ng lahat na wala pang nakakapagpatìbok ng puso ko. Kaya ngayong may konting glow up ako, ayan, sabay-sabay silang nagma-marites sakin. Buti na lang, hindi nila kilala si Calev. Pagdating ng break time, lumapit si Limuel at niyaya akong kumain sa canteen. Kaagad akong tumanggi. Ayokong bigyan siya ng pag-asa. " Sorry, may baon ako eh.” " Ah, gano’n ba?” Kimi niyang sagot, sabay kamot sa ulo. " Sige, next time na lang, Kaia.” Pagkaalis niya, may kumurot sa braso ko, pero mahina lang. Si Remy na naman. " Kawawa naman ‘yung tao. Ang tagal na niyang nanliligaw sa’yo. Wala na ba talaga siyang chance sayo?" Pang-uusisa na naman niya. " Wala. Kaya tumigil ka na,” Pagsusungit ko sabay tayo patungo sa pantry, para kumain ng lunch. At makainum ng gamot. Malaki ang pantry sa opisina namin. Dito kumakain ang mga empleyadong may baon para hindi na bumaba sa canteen. May ref, microwave, electric kettle, coffee maker, at toaster. May mga label pa sa ref kung kanino ang mga pagkain, pati sticky notes na, don't touch o for tomorrow. May naka-display din na mga instant coffee, creamer, at sugar packets. Sa gilid, may maliit na sink at mga basurahang may label na, nabubulok at di-nabubulok. Kailangang malinis, kasi minsan bumababa rin si boss dito para magkape. May high table at bar stools para sa mabilisang kainan. Lumapit ako sa microwave para initin ang pagkain ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Buti na lang wala si Remy, nasa canteen siya kasama ng iba. Napatigil ako nang makita kong si Calev ulit ang nag-text. Hindi ko pa siya nasasagot mula kanina. " Bakit?" Text ko habang iniìnit ang baon ko. CALEV; - Break time muna? Kain tayo sa labas." Aya nito sa text. Napakagat ako sa labi, sabay buntong-hininga. " Okey. Asan ka na ba?" Sagot kong hindi na nag-isiip. Nilagay ko sa ref ang baon ko, mamaya ko na lang kakainin ‘pag meryenda na. Lumabas ako ng pantry at bumalik sa pwesto ko para kunin ang bag. Halos magmamadali akong sumakay ng elevator. Sa baba ko na lang siya hihintayin. Excited ako. Kahit masakit pa rin ang katawan ko, gusto ko siyang makita. Parang nami-miss ko na agad siya. " Wow, Namiss agad? May nangyare lang sainyo, ganyan agad?" Pang-aasar ng utak ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan. Mabait siya, gentleman, at sobrang maayos sa pakikitungo sakin. Paano pa ako makakaiwas. Mukha naman, wala siyang sabit. Pagdating ko sa labas ng building, tumunog ang phone ko, si Calev tumatawag. " Hello?” Sagot ko agad. CALEV; - Asan ka? Nandito na ako sa parking lot." Sabi niya sa kabilang linya. " Ah, okey. Papunta na ako,” Sagot ko bago ibinaba ang tawag. Habang naglalakad papunta sa parking lot, napaisip ako. Siguro okey lang naman kung mainlove ako sa kanya, kahit alam kong baka kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Hindi naman siguro masama, ‘di ba? Hindi ko rin kasi kayang lumayo na sa kanya. Gusto ko siya. At parang lalo ko siyang nagugustuhan sa tuwing nagkakasama kaming dalawa. Bahala na si batman. Sana lang ay hindi ako masaktan sa paglapit sa kanya. Kung nagkataon, ito ang unang pagkabigo sa pag-ibig. Bukod do'n ay binigay kona ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD