CHAPTER FIVE

2411 Words
BIGLANG nagdilim ang kalangitan at hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong takot. Sumasayaw ang mga sanga ng mga kahoy kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. Para akong nakakarinig ng sipol ng hangin. Nagbabadya ang malakas na ulan at hindi ko pa nahahanap si Zea! Nahahapong tumigil ako sa paglakad-takbo at nilibot ang tingin sa paligid. Where did you go, Love? Nasaan ka? Akma akong aalis na nang makarinig ako ng komosyon malapit sa school ni Zea. Mabilis akong lumapit sa kanila at tiningnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. "Ano’ng nangyari?" narinig kong tanong ni Aleng Mameng. Ang tagalinis ng school. "Nakita ko ho kanina na parang wala sa sariling naglalakad itong dalawang bata. Nananamlay ho sila at ang pangit ho ang hitsura! At bigla na lang ho silang natumba! Ang sabi ho ng mga kaklase nila ay nanamlay sila pagkatapos nilang tuksuhin si Zea," imporma ng isang teacher na nandito pa rin sa school. Nang tingnan ko ang dalawang bata na nakahiga sa semento ay napamura ako. s**t! Mabilis akong umalis doon at patuloy na hinanap si Zea. Oh, God, Zea! What did I tell you? Bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng kulog. s**t! Umabot na ako sa kakahuyan ngunit hindi ko pa rin mahanap si Zea, nang biglang nag-ring ang cellphone ko. "Kuya Eddie!" "Zyl, kakarating lang ng anak mo rito sa bahay at basang-basa ng ulan!" "Kuya, pauwi na ako. Wala bang kakaiba kay Zea?" kinakabahang tanong ko. "Wala, Zyl. Maliban sa namumugto niyang mata at basang uniporme." "Sige. Pabalik na ako." Pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik ako sa bahay at naabutan kong nakaupo si Zea sa paborito niyang sofa. Nakayuko siyang nakaupo at nakalapat ang dalawang kamay sa hita. Nang makita niya ako sa pinto ay agad siyang tumayo. "Papa..." usal niya sa garalgal na boses. Naghilam ang mga mata niyang tumingin sa akin. Hinubad ko ang basang damit at hinagis sa kung saan. "What have you done?" Umiiyak na si Zea na lumapit sa akin at niyakap ang hita ko. Kinuha ko ang dalawang braso niya na nakapulupot sa hita ko at naupo sa harap niya para makapantay siya. Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ako. "Ano’ng ginawa mo? Hindi ba sabi ko sa 'yo, patience! Bakit mo ako sinuway?" "Papa... " "Why do you have to do this? Sinabi ko sa ‘yong hindi ka puwede gumuhit pero ginawa mo pa rin!" mariing singhal ko at hinawakan siya sa braso para ipasok sa kaniyang silid. "Papa, you're hurting me!" sigaw ni Zea. "Dahil matigas ang ulo mo! Hindi mo alam na marami ang mapapahamak sa gusto mong gawin! How many times do I have to tell you never to draw anyone or anything on that damn paper!" “It’s the only thing I love doing, Papa…” umiiyak na sagot nito. “Huwag kang sumagot!” Lalong napaiyak si Zea na lalong nagpainit ng ulo ko. "At kailan ka pa natutong hindi umuwi sa oras ng uwian? Pinag-alala mo ako at ang Tita JM mo! Now look at you! Umalis ka ng school n'yo na walang pasabi at basang-basa ka pang umuwi! Kaya kita pinapasundo sa tiyahin mo para ligtas kang makauwi!" mahabang litanya ko. "That's the point, Papa. Kahit kailan hindi n’yo po ako sinundo sa school. Kaya lagi po nila ako tinutukso. Lagi na lang po si Tita JM. They were right. Hindi mo nga ako mahal!" sagot niya at tumalikod sa akin at nagtalukbong ng kumot sa kaniyang kama. "Zea!" tawag ko sa kanya, "Hindi ba sinabi ko sa 'yo? You made a promise to me! Na hindi mo sila papansinin." Wala akong narinig na sagot sa kaniya. “Zea, answer me!” “You just told me not to talk back!” Napapikit ako nang mariin nang marinig amg sagot ni Zea. “Then, now you can talk!” "Hindi konpo sila pinansin, Papa. I walked away!" "But you brought your sketchpad with you! Haven't I told you to stop it?!" "You did! Pero iyon ang gusto ko pong gawin kanina! What's wrong with my sketches? I didn't harm anybody, right?" sagot nito sa ilalim ng kumot. "You think you didn't but you did! Hindi kita pagbabawalan kung hindi iyon makakasama sa 'yo at sa iba. Stop with your reasons! Hindi ko mapapalampas ang pagsuway mo sa akin ngayon! You're just five years old pero parang mas matanda ka pa sa akin kung sumagot ka. I am your father and I know what's best for you!" "I'm sorry, Papa." She said crying. Humahagulgol na ito sa iyak. Tila may mga kamay na pumipiga sa puso ko habang naririnig na umiiyak ito pero pinatatag ko ang sarili. Hindi puwedeng lagi na lang sundin ang layaw niya. She’s already spoiled by her Ninongs. "Give me your sketchpad, now. You'll be grounded for a week. No school, no plays. You understand?" “Opo. It’s in my bag.” Binuksan ko ang bag niya at kinuha doon ang sketchpad niya. Sinulyapan ko siyang tahimik nang umiiyak sa ilalim ng kumot niya. Napabuntong-hininga ako. Sandali ko pa siyang tinitigan bago lumabas ng kuwarto niya bitbit ang sketchpad nito at pumasok sa sarili kong kuwarto para magbihis. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan sa labas. Madilim na ang paligid at sa tantiya ko ay magtatagal pa ang malakas na pagbuhos nito nang ilang oras. Naupo ako sa sofang gawa sa rattan sa harap ng bintana at nilapag ang isang tasa ng mainit na kape sa lamesitang kaharap ko. Gustuhin ko mang puntahan uli si Ayla sa Orsiana ay hindi ko magawa dahil hindi ko maaaring iwan si Zea na nag- iisa rito sa ganitong sitwasyon. Naalala ko ang dalawang bata kanina sa school. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at kinuha iyon para tawagan si Kuya Eddie. Ibinilin ko kasi sa kanya kanina na makibalita tungkol doon sa dalawang bata. Sana naman ay walang nangyaring masama sa kanila. "Hello, Zyl?" bati niya sa kabilang linya. "Kuya Eddie, may balita na ba roon sa dalawang bata?" "Ah, oo. Nandoon sa hospital at nabiktima ng food poisoning." Napatigil ako sa pagsimsim ng kape nang marinig ko ang ibinalita ni Kuya Eddie. "Food poisoning?" gulat kong tanong. "Oo, Zyl. Kumusta si Zea?" "Ah, she's fine. Hindi pa lumalabas ng kuwarto niya simula kanina. Salamat sa impormasyon, Kuya," pasalamat ko at ibinaba na ang cellphone. Mabilis kong binalikan sa kuwarto ko ang kinonfiscate kong sketchpad ni Zea at binuklat iyon. Blangko ang ilang pages at sa isang page sa gitna ay may ginuhit siya. Isang batang nakaupo sa ilalim ng puno. Napakunot-noo ako nang matitigan ang larawang nakaguhit doon. f**k! No! Nabitawan ko ang sketchpad na iyon at humahangos na tinungo ang kuwarto ni Zea! God! Hindi ang dalawang bata na iyon ang ginuhit niya kung hindi ang sarili niya! PAPASOK ako sa bahay nina Zyl nang makarinig ako ng malakas na pagbagsak ng dahon ng pinto. Napakunot-noo ako nang marinig ang pagsigaw ni Zyl sa pangalan ng anak niya. Kinakabahang tinungo ko ang kuwarto ni Zea at naabutan kong hawak siya ni Zyl at parang may iniinspekyon sa mukha ng bata. “Ano’ng nangyayari?” Umiiyak si Zea at pumapalag sa pagkakahawak ng ama. “Bor...” usal ni Zyl sa mahinang boses. “Bakit umiiyak si Zea?” “Ninong Res!” sigaw ni Zea at tumalon mula sa kama at yumakap sa akin. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko habang naiiyak. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si Zyl. Napahilamos ng palad sa mukha si Zyl at sinulyapan ang anak na karga ko sa dibdib ko. “Ano ba’ng nangyari?” lito kong tanong. “Akala ko siya ang may gawa sa dalawang batang nahimatay sa school nila,” sagot niya na lalong nagpakunot ng noo ko. “Can you leave us for a while, Bor? Papayapain ko lang si Zea. Susunod ako sa labas.” Binigyan lang ako ni Zyl ng isang tango bago lumabas ng silid ni Zea, bagsak ang balikat. Nang maisara ang pinto ay binaba ko si Zea sa kama niya habang umiiyak pa rin. Marahil ay kanina pa ito umiiyak dahil mugto na ang mga mata niya. “Hey, Sweetheart. Stop crying na,” alo ko habang pinupunasan ng daliri ko ang luha niya sa pisngi. “Ninong Res, do you love me?” I smiled. “Yes, I do. I love you. Your ninong Karl, ninong Win, ninong Jim at ninong Fran. We all love you, Sweetheart.” I answered and gently pinched her cheeks, “come on, stop crying. Papangit ka niyan.” Sumisinok-sinok pa niyang kinuha ang kanang kamay ko at inunan ang ulo roon. Nakatunghay lang ako sa kanya. “My Papa doesn’t love me. He’s al-always mad at me,” pagsusumbong niya. “Hey... That’s not true. Mahal ka ng Papa mo. You are his precious daughter.” “He’s...He dislikes me, Ninong. He didn’t really lobe me. He doesn’t want me to be happy,” patuloy niya. Hinawakan ko ang ulo niya at hinila siya paupo sa kandungan ko. I kissed her hair at napatingala siya sa akin. “Ninong Res, puwede mo po ba akong dalhin sa Mama ko? Papa told me we will see my Mama soon pero...” sabi niya at nagsimula na namang umiyak. “Shhh, Sweetheart. I can’t promise you anything but I’ll talk to your Papa, okay?” “I want to see my Mama so bad. I want to see her and hugged her, Ninong. Isusumbong ko si papa sa kaniya!” Nanikip ang dibdib ko habang umiiyak sa balikat ko si Zea. She wanted her mother so much! But how? Bakit hanggang ngayon ay pinapaniwala pa rin ni Zyl ang anak niyang nasa malayo lang ang ina nito gayong matagal na itong nawala? “Sweetheart...” bulong ko, “take a rest. I’ll just talk to your Papa outside, a’right?” Marahang tumango si Zea at kumalas sa pagkakayakap sa akin. “Always remember, Sweetheart. Your Papa loves you so damn much he could do anything to protect you.” I said and touch the tip of her nose. Pagkatapos kong iwan na nahihimbing sa pagtulog si Zea sa kuwarto niya ay nilapitan ko si Zyl at naupo sa harap niya. “Is she okay now?” agad niyang tanong. “I guess.” I answered shortly. Napabuntong-hininga si Zyl at sumandal sa headrest ng single seater na sofa. Sandaling pumagitan sa amin ang katahimikan. “She wanted her mother,” putol ko sa pag-iisip ni Zyl. “I know.” “What were you thinking, Zyl? Bakit mo pinapaasa ang bata na buhay pa ang Mama niya? What if malaman niyang patay na ang Mama niya? It will hurt her more.” “Ayla is alive.” “What?” nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Zyl, “You’re kidding, right?” “Hell, no! Kailan ko pa ginawang biro si Ayla?” bakas ang pagkainis sa mukha na sagot ni Zyl. “How? I mean...” “Noong gabing iyon ay dinala ni Alvadon si Ayla sa mundo nila. Sa Orsiana. Hindi patay si Ayla.” “I don’t understand...” usal ko. Zyl heaved a deep sigh. “Me either. Pero marami ang posibleng