"Good morning." "Good morning," nakangiti kong bati pabalik at hinalikan niya naman ako sa labi. "Seven na. Bakit hindi ka pa nakagayak?" "Ayokong pumasok ngayong araw. Gusto kong lumabas tayo." "Pero, Seb." Napaupo ako. "'Wag ka nang magreklamo. Ako ang boss. Pake nila kung papasok ako o hindi." "Pagkatapos ng nangyari kagabi, siguradong maraming hahanap sa'yo." "Ako ng bahala do'n," paninigurado niya habang nilalagay ang ilang buhok ko sa likuran ng tainga ko. "Ang isipin mo na lang ay kung saan mo gustong pumunta. Gusto kong bumawi. Hindi ako aalis sa tabi mo buong araw at pwede mo kong utusan ng kahit ano." Napangiti ako sa huling sinabi niya. "Kahit ano?" "Yup." Pagtango-tango niya habang nakangiti. "Una kong utos, bawal kang magreklamo ngayong araw." "Ang bilis mong umisip

