CHAPTER THREE

1781 Words
PAGKATAPOS akong samahan ni Alvadon palabas ng Orsiana ay dumiretso agad ako sa silid ni Zea. Kung ako lang ang masusunod at kung wala lang akong babalikang anak dito sa bahay ko ay may gugustuhin kong manatili sa Orsiana, sa tabi ni Ayla. Ngunit mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Marami na kaming sakripisyo para sa isa’t isa ni Ayla at alam kung malalampasan din namin ito. Time will come and we will have our happy ever after. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya at umiiyak. Agad akong lumapit sa kanya at mabilis din siyang yumakap sa akin. “Hey, Love. Why are you crying? What happened?” nag-aalalang tanong ko. “Nothing happened, Papa. Akala ko iniwan mo na rin po ako. I thought ayaw mo rin po sa akin,” sagot niya na patuloy sa pag-iyak. “No. I won’t leave you. Papa will be here always. Stop crying, My Angel.” Tiningala ako ng anak ko at kita sa mata niya ang galak. “I’m your angel, Papa?” “Of course. No one but my Zea.” I saw her eyes twinkle at that very moment. How can a sweet and adorable angel like this girl possessed a dark side? Ngunit hindi ko hahayaang mabuhay sa pagkatao ni Zea ang kadilimang sinasabi ni Alvadon! Kailangan kong makahanap ng paraan para maialis iyon sa kanya! “Saan ka po ba nagpunta, Papa? I searched for you in the whole house pero wala ka. I’m scared that... that monster will come back and get me,” saad niya na mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin. “No, Love. He will never hurt you. No one will hurt you, I promise.” I assured her. “Papa, puwede po bang dito ka na lang po matulog?” I smiled at my child. Maraming beses nang nag-request si Zea na tabihan ko siyang matulog and I felt so guilty dahil maraming beses ko rin siyang tinanggihan. How cruel of me! Hindi ko man lang naisip noon na baka natatakot din ang anak kong mag-isa sa gabi. Hindi ko man lang naisip na baka hindi siya nakakatulog minsan. Hindi ko man lang naisip na baka gumigising siya sa kalaliman ng gabi dahil sa masamang panaginip. Wala akong alam dahil pinili kong hindi alamin. Naglagay ako ng pader sa pagitan naming mag-ama na labis kong pinagsisisihan ngayon. If only I can turn back the time, sana nagawa ko ang mga bagay na dapat ay ginawa ko para sa anak ko. I realized na hindi lang proteksyon ang dapat kong ibigay sa kanya kung hindi atensyon at pagmamahal na nararapat lang na madama niya mula sa akin dahil ako ang kanyang ama. But f**k! I was so insensitive. “Papa? Okay lang po kung hindi ka po matutulog dito. I understand,” putol ni Zea sa pag-iisip ko. Bakas sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya. “No, Love. I’ll sleep beside you.” Nanlalaki ang mga matang tumingala siya sa akin. “Really, Papa?” excited niyang paniniguro. “Yeah. I want to know what your bed feels like when sleeping.” “Yey! I love you, Papa!” malakas na tili niya at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Natawa ako dahil sa ginawa ni Zea. I put my fore finger at the tip of her nose na nagpakunot sa ilong niya. “I can’t say no to an angel. You are very precious to me, Zea.” “I know now, Papa. Mahal na mahal po kita.” “I love you more, my Love. Papa will do everything to protect you.” “And I will protect you too, Papa.” I patted her head at inihiga siya sa kama niya. I lie beside her at kinumutan ang kalahati ng katawan niya. “Thank you, Love but Papa can take care of my self. Kapag may nang-away sa ‘yo sa school, just be patient, okay?” “Yes, Papa. I am being teased and that’s fine, I guess.” Nakita kong lumungkot uli ang mukha nito. “Ano’ng tinutukso nila sa ‘yo?” tanong ko. “They said I’m just adopted because I have no Mama,” pagsusumbong niya while pouting. Oh, alam kong gusto lang niyang pag-usapan ang tungkol sa Mama niya. “Of course you have, Love. Nasa malayo lang siya and...” “And ano po, Papa?” masiglang tanong niya. “...and you look like her.” I smiled. I saw her pout her lips once again. “Do I really look like her? Why I didn’t saw any picture of my Mama, Papa?” I felt guilty again. Pakiramdam ko ang sama kong ama. Kahit isang picture ni Ayla wala akong nilagay dito sa bahay at wala ring nakadisplay kahit sa bahay nina JM. Nakiusap kasi ang Mama ni Ayla na itago ang lahat ng larawan ni Ayla na naging pabor naman sa akin dahil kapag nakikita ko ang larawan niya ay mas lalo lang akong nasasaktan. Pero kahit itago naman nila ang lahat ng bagay na nagpapaalala kay Ayla ay hindi ko pa rin siya malimot. Dahil kay Zea. Si Zea na halos kamukhang-kamukha si Ayla. “I’ll give you one, Love. By tomorrow.” “Yey! Thank you, Papa!” saad niya, “may ipapakita na po ako sa mga classmates ko at hindi na po nila ako tutuksuhin!” “Yeah.” I said and leaned my head on her head. “Ang lungkot nga, eh dahil hindi ka naging kamukha ni Papa,” saad ko. Lumayo ng bahagya ang ulo niya sa ulo ko at tinitigan ako. Dumapa siya sa kama at humarap sa akin sabay hawak sa magkabila kong pisngi. “Kung ikaw po ang kamukha ko ano po magiging hitsura ko?” “You will still look the same, Love.” “Huh? But you said I look like Mama?” I pinched her cheek at inalis ang kamay niya sa pisngi ko at nilipat sa leeg ko. “Sino man ang naging kamukha mo you will still look beautiful, Love. You’re Mama is beautiful. Guwapo naman ang Papa mo. Eitherway, you’ll look pretty.” I told her and winked at her playfully. The sound of her giggles made my heart grew big. Para iyong sasabog sa tuwa just by looking at her. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Simpleng pag-uusap lang namin ni Zea ay nagdudulot na ng saya sa akin. I can’t explain it. Parang ngayon ko lang naiintindihan ang pakiramdam ng isang ama. “Kakaalis lang po ng bagyo, Pa, ah!” aniya. Napakunot noo ako. “What about it?” “Baka po bumalik! Hehehe!” sagot niya at tumawa nang malakas at tumalukbong ng kumot. I can hear her laughter under her blanket na mas lalong nagpakunot ng noo ko. “Zea...” malaki ang boses kong tanong. Lumabas ang ulo niya sa kumot at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. “Yes, Papa?” Mataman ko siyang tinitigan. I know now what she meant. I wanted to laugh as well pero pinigil ko ang sarili. “What was that?” “Ahh...” she uttered at maya’t maya ay sumusulyap sa akin. A beautiful smile formed on her lips. “Sabi po kasi ni Tita JM kapag po may taong sobra po ang bilib sa sarili para daw pong bagyo.” She answered and covered her face with the thick sheet. Tanging mata lang niya ang kita at nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang kapilyahan. “Malakas ang dating ni Papa kaya parang bagyo. Distruction ang iniiwan ko kapag ako napapadaan sa kalsada.” “Hehehehe! Tita JM was right! Hambog ka nga Papa!” Zea exclaimed. “Hey! Maraming natuturo si Tita JM sa ‘yo, ah!” sabi ko at inabot siya para kilitiin ngunit nagpumiglas siya at mabilis na bumaba ng kama. “Waaa! Papa! Ayaw!” sagot niya at nakangusong pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. “Come here, little girl. Kikilitiin kita ‘pag nahuli kita!” banta ko at akmang bababa na sa kama para hulihin siya. “Waaa!” matinis na tili niya at humandang tatakbo palayo sa akin. Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kuwarto niya habang binabato niya ako ng unan. Tiny laughters at malalakas na tili echoed in the whole room. NAPAMULAT ako nang tumama ang nakakasilaw na liwanag sa mukha ko. I saw the curtains dancing as the wind blows. Bukas pala ang bintana ng kuwarto ko. What the...this is not my room! Tiningnan ko ang paligid at napagtanto kong nasa silid pala ako ni Zea. Dito pala ako nakatulog kagabi. I sat on the bed and smiled. Last night was the best night because of Zea. At ito na naman ang feeling na sana dati ko pa ito ginawa. I sighed. Tiningnan ko ang maliit na orasan na nakapatong sa bedside table. It’s thirty minutes past seven in the morning. Mukhang maaga yata nagising ang anak ko. Nag-inat ako ng katawan bago lumabas ng silid. Paglabas ko pa lang ng kuwarto niya ay may naamoy na akong kakaiba. s**t! Mabilis kong tinungo ang kusina at naabutan kong inuubo sa usok si Zea. Agad kong pinatay ang kalan at ibinaba siya mula sa kinapapatungan niyang stool. “Did you slept well, Papa?” tanong niya sa pagitan ng pag-ubo. “What the hell are you doing?” Hinagod-hagod ko ang likod niya dahil panay ang ubo niya. “Ahh. Cooking, Papa?” sagot niya sa garalgal na boses. Binuksan ko ang maliit na bintana para makalabas ang usok. f**k! Kailan pa naglakas loob na magluto itong anak ko? “Next time kapag gusto mong kumain, wake me up. Okay? Baka magkasunog pa dahil hindi ka naman marunong magluto! At ‘yong apoy mo lampas pa sa frying pan mo, anak.” “I’m sorry po. I want to cook naman po for you, eh.” She answered pouting. “Tsk.” Tiningnan ko ang piniprito niya sa kawali at longganisa pala. Muntik na akong mapabunghalit ng tawa nang makita ko iyon. Nasunog dahil may plastic pa at basta-basta na lang nilagay sa frying pan. “Ano ba ‘tong piniprito mo, anak. Parang mga bulateng sunog.” I saw her pout more. Inalis ko ang frying pan sa kalan at kumuha ng isa pa at isinalang. “Are you hungry?” Zea nodded at umupo sa stool at nangalumbaba sa mesa na nasa gitna ng kusina. “Stay there and watch me,” sabi ko at kumindat sa kanya. Parang kinikilig namang humagikhik ang anak ko. Ibang klase talaga pag may poging ama. Manang-mana talaga si Zea sa ina. “Really, Papa?” “Really what?” tanong ko na kumuha ng dalawang itlog sa ref. “Na nagmana talaga ako sa Mama ko.” Marahas akong napalingon sa kanya. “What did you say?” “Ahh... You said manang-mana po talaga ako kay Mama.” What the hell. Nasabi ko ba ‘yon? Parang naisip ko lang ‘yon, ah. “Ah, yeah. Manang-mana ka sa Mama mo. I say that always, hindi ba?” “Yes po,” aniya at pinanood akong magluto. Naisatinig ko pala ‘yon? Tsk! Anyway, hindi rin naman niya maririnig kong hindi ko sinabi. Sa isip ko at ipinagluto na si Zea ng makakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD