Noong bata pa man ako, lagi ng ganito ang nangyayari sa akin. Sa batang edad, iniwan ako ni Mom na nag-iisa. Tanging bahay, damit at ilang alahas lang ang iniwan niya sa akin na ibinenta ko agad para magkapera. Kailangan kong maging matatag dahil ayokong humingi ng tulong sa ibang tao. Ayokong mapunta sa bahay ampunan at lalong-lalo na ay ayokong gamitin lang ako ng ibang tao sa paligid. Maraming nag-aalok no'n sa akin na sumama sa ilang gimik, dahil sa ganda ko raw na 'to, kahit kumatok lang ako sa pinto at hindi mamalimos o mag-abot ng mga pekeng sobre ay mabibigyan agad ako ng pera. Ayoko ng gano'n. Kinaya kong mag-isa kahit sa murang edad. Kumuha ko ng ilang mga part time jobs, sinubukan ko ring mag-take ng mga exams para sa iba't ibang schools para makapag-aral ako ng libre, pumaso

