Nasa screen pa rin ng cellphone ang atensyon ni Sebastian habang dahan-dahang umuupo sa harapan ko. Sumulyap siya at ngumiti. "Sorry, kailangan ko lang talagang sagutin 'yon," sabi niya na tila ba hindi niya pa rin napapansin ang buong paligid namin. "A-ayos lang," alangan kong sagot sabay peke ng ngiti. Ang ingay-ingay na ng lahat pero siya wala pa ring pakialam hanggang ngayon. Ang hinahon niyang kumilos, hindi katulad ko na parang sira na dito na gusto ng umalis kanina pa. Ayoko ng ganitong maraming nakatinging mga mata sa akin. Para kong niluluto sa sobrang init na mantika. "Sebastian," mahina kong tawag sa kanya na nag-aayos ngayon ng napkin sa hita niya. "Psstt! Uy! Seb!" Sinamahan ko na ng pagsipa sa ilalim ng mesa. Sumulyap lang siya at ngumiti na parang nagtataka sa akin. "