mangyari sa mundo ng mga engkanto, Bor.” “Yeah. I know about Ayla being one of them,” I paused, “kung buhay si Ayla at nandoon siya sa mundo ng mga engkanto bakit hindi man lang siya nagpakita sa atin o ‘di kaya sa anak niya? It’s been five years!” “Noong isang araw ko lang nalaman, Bor. Nang nagpakita si Alvadon sa anak ko. You know how I feel. Sobrang saya ko dahil sinabi niya na nasa Orsiana lang si Ayla. I wanted to crush all the things I saw around this house dahil sa tuwa. But it doesn’t turned out the way I expect it to be.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Yes, Ayla is alive. Her mind is alive pero patay ang katawan niya. She’s like being in a comatose.” “What?” I exclaimed. My eyes widened in disbelief. “And Zea can’t see her.” Lalong lumalim ang pagkunot noo ko. “Bakit naman?” “Hindi maaaring makasama ni Zea si Ayla, Res! She can’t even go near her!” “Why the f**k is that?” “I can’t f*****g understand either. Sinabi ni Alvadon na hindi maaring magkita ang mag-ina. Dahil sa putang inang buwan.” “What has the moon got to do with them?” “That centaur said... ipinanganak si Ayla kasabay ng napakaliwanag na buwan while Zea was born na kulay dugo ang buwan. Nakita mo ‘yon, hindi ba?” I nodded. “Alvadon told me they are opposite. Magkasalungat. Kung si Ayla sumisimbolo ng buhay... Zea symbolizes of death.” Napahugot ako nang malalim na paghinga sa sinabi ni Zyl. Zea symbolizes death? How possible is that? “Kaya pinili ni Ayla na magkaganoon because she’s controlling Zea’s doings. Pinipigilan ni Ayla na lumabas sa pagkatao ni Zea ang kasamaan.” “I can’t believe I’m hearing this.” “Ano ang gagawin ko, Bor? Kahit ako wala akong maisip na paraan para pagtagpuin ang mag-ina. Kapag nagtagpo sila, isa sa kanila ang mawawala sa akin. I can’t afford to lose any of them sa ikalawang pagkakataon!” “Honestly, hindi ko alam kung papaano. Hindi pa nada-digest ng utak ko, Bor. s**t. Seriously? Hindi ko alam ang sasabihin.” “Walang magagawa ang kapangyarihan ko bilang aswang. Katiting lang iyon kumpara sa kayang gawin ng anak ko. Isang kumpas lang ng daliri niya, isang buhay na ang manganganib! Hindi ko kayang maging isang halimaw ang anak ko.” “I won’t let it happen either,” sagot ko, “ngunit alam mo ba kung kailan si Zea gagawa ng mga bagay na masama? I mean ano ang magiging dahilan?” “Anger,” mabilis na sagot ni Zyl, “kapag masama ang loob niya. Pero iniiwasan kong magalit siya sa isang tao. She tends to draw that person kapag galit siya rito. At iyon ang magiging sanhi ng pagkamatay ng isang tao.” He explained. “Pero kanina lang ay ginuhit niya ang sarili niya. Akala ko siya ang may kagagawan sa nangyari doon sa dalawang kaklase niya pero hindi. I was scared to death when I found out na sarili niya ang ginuhit niya.” “So, ibig sabihin, kapag sarili niya ang iguguhit niya, walang epekto sa kaniya?” “I guess so. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.” Napahilot ako sa sentido ko. “Kung ganoon, hindi dapat nagagalit o sumasama ang loob ni Zea.” “Yes. Pero gustong-gusto niyang makita ang Mama niya at iyon ang ikinasasama ng loob niya dahil hindi ko pa siya dinadala sa kaniyang ina.” “Have Zea seen one of Ayla’s pictures?” Umiling si Zyl. “Remedyuhan muna natin ang problema sa Mama niya. Iyon ay kung papayag ka.” “What do you suggest?” “Find a woman who will serve as her mother.” “Hell. No!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD