"Hindi ko maintindihan, Cyntia. Bakit niya pa ko pinag-stay dito kung hindi rin ako pwedeng pumasok sa loob?" naguguluhan kong tanong. Rinig mula dito sa labas ang ingay mula sa loob ng general assembly. Gusto kong makinig kaso kahit ipakat ko ang tainga ko sa pinto ay walang klarong salita na lumalabas mula sa loob. Para lang silang mga insekto sa gabi na sobrang iingay talaga. Nawalan na ko ng pag-asa. Hinayaan ko ng hilahin ako ni Cyntia papunta sa canteen at magpalipas ng oras. Hindi rin siya pinasama ni Sebastian. Hindi namin alam kung bakit. Pero sinubukan niyang makapasok kanina sa loob hanggang sa may pinalabas na si Sebastian na dalawang lalaki para bantayan ang pinto. Pinagmasdan ko lamang si Cyntia na pinipilit na mapangiti ako. Nilibre niya pa ko ng softdrinks at tinapay nga

