Naglakad ako palayo sa kaniya. Hindi na ako bumalik sa theater room dahil baka hilahin lang ulit ako ni Xion. Napagpasyahan kong manatili sa garden nila. Hindi naman na siya sumunod pa kaya napanatag ako. Masyado akong nakukunsumisyon sa kaniya. He ruined my time with Xian. Kung bored siya sa buhay niya ay dapat umalis na lang siya at hindi na ako dinamay pa. Dapat ay tumuloy na lang siya sa pagbisita sa girlfriend niya. Umupo ako sa bakal na duyan. Napakaraming bulaklak dito. Gaya ng mama nila ay mahilig din ako sa pagtatanim ng mga halaman. Nakakatuwa kasi na binuhay mo sila mula sa pagod. Bawi naman ang pagod kapag namulaklak na. Dinuyan ko ang sarili habang nilalaro ang dahon na pinitas ko. Inamoy ko pa iyon dahil amoy mint. Kinanta ko ang pina-practice namin kanina ni Xian. Sig

