Chapter 08
KAIA ROSE POV
NAPASANDAL AKO SA COUCH dahil nahihilo ako, kasama pang inaantok na ako. Anong oras na kasi tapos nakainom pa ako. Pero hindi naman marami ang nainum ko. Siguro nakatatlong bote lang ako ng alak.
Samantalang si Calev ay nakarami na pero parang hindi parin siya lasing. Mataas siguro ang liquor niya sa alak. Dahil parang hindi siya umiinom at walang bakas na marami na siyang nainom.
" Lasing kana?" Tanong sakin ni Calev ng makitang sumandal na ako habang may ngiti sa labi.
Nakangiti naman akong tumango. " Mabilis lang talaga ako malasing. Hindi naman kasi ako palainom. Hjndi katulad ng mga friends ko."
" Dapat pala hindi ka pwedeng maraming inumin at baka mapaano ka."
" Yeah, kaya nga ayaw ni mommy na nasa labas pa ako at maraming ininom. Baka daw ma-rape ako." Aniya na may kasamang tawa.
" Tama naman ang mommy mo. Maraming siraulo ngayun. Kaya dapat 'yung kaya mo lang." Saad nito sakin na nakatingin ang mga mata sa mata ko.
Ngumiti naman ako sa kanya na pumipikit-pikit ang mga mata. Wala ang mga kaibigan ko dahil nasa labas sila ng vip room at nagsasayaw sa labas. Sumayaw na ako kanina kasama sila pero bumalik lang ako sa loob at nahihilo lang ako.
" Hindi naman ako sasama sayo o makikipag-kaibigan kung bad ka."
" Salamat dahil nakipag-kaibigan ka sakin." Sabi nito sakin na tumungga ng alak mula sa bote.
Ngumiti ako saka bumangon mula sa couch at tumingin dito. Namumungay na ang mga mata ko dahil sa ininom ko. Pero kaya ko pa naman maglakad at umuwe sa bahay namin.
" Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga makipag-kaibigan sayo dahil hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga lalake. Kaya lang, ang kukulet ng mga kaibigan ko. Palagi nila akong tinatanong kung nag-uusap ba tayo at kung tuloy ba." Pagkukwento ko sa kanya. Parang nasaktan naman ito ng sabihin ko iyon.
" Parang napilitan ka palang ata." Saad nito na tumawa ng mahina.
" Sorry." Wika ko naman. " Pero ayus ka rin naman. Hindi ka mayabang, hindi ka rin bastos kaya may next time pa 'to."
" Talaga?" Masaya nitong tanong sakin.
" Yeah, mabait ka naman eh. Wala naman siguro kung makikipag-kaibigan ako sayo diba?" Nakangiti kung sagot sa kanya.
" Well." Wika nito na ngumiti ng matamis saka kinuha ang bote ng alak at binigay sakin ang isa.
" So, cheers. Hindi naman kita lalasingin para may next time pa."
" Okey." Ani ko saka tinungga ang bote ng alak na binigay niya sakin at gano'n rin ang binata. Pagkatapos ay napatitig ako sa kanya ng matiim matapos kung uminom ng alak. " Alam mo ang gwapo mo. Sure ka bang wala kang girlfriend?"
Natawa naman ang binata sa tanong kona para bang may nakakatawa.
" Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya dahil nakakaduda naman talaga.
" Sorry." Hingi naman nito ng pasensya sakin kasabay ng pag-seryuso ng mukha niya habang nakatingin sakin. " Noon." Tipid na sagot niya sakin.
" Noon? Bakit hindi kana nag-girlfriend?" Usisa ko pa sa kanya dahil gusto ko malaman kung bakit.
" Pwede past?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin na may ngiti sa labi na para bang ayaw niyang pag-usapan iyon kung bakit. Siguro may hindi magandang nangyare sa kanya noon kaya ayaw niyang pag-usapan.
" Sorry." Sabi ko naman. " Ang daldal ko."
" Okey lang, ayaw ko lang pag-usapan ang past ko. Ikaw? Bakit wala ka pang boyfriend?" Tanong naman niya sakin habang nakatingin at umiinom ng alak. Natawa naman ako. Nahihiya akong sabihin sa kanya na NO BOYFRIEND ako SINCE BIRTH ako.
Uminom muna ako ng alak bago siya sinagot.
" Well, sabihin na lang natin na takot ako kaya wala pa akong boyfriend."
" What do you mean?" Nakatitig na tanong niya sakin. Napabuntong-hininga naman ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung sa sabihin ko bang wala pa ako nagiging boyfriend. Nahihiya talaga ako at baka pagtawanan niya ako.
Mabuti na lang ay dumating na ang mga kaibigan ko kaya nakaligtas ako sa kahihiyan. Hindi ko akalain na ikakahiya ko ang pagiging no boyfriend since birth ko.
" Hello, kamusta kayo? Ayaw niyo bang sumayaw ulet?" Tanong samin ni Beth at halatang lasing na lasing na siya. Mabuti na lang at kasama niya ang kanyang boyfriend. Baka mahirapan kami sa kanya sa pag-uwe.
" Ayaw ko. Nahihilo na ako." Sagot ko naman sa kanya. Nagpaalam naman si Calev na magbabanyo. Kaya naman naiwan kami sa loob ng vip room.
Kaagad naman lumapit sakin si Ivy at nagtanong dahilan para magulat ako.
" Kamusta naman kayo ni pogi? Nangliligaw na ba?"
" Anong pinagsasabi mo?" Salubong ang kilay na tanong ko. " Kaibigan lang ang gusto niya. Masyado kang assuming." Inis na sabi ko sa kanya.
" Ano ba 'yan, kaya ka nga namin iniwan para mag-usap kayong dalawa tapos hindi pa nangliligaw." Si Alice na tila dismayado.
" Ano ba kayo, baliw ba kayo? Nakikipag-kaibigan lang si Calev. Atsaka ngayun lang natin siya nakasama, ligaw agad? OA niyo ah?" Sabi ko sa kanila.
" Sabagay." Kibit balikat na sabi naman ni Beth. " Bago palang, malamang next week niyan, mangliligaw na 'yan." Nakangiti pa nitong dagdag na tila sayang-saya sa mga naiisip niya.
Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Tapos ay napalingon ako kay Ivy ng marinig kung nagsalita siya.
" Tama, dapat sagutin muna girl. Sayang si pogi kapag pinakawalan mo pa." Si Ivy. Napabuntong-hininga naman ako ng malalim. Kung hindi ko lang silang kaibigan ay baka tinakwil kona sila.
" Bakit hindi ka kaya ikaw? Tutal kayo naman may gusto." Inis kung sabi sa kanya.
Nakakainis, kung naririnig lang ni Calev ang mga pinagsasabi nila baka ang binata na ang kusang umalis dahil kaibigan lang naman ang gusto niya at hindi jowa. Mukha pa nga'ng may issue siya sa dati niyang ka-relasyon dahil ayaw niyang pag-usapan.
" Ito naman, gusto ka lang namin magka-boyfriend. 24 kana pero hanggang ngayun never been kiss at never been touch ka parin, sis." Paglalambing naman sakin ni Alice.
" Bakit nagmamadali ba ako? Sa ginagawa niyo baka masaktan lang ako." Inis ko parin na sabi ko sa kanila habang nakahalukipkip ang mga kamay ko sa dibdib.
Dumating na rin si Calev at nagpatuloy ulet kami sa masayang inuman.