"Bawat araw mas lalong nagiging weird si Daddy," hindi ko mapakaling sabi habang lumalakad kami ni Sebastian palabas ng mansion. Sabi ko kanina, hindi kami magkokotse ngayong araw. Kasunod ko siya ngayon na nakapamulsa at kanina pa nakanguso. "Ariel, pwede ko ba 'tong tanggalin na? Please?" Kanina pa siya nagmumuryot dahil sa mga kwintas na pinahiram ni Dice. "Mabigat ba?" nakatawa kong tanong. "Sobra!" "Okay, fine. Hubarin mo na pero!" Hinto ko nang akma niya 'yong iiwan na lang sa daan. "Tumakbo ka doon sa loob tapos kay Dice mo 'yan ibalik. Sa kanya pa rin 'yan. Hindi tamang iiwan mo na lang kung saan." "Pero ang layo na natin." "Nagrereklamo ka ba?" mataray kong tabong kasabay ng paghalukipkip at pagharap sa kanya. "No, ma'am," sagot niya at dali-daling tumakbo. Mahal ko siy

