CHAPTER 79

1941 Words

"Sumabay na kayo sa aking dalawa pauwi bukas. Malakas ang ulan," saad ni Sebastian bago humigop sa tasa ng kape na hawak niya ngayon. Tinignan ko muna si Leonardo kung payag siya. Kahit mayabang siya at hindi nagpapahalata. Alam kong hindi pa rin kasi siya komportable dito dahil sa mga kasama naming hinuhusgahan siya. "Sasabihin mo na ba sa kanya ngayong gabi? Kasi kung oo, payag ako," hindi nakatinging sagot ni Leonardo sa pagtingin ko sa kanya. Kumuha rin siya ng isang tasa ng kape at humigop. "Ano 'yon?" tanong naman agad ni Sebastian kasabay ng pagtingin sa akin at kay Leonardo. "Tungkol saan ang sinasabi niya? Sa akin ba?" Napakamot na tuloy ako ng ulo. "Ahm, Sebastian, mag-usap tayo sandali sa itaas." Kumunot ang nuo ni Sebastian. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD