Kanina ko pa tinitignan si Sebastian na hindi makapagreklamo sa suot kong long gown. Tama kayo ng basa, long gown ito pero may punit mula sa itaas ng hita hanggang sa baba. Kaya naiibandera ko ang maputi kong hita na kanina pa tinatakpan ni Sebastian. Tuwing lalakad kami, pagkahintong-pagkahinto ko pa lang ay itatabing niya na ang kalahating tela ng gown ko. Saka siya titingin sa mga lalaki sa paligid kung may nakatingin ba o wala. "Ano?" mataray kong tanong sa kanya nang bumuntong hininga siya patingin sa akin. Hindi siya kumibo. Stress siyang kumuha ng glass wine saka ininom 'yon habang pasimpleng takip nang takip sa hita ko. "Lubayan mo na nga 'yan, Sebastian." "Bakit kasi ganyan 'yang sinuot mo?" pabulong niyang reklamo habang tumitingin sa paligid. "Ano naman? Marami namang na

