07

1243 Words
Chapter 07 KAIA ROSE POV PAGDATING NAMIN SA BAR kung saan kami pumunta noon ng mga kaibigan ko at makikipagtagpo kay Calev. Sa wakas pinayagan ako ng mga magulang ko. Subrang saya ng mga kaibigan ko dahil pinayagan ako. Hindi kasi ako pwede mawala dahil ako talaga ang niyaya ni Calev. So nahihiya ang mga bruha kaya need nila ako para makalibre. Ang sabi ng mga magulang ko ay h'wag daw ako masyadong uminom at h'wag masyadong magpagabi. Baka mapaano kami sa labas. Ang sabi naman ng mga kaibigan ko ay hindi naman nila ako pababayaan kaya malaki ang tiwala ng mga magulang ko sa kanila. Magkakaibigan na kasi kami, simula ng high school kaming apat. Pwede naman daw akong sumama sa mga kaibigan kung lumabas-labas basta mag-ingat lang ako. Gano'n ako kamahal ng mga magulang ko. Bukod do'n ay ako na lang ang walang asawa samin tatlong magkakapatid. Kaya ingat na ingat sakin ang mga magulang ko. Kaya siguro hindi ako nakakapag-isip na mag-boyfriend agad dahil may mga magulang akong mapagmahal. Pumasok na kami sa loob ng bar at pumunta sa Vip room. Doon daw kami pumunta sabi ni Calev sa text kanina. Kaya naman doon kami pumunta na magkakaibigan. Nauna ang mga kaibigan ko at nasa likod naman ako. Medyo nahihiya ako kaya sila pinauna ko. Pagpasok sa loob ng vip room ay nakita agad namin si Calev habang nakaupo sa mahabang couch ng vip room na para bang boss. Shock! ang gwapo niya mga teh. Ang lakas talaga ng presensya ng lalaking 'to, kaya hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya kung minsan. Mukhang magkakagusto pa ata ako sa lalaking 'to. Huwag naman sana. Ayaw kung masaktan. Grabe naman kasi, ang lakas ng presensya niya. Sa lahat ng lalaking nakita ko ngayun gabi ay parang si Calev ang umaangat. Hayop naman kasi ang lakas ng dating niya. Tapos amoy na amoy ko na naman ang pabangong gamit niya kaya nanunuot sa aking ilong. Ang sarap sa ilong. Parang gusto kona lang siyang amuyin hanggang mamaya. Mas umangat pa ang ka-gwapuhan niya sa suot niya ngayun. Naka-badboy look siya ngayun. Naka-leather jacket siya ngayun habang nakasuot na polo shirt sa loob ng jacket. Bahagya pang naka-unbutton ang polo shirt nito sapat para makita ko ang matinpuno nitong dibdib. Pati na ang chain silver nito sa leeg habang tinatamaan ng ilaw dahilan para kumislap iyon. Naka-fitted na dark jeans siya at leather boots rin siya na bawat hakbang ay may bigat at kumpiyansa. Para siyang nasa isang eksena habang nakaupo at nakaseryuso ang mukha. Para bang napaka-delikado niyang tignan pero gusto mong lapitan. Gano'n kalakas ang presensya niya. Baka nga kapag nasa labas siya ng Vip room ay pagkaguluhan siya ng mga kababaehan at luhuran siya para lang mapansin niya. Maya-maya'y nakita kung tumayo si Calev at nakipag-kamay sa mga kaibigan ko. Ang mga kaibigan ko naman ay masayang-masaya na yumakap sa binata. Tapos ay sakin naman bumaling ang binata dahilan para bumilis ang t***k ng aking puso ng tumitig siya sakin ng matiim. Para tuloy gusto ko himatayin dahil sa mga titig niya. Nakakapanghina ng tuhod ang mga titig niya sakin. Lalo ng ngumiti siya at nakita ko ang mapuputi niyang mga ngipin. " Hi." " Hello." Kimi kung ngiti sa kanya saka nagmamadaling naupo sa tabi ni Ivy. Dahil kapag tumagal pa akong nakatayo ay baka matumba na ako. Gano'n kalakas ang presensya niya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko naman gwapo siya at hindi naman ako basta-basta naapektuhan sa mga gwapong lalake. Pero iba itong isang 'to. Kaloka. Narinig kung nagsalita si Calev kaya napalingon ako sa kanya. At nagtama ang mga paningin namin dahil nakatingin pala siya sakin kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. " Order na kayo guys." Wika ni Calev at nagulat ako dahil sakin siya tumabi. Kaya pala umalis sa pwesto niya si Ivy para tabi kami ni Calev. Inis ko siyang tinignan ng masama pero ngumiti lang ang bruha. Gusto na talaga nila ako magkaroon ng boyfriend. Pero sorry sila. Wala pa akong balak. " Ikaw? Anong order mo?" Tanong naman sakin ni Calev. " Ikaw nalang bahala." Kimi kung sagot sa kanya na tumingin pa dito pero agad rin umiwas ng tingin sa binata. " Oh sige." Saad nito saka humarap sa mga kaibigan ko." Order lang kayo. Sagot ko." Natuwa naman ang mga walanghiya kung mga kaibigan. At nagsigawan pa nga kaya napangiti si Calev bago lumingon sakin. " Kamusta kana? Mabuti pinayagan ka ng mommy mo?" Tanong niya sakin. " Yeah, malakas kasi si Beth sa mommy ko." Sagot ko naman sa kanya habang nakaseryuso ang mukha ko. " Gano'n ba? Akala ko hindi kayo matutuloy. Kung nagkataon ay ako lang mag-isa ngayun." Nakangiti naman nitong sabi sakin kasabay ng pagsandal sa couch habang inaantay ang order namin. Ang mga kaibigan ko naman ay mga busy at para bang hinayaan lang kami ni Calev na mag-usap. Siraulo talaga. " Bakit wala ka bang kaibigan? Imposible namang wala diba?" Anang ko naman na tumingin dito. " Merun naman. Pero mga busy kasi ang mga kaibigan ko. Kaya ako lang mag-isa." Sagot nito kapagkuwan. Napatango-tango naman ako sa kanyang sinabi. " So hanggang anong oras kayo uuwe?" Maya-maya'y tanong nito sakin. " Alas dose." Mabilis kung sagot dahilan para umeksena na naman si Beth. " Huy! anong alas dose? Pumayag si tita na alas tres tayo uuwe. Ano dalawang oras lang tayo dito? Hindi pa umiinit ang pwet ko no'n." Hindi na nahihiyang sabi nito na para bang timawa sa alak. Hindi manlang nahiya kay Calev at dere-deretso ang salita niya. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. " Okey lang kung hanggang alas dose. Baka magalit ang mommy mo." Kapagkuwan ay sabi sakin ni Calev. Mabuti pa ito, marunong makaunawa. Hindi katulad ni Beth. Basta talaga alak, walang hiya-hiya. " Hindi okey lang. Hindi naman papaawat ang babaeng 'yan. Basta hati-hati tayo sa bill. Nakakahiya naman kasi sayo." Ani ko sa kanya. Malaki magiging bill niya mamaya kapag umabot kami ng alas tres. Hindi naman makapal ang mukha ko, na kagaya ng kaibigan ko. Minsan talaga ay may mga kaibigan kang makakapal ang mukha pero mabait naman si Beth at maaasahan. " Sure ka?" Paniniguro ni Calev sakin na para bang napakabait niyang tao. " Yeah." Nakangiti ko naman sagot sa kanya. Kaya naman tumango ang binata. At nang dumating ang order namin ay agad kaming kumuha ng isa-isang bote ng alak saka nag-toast. Masaya kaming nag-inuman habang lumilipas ang oras. Magkatabi parin kami ni Calev sa upuan at hindi siya umaalis sa tabi ko. Masasabi kung masarap siyang kausap kaya hindi ako naboboring. Hindi rin siya mayabang kung ano ang katayuan niya sa buhay. Anak mayaman pala talaga siya. Kaya malakas siyang magyaya manglibre samin. Ang sabi niya kaya siya pumupunta sa ganitong lugar para pangtanggal stress dahil sa dami ng trabaho niya sa opisina. Gusto daw niya kasi pag-uwe sa bahay ay matutulog na siya. Sa paglipas ng oras ay wala kaming ginawa kundi mag-kwentuhan kaya napapanatag na ang kalooban ko sa kanya at nasasanay na ako. Hindi na rin ako masyado nahihiya dahil mabait kausap ang binata. Hindi na rin ako naiilang. O dahil nakainom na ako. Hindi na kami pinapansin ng mga kaibigan ko. At busy sila, kahit alam ko naman kung bakit. Pero hinayaan kona lang dahil okey naman kausap si Calev. Kung siguro mayabang at pangit kausap baka hindi ako nakikipag-usap sakanya ngayun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD