"Ilang buwan na ba mula noong napunta ko dito?" Masaya akong sumunod kay Sebastian habang papasok kami sa loob. "Good morning, sir." Huminto ang ilang naglalakad at magalang na yumuko. Hindi sila pinansin ni Sebastian. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating namin ang pinto ng elevator. "Hindi naman ako taong nawala, ah," nagtataka kong bulong sa hangin habang patuloy na tinitignan ang paligid ko. "Kaka-job opening mo lang ba? Ang daming bago," sabi ko habang pumapasok sa loob ng elevator. Wala akong nakikitang kakilala ko. Kahit kaaway ko, wala. Nasa ibang planeta ba kami? Napatingin ako kay Sebastian nang kuhanin niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Sunod-sunod ang naging tunog no'n kaya hindi ko maiwasang tumingkad para makita kung sino 'yon. "Si Vanessa? Hi

