02: Shopping

1025 Words
Mina's Point of View NAGBABASA AKO NG libro sa Library ng bahay ko ng marinig kong tumunog ang telepono ko. Dinampot ko iyon at nakitang si Karina ang tumatawag. "Hello," walang gana kong sagot sa kabilang linya habang nasa libro ang atensyon ko. "Hello Sissy Mina!!" I rolled my eyes. Alam kong may kailangan siya sa 'kin kaya tinatawag niya ako sa endearment na'yun. Karina Sachess, isang mapanlamang na tao at gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. "What do you need this time?" walang gana kong tanong sa kaniya. "Chill Sissy, I just wanna invite you sana na sumama sa 'kin pwede ba?" I rolled my eyes again. I know what she mean. Gusto niyang ako ang magbayad sa mga pinamili niya. "Got it bye," hindi ko na siya hinayaan pang mangsalita at pinatay na kaagad ang tawag. Nagsimula na akong maghanap ng damit ko nang may makakuha ng atensiyon ko "Hmm," pinagmasdan ko ang kulay pulang off shoulder dress na siguradong babagay sa 'kin, isinuot ko na iyon at tumingin sa salamin. "Ang ganda mo talaga Almira" puri ko sa aking sarili at kinuha na ang sling bag ko ngunit bago iyon pinagmasdan ko ulit ang replika ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad sa pasilyo ng bahay ko dinadama ko ang bawat dampi sa balat ko ng hangin. It's been a long time ng lumabas ako kaya susulitin ko na 'to. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar iyon papuntang mall. Nang makarating ako sa Mall, sinimulan ko nang maglakad papunta sa isang clothing shop na sigurado akong nandoon si Karina. Di nga ako nagkakamali, di pa ako nakakalapit sa shop ng mamataan ko si Karina habang titig na titig sa kaniyang telepono at mukhang problemado. "That son of b*tch!" dinig kong bulong niya habang titig na titig sa telepono niya at hindi ako napansin na nasa tabi na niya ako. "I'm here," pagiimporma ko sa kaniya. Agad naman siyang humarap sa 'kin na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. "Hello Sissy! Kanina pa kita hinihintay lets go na at may pupuntahan pa ako," napailing na lamang ako at sumunod sa kaniya. Sa bawat madadaanan namin ay sinusukat niya ang mga damit kahit 'di naman niya bibilhin kaya napapailing na lamang ang sales lady sa kaniya. "Grabe naman ang kasama niyo Ma'am lahat na 'ata ng damit namin dito ay sinukat na 'ni mukhang di naman 'ata bibili" natawa ako dahil sa sinabi ng sales lady sa tabi ko. Talaga namang sasakit ang ulo mo pag nakita mo si Karina na itinambak lang sa isang gilid ang lahat ng mga sinukat niya. "Nakabili na ako Sissy tara na punta tayong Restaurant kasi I'm so hungry na kasi you know naman me," napailing na lamang ako habang sinusundan siya na masayang naglalakad upang maghanap ng makakainan. Hindi ko alam ang trip ni Karina kasi mayaman na sila pero nagpapalibre pa rin siya sa 'kin parang ewan lang. nakaupo kami bandang glass wall habang hinihintay ang order namin. "What are you thinking Karina," tanong ko kay Karina habang nakapalumbaba siya habang wala sa sarili, mukhang may problema. "It's nothing," aniya at bumuntong huminga. I think alam ko na kung sino ang problema niya. "Its Marco right?" sinamaan niya ako ng tingin ng banggitin ko ang pangalan ni Marco. College days palang kami malapit na sila sa isa't isa dahil sila ang Officers ng University namin. Linigawan ni Marco si Karina at napasagot rin naman kaagad siya ni Marco dahil na rin sa posisyon nito sa kanilang eskwelahan. Di ko lang alam kung bakit sila naghiwalay ngunit sa pagkakaalala ko ay dahil sa third party. "Bakit naman nasama ang pangalan ng pangit na'yon?" kunot-noo niyang tanong sa 'kin, di ko na siya nasagot dahil dumating na ang pagkain namin. "By the way Mina, nakapamili ka na ba ng gown para bukas?" excited na tanong niya sakin. Tamango na lamang ako habang ngumunguya. "I'm so excited, you know naman na miss ko na ang mga dating friends ko. Ikaw ba wala ka bang namimiss?" napatigil ako sa pagkain dahil sa tinanong niya. Napansin niya sigurong wala ako sa mood para makipag usap kaya tumahimik na lamang siya at tinuloy na rin ang pagkain "BYE SISSY SA susunod ulit," sabi pa niya habang kumakaway hanggang sa mawaka na siya sa paningin ko. Pinaandar ko na rin ang kotse ko upang tahakin ang pauwi sa bahay. "ANO NG BALITA sa pinapagawa ko sa'yo?" tanong ng isang babae sa kaniyang utusan. "Naayos na po namin ang lahat," napangisi naman ang babae dahil sa sinabi ng kaniyang utusan. "Sige magmanman ka pa ng maigi maliwanag" tumango naman ang utusan at umalis. Nagsalin ang babae ng isang alak sa isang kopita at linagok niya iyon ng isang lagukan lang. nanunuot roon ang pait ng alak ngunit wala siyang pakialam at nakatingin lang sa nga litratong nakasabit sa digdig paharap sa kaniya. "Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa'yo," huling sinabi niya bago lumabas sa silid. Nang makaalis ang dalawang tao na pumatay sa babaeng duguan ay agaran niya itong tinitigan dahil mukhang namumukahan niya ito. "Hindi maaari," batid niyang nanginginig na ang boses niya dahil sa lamig sapagkat naguumpisa nang umulan. Di niya alam kung anong gagawin niya dahil nakita niya ang taong walang awang pinatay. "Hindi ka pa patay di ba," nanginginig na ang boses nito at maya-maya pa ay nagumpisa nang magsibagsakan ang mga luha niya. Di niya alam kung anong gagawin niya dahil sa nangyari. "Hindi ka pa patay di ba? Magsasama pa tayo, bubuo pa tayo ng masayang alaala pero, bakit naman ikaw pa ang kinuha sa 'kin," inabot niya ang kamay ng bangkay at sinimulan niya iyong halik halikan habang palakas ng palakas ang hagulgul niya. "Mga hay*p sila, pinatay ka nila kaya sisiguraduhin kong p*p*tay*in ko rin sila," tumayo ang babae buhat-buhat niya ang bangkay at naglakad palabas ng back yard. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata habang inaalala ang pangyayaring iyon na naging bangungot sa kaniyang buhay. Alam niyang di magiging madali ang lahat pero sisiguraduhin niyang magbabayad ang lahat ng nanakit sa taong mahalaga sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD