CHAPTER TWO

2322 Words
KANINA pa ako pabalik-balik na naglalakad dito sa likuran ng bahay dahil gusto kong makausap si Alvadon at inaasahan ko siyang magpapakita sa akin sa mga oras na ito. Si Zea, nasa sala at tumutugtog ng piano. Bukod sa pag-guguhit ay pagtugtog ang nakahiligan ni Zea. Mas mabuti na iyon kaysa gumuhit siya. Mabuti rin dahil hindi na nagpumilit si Zea nang sabihin ko sa kanyang tumigil na siya sa pagguhit. Mas itinuon niya ang atensyon sa pag-aaral at pagtugtog. Kahit sa school nila ay mahigpit kong pinagbilin sa teacher niya na bawal humawak ng lapis at sketchpad ang anak ko. Hindi siya maaaring gumuhit. Nagtataka man ay sumang-ayon na lamang ang guro. Simula nang magpakita si Alvadon sa anak ko tatlong gabi na ang nakalilipas ay hindi na ako mapakali. Araw-araw akong naghihintay dito sa kaniya sa bungad ng kakahuyan na pag-aari ko pa rin. Kailangan ko siyang makausap muli. Marami akong gustong itanong sa kanya at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko mabigyan ng mga sagot ang mga katanungan gumugulo sa isipan ko. I've been dying to see that centaur again. I've been dying to ask him about Ayla. Napasandal ako sa puno ng mahogany at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Napaayos lang ako ng tayo nang maramdaman kong may presensya sa paligid. Simula nang maging aswang ako ay mas naging malakas ang pakiramdam ko. Hindi ko man alam kung ano pa ang kaya kong gawin ay matagal ko nang inihanda ang sarili ko. Alam kong may matutuklasan pa ako sa pagiging aswang though hindi ko masyadong nagagamit ang kakayahan ko. Sa pamilya ko ay si Sasha lang ang hindi pa nakakaalam habang sa pamilya ni Ayla ay lahat sila ay alam na. I can't hide it from them lalo na sa nangyari kay Ayla. They forgave me for what had happened pero ang isiping dahil sa akin ay nawala si Ayla made me feel more guilty. Her family was so understanding and they love Zea so much! "Zyl..." Narinig kong tawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Alvadon na nakatayo at natatakpan ng anino ng puno. "Alvadon," tawag ko sa pangalan niya. Pakiramdam ko ay bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magtanong sa kanya. Natatakot akong makarinig ng balitang mas lalong magpapaguho ng mundo ko sa ikalawang pagkakataon. Ngunit hindi ko rin maaaring palampasin ang kahit katiting na pag-asa kong makasama uli si Ayla. "Kumusta, Zyl? Kumusta ang anak mo?" tanong ni Alvadon na gumalaw ang apat na paa palapit sa kinaroroonan ko. "We're fine," mabilis na sagot ko na hindi pinuputol ang magkaugnay naming mata ni Alvadon. Napangiti nang matipid si Alvadon at gumalaw ang kulay gintong buntot nito. "Natutuwa akong nasa mabuting lagay ka lalo na ang anak ng Sefira." Nahirapan akong lumunok nang marinig ko mula kay Alvadon ang pangalan ni Ayla. Nag-init ang mukha ko at anumang mang oras ay baka hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Damn! "Handa akong sagutin ang lahat ng tanong mo, Zyl," saad ni Alvadon na bahagyang yumuko habang nakakuyom ang kanang kamao sa tapat ng dibdib. Maybe it's his way to show his respect. "Si-Si Ayla..." Hindi ko alam kung narinig ni Alvadon ang sinabi ko dahil parang bulong lang ang kumawala sa lalamunan ko. Speaking about Ayla made me want to cry. "Ang Sefira..." ani Alvadon. Damn you! Mura ng isip ko kay Alvadon. Hindi ko kayang tagalan ang nakamamatay na kaba ko. Pakiramdam ko ay bubulagta ako ano mang oras sa kinatatayuan ko. Ganito ako kahina kapag si Ayla na ang pinag-uusapan. Damn, Alvadon! Tell me now! "...ay nasa Orsiana, Zyl. Kasama niya aroon sina Ereneya at Almani." I can't stop a tear from falling. Doble-doble ang lakas ng t***k ng puso ko. Hearing that confirmation from Alvadon made me want to jump for joy! Buhay si Ayla! Oh, God is so good! Hindi niya ako binigo. Hindi niya ako hinayaang mabigo sa ikalawang pagkakataon! "She's...alive! Oh, God!" hindi ko napigilang bulalas sa harap ni Alvadon. Hinawakan ko siya sa braso at nakiusap. "Can we see her? Alam kong labis na nangungulila ang anak ko sa kaniyang ina." Napailing si Alvadon. Napakunot ang noo ko nang makita ang reaksyon niya. "Bakit? Kailangan naming makita si Ayla. Kailangan namin siya ng anak niya!" "Hindi ganoon kadali iyon, Zyl. Hindi maaring magkita ang mag- ina!" Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa sinabi ni Alvadon. "Ano ang ibig mong sabihin? Bakit hindi sila maaring magkita? Ina ni Zea si Ayla kaya dapat niya itong makita!" "Naiintindihan ko ang kagustuhan mong magkita silang dalawa ngunit hindi maaari. Hindi maaaring pumasok sa Orsiana ang anak mo, Zyl," saad ni Alvadon. "Pero isa rin siyang engkantada, Alvadon! Baka nakakalimutan mong anak siya ni Ayla! We've been waiting for this moment! Matagal na panahon kaming naghintay at umasa kahit alam naming malabong mangyari! At ngayong alam kong buhay si Ayla pipigilan mo kami?" Napabuntong-hininga si Alvadon at naglakad lampas sa kinatatayuan ko at napatingala sa kalangitan. "Ang Sefira at ang anak mo Zyl ay magkaiba. Magkasalungat. Maaring galing siya sa sinapupunan ni Ayla ngunit magkaiba sila." "Ano’ng magkaiba?" nagagalit kong tanong kay Alvadon, "kung titingnan mo, normal na bata lang si Zea! Maliban sa pagiging engkantada niya dahil may dugong engkantada din si Ayla and she's her mother! Why stop her from seeing her mother? Ayla is all she's wishing for!" "Naaalala mo ba, Zyl?" mahinahong sabi ni Alvadon habang nakatalikod pa rin sa akin, "mahigit limang taon na ang nakakaraan. Nagbigay ako ng babala sa iyo na hindi kayo dapat magkatuluyan ng Sefira dahil panganib ang dala ng magiging binhi ninyo. Hindi kayo nakinig. Hindi mo pinaniwalaan ang nakasulat sa propesiya ng Orsiana." "Alvadon..." "Noong ipinanganak si Ayla. Walang kasing liwanag ang buwan. Tanda na ang isang tagapagtanggol ng Orsiana ay naisilang na. Sa kabilang banda, nang ipanganak si Zea, nagkulay dugo ang buwan. Tanda ng binhing maghahasik ng lagim." "f**k you, Alvadon! Huwag kang magsasalita ng ganiyan tungkol sa anak ko! Hindi ikaw o ang propesiya mo ang magsasabi ng magiging kapalaran niya!" "Iyan din ang sinabi mo noong binalaan ko kayo ni Ayla tungkol sa inyong bawal na pag-ibig. Ngunit nagmatigas kayo at ang magagawa lang ng Orsiana sa inyong dalawa noong mga panahong iyon ay proteksyon." "Bakit ngayon? Hindi n'yo ba kayang proteksyonan ang anak ko gaya ng proteksyon na binibigay n'yo kay Ayla?" Nilingon ako ni Alvadon at humarap din sa akin. "Alam mo na ba kung bakit hindi puwedeng magtagpo ang mag-ina? Ito ay sa kadahilanang, mawawala sa 'yo si Ayla sa ikalawang pagkakataon, Zyl." "Ano’ng..." naguguluhan kong sambit. "Ang Sefira ang buhay ng Orsiana, Zyl. Simbolo ng buwan. Napakilawanag na buwan. Habang ang iyong anak ay kumakatawan sa... kamatayan..." "Damn you!" mura ko kay Alvadon. Hindi matanggap ng sistema ko ang lahat ng sinabi niya. "Tingnan mo ang anak ko, Alvadon. Tingnan mo kong kaya niyang manakit ng ibang tao!" "Alam kong alam mo kung ano ang kayang gawin ng anak mo, Zyl. Huwag mong ipagsawalang bahala iyon. Sa oras na sumibol ang galit sa puso niya, lalabas ang diyablo sa pagkatao niya at maghahasik siya ng kadiliman sa mundo mo." "Hindi. Hindi mangyayari ang sinasabi mo, Alvadon. Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi mo!" "Hindi mo mapipigilan ang nakasulat sa propesiya ng Orsiana, Zyl. Mangyayari ang dapat na mangyari. Iyon ang kaparusahan ng pagsuway n'yo sa propesiya." "How dare you, Alvadon! Kung kailangan kong pumatay para hindi mangyari ang sinasabi mong nakasulat sa propesiya n'yo ay gagawin ko! I'll make sure no one touches my daughter! Kahit makalaban ko pa ang buong Orsiana!" "Alam kong mahirap, Zyl. Ano man ang mangyari ay may isa kang isasakripisyo. Papatayin mo ang mga Orsia? Kailangan mong mapatay si Ayla, ang babaeng pinakamamahal mo dahil hangga't humihinga siya ay mananatili kaming buhay at buo." "At ano ang gusto mo, Alvadon? Kitilin ko ang buhay ng anak ko? Gago ka pala, eh! Kung unahin na kaya kita? Sa tingin mo matutuwa si Ayla kapag nalaman niyang pinatay ng mga taong pinagkakatiwalaan niya ang anak niya?" nagpupuyos sa saglit na saad ko. "Ikaw ang magpasya, Zyl. Ikaw ang mas nakakaalam," saad ni Alvadon at nagsimulang maglakad ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay nilingon niya ako, "kung gusto mong makita ang Sefira ay sumunod ka sa akin." Kahit nagpupuyos ang dibdib ko sa galit dahil sa mga binitawang salita ni Alvadon ay hindi pa rin maitatanggi ng isang bahagi ng puso ko ang pananabik na makita uli si Ayla. Bago ako umalis ay sinilip ko muna si Zea sa loob ng bahay at nang makita ko siyang nagbabasa na ng story book niya sa sala ay sumunod na ako kay Alvadon. Kailangan ko munang kausapin si Ayla bago ko dalhin sa kanya si Zea. LUMIWANAG ang lagusan papasok sa Orsiana at pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. Ito ang unang pagkakataon na papasok ako sa mundo ng mga Orsia. Lahat ng takot ko sa dibdib ay itinaboy ko dahil ano mang sandali ay makikita ko na ang babaeng pinakamamahal ko. Ang nag-iisang babaeng mahal ko at ina ng anak ko. Ilang hakbang na lang, Babe. Malapit na malapit na ako. Nang tumigil si Alvadon ay tumigil na rin ako sa pagsunod sa likuran niya. Nilingon niya ako at pinaunang maglakad. May maliit na liwanag kaming tinutungo at nang makalapit kami roon ay marami ang nakapaligid na halaman at bulaklak. May iba't ibang nilalang na nakapaligid sa kanya. Dumako ang paningin ko sa babaeng nakahiga sa gitna at nakasuot ng magarang puting bestida that were made of laces. There were gold dusts visible on her cloth. Kumabog ang dibdib ko habang kinikilala ang nakahigang babae. I can feel my knees shake as I come nearer. Parang biglang nanlaki ang ulo ko habang titig na titig sa babae. "Ang Sefira, Zyl..." sambit ni Alvadon. I didn't expect na madadatnan ko siyang ganito. Lying and almost lifeless! Hindi ko mapigil ang mapaiyak. Damn it! Nanlalabo ang mga matang kinuha ko ang kamay ni Ayla at pinaloob sa dalawa kong palad. "Oh, Babe!" "Limang taon na siyang ganyan, Zyl. Nang mawalan ng hininga ang Sefira sa mundo n'yo ay nanghina ang mga Orsia. Nakiusap ako sa kanyang ina na dadalhin namin dito sa aming mundo ang Sefira at natuklasan naming katawan lang niya ang namatay. Hindi ang isip niya at hindi nawala ang kapangyarihan niya." That explains kung bakit biglang naglaho ang katawan ni Ayla. "Bakit hindi ninyo agad sinabi sa akin? Bakit kailangang tumagal pa ng limang taon para sabihin ninyo ang kalagayan niya? I should have known earlier!" "Patawad. Nag-alangan ako dahil na rin sa anak mo. Alam kong hindi kita mapipigilang hindi ipagkita ang anak mo sa kaniyang ina ngunit, Zyl... sana sa ikalawang pagkakataon ay paniwalaan mo ako sa sasabihin ko. Kapakanan ng Sefira at ng anak mo ang iniisip ng Orsiana." "Don't make me choose, Alvadon dahil wala akong isusuko sa mag-ina ko! If I need to breathe life back into her ay gagawin ko!" Napayuko si Alvadon. "Kung ganoon walang magagawa ang Orsiana, Zyl. Makakaasa kang walang isa sa amin ang gagalaw o mananakit sa anak mo pero wala kaming magagawa para proteksyunan siya." "Ano ang ibig mong sabihin? Hindi n'yo ba kayang proteksyunan ang anak ko gaya ng pagpo-protekta n'yo sa ina niya?" "Zyl..." "I get it. I can protect my daughter by myself anyway. I don't need you or any of you!" maanghang kong sabi. "Alam ko at sa nakalipas na limang taon, hindi lang ikaw ang nagpoprotekta sa kanya. Pinoprotektahan din siya ng Sefira." Napakunot ang noo ko sa pagtataka at sumulyap sa mukha ni Ayla. God! Bakit sa ganitong sitwasyon kita makikitang muli Ayla? "Pinili ng Sefira ang ganyang kalagayan para sa kapakanan ng anak ninyo, Zyl. Pinipigil ng Sefira ang kasamaang nakatago sa puso ng anak mo. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya para hindi maganap ang mga dapat ay naganap na." "Ano ang ibig mong sabihin?" "Sa mga oras na ito dapat ay patay ka na. Kahit ang pagiging aswang mo ay hindi maibabalik ang buhay mo." "What?" gulat kong tanong. "Gusto ng anak mong iguhit ka. Pero hindi naganap. Ang kapatid ni Ayla na si JM ay dapat patay na rin ngunit dahil sa kapangyarihan ng Sefira ay napigilan niya ito. Batid mo ang kakayahan ng anak mo, Zyl. Ang sino mang iguguhit niya ay mamatay.” Nanlumo aki sa narinig dahil minsan ko nang napatunayan ang kakaibang kakayahan na iyon ni Zea. “Alam mong hindi madali iyon, Zyl at humahanga ako sa Sefira dahil nagawa niyang isakripisyo ang sarili niya para sa iyo at sa anak mo." "Oh, God!" bulalas ko. Ganon ba kalaki ang kasalanan ko para parusahan mo ako ng ganito? "Lubhang mapanganib ang anak mo, Zyl at manganganib din ang lahat ng taong makikihalubilo sa kanya. Hindi mo malalaman kung kailan siya magagalit. Hindi mo malalaman kung kailan sasama ang loob niya habang nasa labas siya, malayo sa paningin mo. Tanging ang Sefira lang ang may kapangyarihang makaalam ng mga pwedeng mangyari." “Wala ba kayong alam na lunas para sa anak ko? Paano mawawala ang sumpa sa kaniya, Alvadon?” Marahang umiling si Alvadon na ikinapanlumo ko. “Wala akong alam na paraan, Zyl. Kung mayroon man ay matagal na sana naming natulungan ang anak mo.” Oh! Kung kailangan kong ikulong si Zea sa bahay ay gagawin ko! Kung kailangang walang lapis at papel siyang makita at mahawakan ay gagawin ko! Now, pagkatapos ng lahat ng nalaman ko...hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang takot na pumupuno sa puso ko. Hindi ko matatanggap na magiging halimaw ang anak ko! I will do everything in my power to stop what is suppose to happen! Maging buhay ko man ang kabayaran!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD