bc

Meirra Rosa

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
dark
mystery
multi-character
campus
secrets
crime
tortured
serial-killer
villain
hostages
like
intro-logo
Blurb

1 Day...

1 Night....

Full of Lies...

Isang misteryo ang pagkamatay ng isang magaaral sa Shierra University. wala na kahit sino ang nakakaalam kung paano siya namatay kaya nilimot na lamang at ibinaon sa hukay ng buong school ang nangyari sa kaniya para na rin sa reputasiyon ng paaralan.

Sampong taon ang nakakalipas, ginanap ang kanilang Reunion ngunit ang 'di nila alam yun din ang huling sandali ng kanilang masayang buhay.

chap-preview
Free preview
01: Meet Up
SA ISANG SIKAT na Restaurant magkikita-kita ang mga magkakaibigang sina Karina, Marco, Joseah, Xyla at Mina. Labis ang inip ni Karina dahil siya pa lamang ang naroon sa lugar ng kanilang tagpuan. "Ano bang mga taong 'yon at ang tagal dumating," mababakas ang iritasiyon sa kanyang mga salita ng may biglang tumikhim sa kaniyang gilid. Nilingon niya iyon at nakita niya si Seah na nakatingin sa kaniya. kaagad umasim ang mukha niya. "Hello Karina," masayang bati sa kaniya ni Joseah ngunit inirapan lamang siya nito. Umupo sa harapan niya si Joseah at pumalumbaba. "Ang sungit mo Karina smile naman d'yan," hindi niya pinansin si Joseah at kinuha na lamang ang kaniyang telepono upang magtipa ng mensahe para sa iba. Madiin ang bawat pagkakapindot niya roon habang tumitipa ng mensahe para kay Marco. "Where the hell is he!!," Halos masira na ang phone ni Karina kakatipa, Samantalang pinagmamasdan lang siya ni Joseah na may pagtataka sa mukha. "What are you doing Karina?" tanong sa kaniya ni Joseah. Nanlilisik ang mga ni Karina na binalingan ng tingin si Seah, "All of you is my problem. Ang tagal-tagal ng mga kaibigan mo anong oras ba sila darating?!" Galit na tanong ni Karina kay Joseah at kasabay 'non ang humahangos na si Marco pumunta sa direksiyon nila. Nanlilisik na binalingan ng tingin ni Karina si Marco. "Sorry guys if I'm late may inasikaso lang," hinihingal na aniya at pasalampak na umupo sa isa sa mga upuan. Hindi pa rin mawala ang masamang tingin na ipinupukol ni Karina sa kaniya. "Hindi ka late, late na late lang. ano ba kasing ginawa mo? Mas importante pa ba iyan sa gagawin natin? my ghad Marco nakakainis ka," singhal ni Karina kay Marco. Nagpipigil naman ng tawa sa isang tabi si Joseah habang pinagmamasdan silang dalawa. "Sorry I'm late," sabi ng kararating lang na si Xyla na papunta sa kanilang gawi habang may ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. Kumaway naman sa kaniya si Joseah o mas tawag na seah sa kaniya. "Long time no see Xy mas gumanda ka ngayon," puri ni Seah pagkatapos makipag yakapan kay Xyla. "Bolero ka pa rin pala Seah btw, anong nangyayari sa dalawang iyan at nasaan si Mina?" tanong ni Xyla kay Seah ngunit umiling lamang ito bilang sagot. MATAMANG PINAGMAMASDAN ni Mina ang kaniyang sarili sa salamin habang sinusuklay niya ang kaniyang mahabang buhok. Mababakas doon ang walang emosyong mga mata at namumutlang mga labi nito. "Hmmm..." himig nito habang nakatingin pa rin sa salamin ng biglang na lamang tumunog ang kaniyang telepono. lnabot niya ito at sinagot nang hindi tinitignan ang caller. "Hello," sabi niya sa kabilang linya at mababakas doon ang pagkawala ng interes dito. "Where na you na ba Mina kanina pa kami naghihintay dito," sabi sa kabilang linya. Nabosesan niya ang boses ni Karina kaya napabuntong hininga na lamang si Mina. Alam niyang naiinis na si Karina base narin sa boses nito. Ibinaba niya ang hawak niyang suklay at ibinigay ang atensyon sa telepono. "I'm on my way just wait me there," sabi niya lamang at pinatay ang tawag. Sinulyapan pa niya ang sarili niya sa salamin bago niya kunin ang sling bag niya at lumabas sa kaniyang silid. Madilim ang bawat daang tinatahak niya dahil wala kahit isang nakabukas na ilaw. Nang makalabas na siya sa bahay niya ay sumakay na siya sa kaniyang kotse at pinaandar iyon papuntang lugar ng pinagusapan nilang magkakaibigan na magkita-kita. Nang makarating siya sa Restaurant, naaninagan niya si Karina na nakahalukipkip na nakatingin sa ibang direksyon ng biglang bumaling ang mata nito sa gawi niya. Nababakas ang inis sa mukha nito kaya nagmadali na siyang pumunta roon bago pa siya paginitan ng galit nito. "Your late Mina kanina pa ako rito ang tagal-tagal ninyo!" bulyaw ni Karina sa kaniya. Napailing na lamang siya at umupo sa tabi ni Xyla. "Kumusta Mina?" tanong sa kaniya ni Xyla. Binalingan niya ito ng tingin, "I'm fine." Nasabi niya na lamang at kinuha ang juice na nakalapag sa kaniyang harapan at ininom ito. “ SO AYUN NGA, 'di bali sa University lang ang location ng pagdadausan ng Reunion?" tumango silang lahat bilang sang-ayon. Sa makalawa na kasi ang Reunion ng buong batch nila at dahil sila ang dating class officer kaya sila ang naatasang magayos ng event. lingid rin sa kaalaman ng nakararami sa kanilang batch na sila lang rin ang pinaka nakakaasenso sa buhay kaya sila na rin ang gagastos ng lahat. "Anong Theme Karina?" tanong ni Marco kay Karina. "Formal ano pa ba." napairap naman si Karina dahil sa tanong ni Marco. Feeling kasi niya hindi pa nakakamove on si Marco sa kaniya kaya masyado siyang nagpapapansin rito. nagkaroon kasi silang dalawa ng relasiyon na umabot ng dalawang taon. "Ang init naman ng ulo mo sa 'kin Karina." di na siya pinansin ni Karina kaya tumungo na lamang siya at nakinig sa sinasabi nito. Nang matapos sila sa paguusap ay nagkaniya kaniya ng mga uwi ang mga kasama nila. Nakamasid naman sa isang sulok si Marco kay Karina at ng silang dalawa na lamang ang naiwan ay nilapitan niya ito. "Karina," tawag ni Marco kay Karina ng makaalis ang lahat. Nilingon siya ni Karina ng may pagtataka sa mukha. "Bakit Marco may hindi ka pa ba naintindihan sa mga sinabi ko kanina?" takang tanong ni Karina sa kaniya. "Ihahatid na sana kita okay lang ba sa'yo?" mataman niyang pinagmasdan si Marco bago umiling. Hindi siya kumportableng makasama si Marco dahil na rin sa hindi magandang paghihiwalay nila. "Hindi na and besides may kotse ako. sige I have to go." pagpapaalam niya at nagmamadaling umalis. Samantalang pinanood lamang siya ni Marco hanggang sa mawala ito sa panigin niya. BINABAGTAS NI Mina ang daan pauwi sa bahay niya. Nang makauwi siya, kinuha niya ang susi ng pinto at binuksan ito. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at pasalampak na humiga sa kaniyang higaan di niya namalayang nakatulog na pala siya. "Tulong ate," pagmamakawa ng isang babae sa isang sa kaniya habang duguan itong nakasalampak sa sahig ng girls comfort room ng kanilang eskwelahan. "Anong.." di na niya natuloy ang sasabihin niya ng may narinig siyang mga yapak ng maraming paa. Nagmadali siyang magtao sa isa sa mga cubicol. "Anong gagawin natin sa kaniya?" dinig niya ang boses ng isang lalaki. "Itapon na lang natin sa junk yard, dali bilisan natin at baka may makakita pa sa 'tin" sabi pa ng kasama nitong babae. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Nagngingitngit siya sa galit dahil hindi niya alam na may ganoong klaseng tao pang nabubuhay dito sa mundo. "Hayop kayo, napaka sama ninyo," galit na galit siya habang binibigkas niya ang mga salitang iyon. Dahan-dahan siyang lumabas sa pinagtataguan niya ng makaalis ang dalawa at sinundan niya ito. "Di kaya mahuli tayo nito?" dinig niyang sabi ng babae sa kasama nito. "May magagawa pa ba tayo nandirito na 'to kaya panindigan na natin and besides ikaw naman ang may kasalanan nito kung bakit nangyari sa kaniya 'yan," lintanya ng lalaki. 'di niya alam kung sino ang mga taong ito pero isa lang ang alam niya, magbabayad silang dalawa sa ginawa nila sa babae. Kinuha ng babae ang hawak-hawak niyang kutsilyo at ipinokus niya ito sa target nya at pinatamaan ito. "Bulls Eye," nakangising aniya habang nakatingin sa litrato na may nakatusok na kutsilyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.9K
bc

Daddy Granpa

read
307.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook