CHAPTER 99

1089 Words

"Pumayag akong dito tayo tumira dahil akala ko magiging ayos ka." Bumuntong hininga ko nang sobrang lakas bago nakabusangot na hinarap si Leonardo. "Gusto mo bang lahat ng umapi sa'yo patulan ni Sebastian? Kapag nakita ka na naman no'n na ganyan. Baka hindi na 'yon makapagpigil. Ikaw na ang nagsabing kilala mo siya," tuloy-tuloy niyang sabi habang nauupo sa tabi ko. Niyakap niya ko at dumukdok naman ako sa dibdib niya. "Baby, alam kong nahihirapan ka ngayon dahil natatakot ka at naalala mo ang nakaraan mo na mag-isa ka. Pero isipin mo rin na hindi ka na nag-iisa ngayon, nandito ako at may Sebastian ka pa. Kami ang bahala sa'yo." "Bakit kasi gano'n, dy?" Ngumuso ako at umayos ng upo. "Bakit kailangan nilang gawin 'yon? Bakit kailangan nilang sirain 'yung isa sa pinaka naging masayang ara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD