"Nilandi niya si Sebastian?" ulit ko, naniningkit pa rin ang mga mata. Huminto ako sa napag-alaman kong bagong building kung saan nagtatrabaho si Cyntia. "Ariel, relax. Walang pipigil sa'yo kaya pigilan mo ang sarili mo," paulit-ulit kong bulong. "Pero nilandi niya si Sebastian ko!" pagdilat kong sigaw habang nakakuyom ang mga palad. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Umayos lang ako noong nasa gawing guard na. Inayos ko ang buhok ko at pa-formal na ngumiti. "Hi," bati ko. "Yes, ma'am?" "Good morning." "Good morning din po. Anong mapaglilingkod ko sa'yo, ma'am?" "I'm looking for Ms. Cyntia.." Napahinto ako at napakagat ng labi habang nag-iisip. Ano na ngang aplido ng ahas na 'yon? May pa I love you I love you, Ma'am Ariel pa siya. "Cyntia," ulit ko sa guard sabay ngiti nang mapa

