CHAPTER FOUR

1060 Words
“ZEA AMPON! Zea ampon! Zea ampon!” Tahimik lang na nakaupo at nakayuko si Zea habang tinutukso siya ng mga kaklaseng lalaki. She didn’t remind her father about her mother’s picture kaya wala siyang maipakitang larawan ng kanyang ina. She was about to stand and walk away nang bigla siyang itulak ng kaklase niya at bumangga siya sa arm chair na nasa likuran niya bago bumagsak sa semento. She wanted to cry but held herself. “Papa wants me to be patient... Papa wants to me to be patient...” She reminded herself repeatedly. Kahit masakit ang balikat niya dahil sa pagkakabangga niya sa silya ay buong lakas na tumayo si Zea at inayos ang buhok na tumakip sa mukha niya. “Zea ampon! Zea ampon! Zea pangit!” chorus ng mga kaklase niyang lalaki. Wala ang teacher nila at pinatawag ng Principal kaya naiwan lang sila sa loob ng room. Ang iba niyang kaklase ay nakikitawa lang. “Hindi ako ampon!” sigaw niya sa mga ito. “Ampon ka! Wala ka ngang Mama, eh! Wala ka ring Papa!” “May Mama at Papa ako!” ganting sagot niya. “Siguro hindi ka mahal ng Papa mo, ano? Wala kasi kaming nakita na Papa mo na sumusundo sa ‘yo rito.” Malakas na nagkatawanan ang kaniyang mga kaklase na may matanda ng isang taon kaysa sa kaniya. Drops of tears fall from her eyes. “Mahal ako ng Papa ko!” “Hindi ka mahal ng Papa mo! Hindi ka nga hinahatid at sinusundo, ‘di ba? Kawawa naman si Zea! Wala na ngang Mama hindi pa mahal ng Papa niya!” patuloy na panunukso ng mga ito sa kaniya. Tears covered Zea’s eyes. She cried silently. “My Papa loves me,” she managed to say. “Hindi ka mahal ng Papa mo! Hindi ka niya mahal! Wala kang Mama! Hindi ka mahal ng Papa mo! Kawawang Zea!” “Stop it!” sigaw niya ngunit patuloy pa rin sa panunukso ang mga kaklase niya. Sumali na rin ang iba pa. Zea covered her ears for her not to be able to hear them pero parang lalong lumakas ang naririnig niyang boses. “Stop it! Leave me alone!” sigaw niya at patakbong tinungo ang art corner nila at hinablot ang nakalagay na sketch pads niya roon. She ran out of their classroom crying kipkip ang sketch pad. The Art of Deaths just began. PALINGA-LINGA si Zea nang tumigil siya sa isang kakahuyan mula sa pagtakbo. Malayo-layo na rin ang tinakbo niya. Hindi na niya makita ang school nila at habol niya ang paghinga nang lumapit siya sa isang puno at naupo sa lilim n'yon. She wipe her tears with the back of her hands habang sumisinok pang inilagay sa dalawang magkadikit niyang hita ang sketch pad. Kinuha niya sa loob ng bag ang lapis at sandaling tinitigan ang blangkong papel. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa lapis at itinaas ang kanang kamay niya para humanda sa pagguhit. Sa unang kurbang iginuhit niya ay tumilapon ang lapis mula sa mahigpit na pagkakawak niya sa pagtataka niya. Napatitig siya sa lapis na tumilapon sa damuhan at dahan-dahan niya iyong inabot. Panandaliang tinitigan niya ang lapis. Sa muling pagkaalala nang panunukso ng mga kaklase niya kanina ay bumalik ang galit sa dibdib niya at humilam na naman ang luha sa mga mata niya. "Mahal ako ng Papa ko..." sambit niya habang nasa kamay na uli ang lapis, "mahal ako ng Papa at sinabi niyang malapit na kaming magkita ng Mama ko!" usal niya sa sarili at gumalaw ang kamay niyang may hawak na lapis. Mabilis ang galaw ng mga kamay na gumuhit sa sketchpad. Parang sumasabay sa hangin ang galaw ng kanyang kamay. "KUYA EDDIE, wala pa ho ba sina JM at Zea?" tanong ko kay Kuya Eddie nang makalapit ako sa kaniya. Kanina pa ako naghihintay sa pagdating ni JM at ng anak ko pero alas-singko na ng hapon ay wala pa rin sila. Pang-hapon ang klase ni Zea at sa ganitong oras ay dapat nakauwi na sila. "Baka naman dumaan pa roon sa bahay ng Lola niya at nawili sa kuwentuhan. Maya-maya lang nandito na ang mga iyon," sagot ni Kuya Eddie mula sa pagkukumpuni ng paa ng lamesitang kahoy. Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw ang entrada ng farm. Ngayon lang nangyaring hindi ipinagpaalaam ni JM sa akin na hindi sila makakauwi nang eksakto sa oras. Wala namang problema sa akin kung doon muna si Zea sa bahay ng Lola niya basta at alam ko para alam ko din kung saan ko hahanapin ang anak ko kung sakali. "Zyl, huwag kang mag-alala. Siguradong nasa daan na ang mga iyon," pangongonsola ni Kuya Eddie. "Hindi ko alam pero hindi ako mapakali, Kuya Eddie. Kinakabahan ako na hindi ko mawari." "Naiintindihan ko dahil sa pagkakatanda ko ay ngayon lang pumalya si JM sa paghahatid kay Zea," sagot ni Kuya Eddie. "You’re right. At hindi ko maiwasan ang mag-alala. Hindi ugali ni JM ang magpabaya." Isang beses pa akong napabuntong-hininga at nakapamulsang pinanood na lang si Kuya Eddie sa ginagawa. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon nang marinig ko ang boses ni JM na tinawag ang pangalan ko. "Kuya Zyl!" tawag ni JM na humahangos papasok sa nakabukas na gate at papalapit sa akin. Napakunot noo ako nang makitang hindi niya kasama si Zea. "Bakit hindi mo kasama ang pamangkin mo?" "Kuya, hindi...hindi ko mahanap si Zea!" humihingal na saad nito. "Ano’ng hindi mahanap?" takang tanong ko. "Wala siya sa classroom nila nang sinundo ko siya. Ang sabi ng ibang kaklase niya ay umiiyak daw siya nang lumabas siya ng classroom nila dalawang oras na ang nakakaraan!" "What?! Bakit umiyak? Ano’ng ginawa nila sa anak ko?" "Tinukso daw siya, Kuya Zyl." Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko. I sighed frustatedly. s**t! Hindi pwedeng magalit si Zea! Hindi siya dapat makaramdam ng galit sa kahit na kanino! "Help me find her, JM," saad ko at binalingan si Kuya Eddie, "ikaw na ho muna ang bahala rito. Hahanapin ko lang si Zea," bilin ko. "Sige, Zyl. Sana makita n'yo agad siya. Por dyos! Saan kaya nagpunta ang batang iyon!" Tumango ako at malalaki ang mga hakbang na naglakad kasabay ni JM. Nothing should happen! Dahil kapag nilamon si Zea ng galit niya, hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin at hindi ko rin alam hanggang saan ang kaya kong gawin maprotektahan lang ang anak ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD