Halos himatayin na ako sa reply niya kung hindi niya lang sana iyon sinundan.
Sorry. Wrong send.
Then reality hits me.. so damn hard. Sa estado pa lang ng buhay namin siguradong hindi kami pwede. Langit siya at ako naman ay lupa. After so much thought, I have decided na hindi ko na siya kakausapin kahit na makita ko pa siya ulit sa campus.
The days went on so fast at ngayon first day of classes na. I have never heard from him again after nung last text niya. Orientation ng mga freshmen at may pagpupulong sa gymnasium. Lahat ng freshmen ng engineering ang nauna. Doon ako nagtungo at pumunta sa hanay ng mga civil engineering. Nakita ko ulit siya, ang angel na nagsave sa akin noong entrance exams.
“Hello! Civil engineering ka din pala?”
Masaya niyang bati sa akin.
“Hello din. Oo. Thank you nga pala sa paper.”
We shortly exchange names kasi magstart na ang program at bawal na ang maingay. Her name’s Katrina Tan. The program started with an opening prayer, then the Dean, Engr. Florante Dizon, gave his welcome remarks.
After that a tall, lean guy whom I know very much, was called in front. He’s the one who topped the entrance exam! Hindi na ako nagtaka na magta top si Angel Troy De Villa. Palagi ko itong nakakakompetensiya noong high school lalo na sa mga Science and Math Quiz bee. Halimaw ito pagdating sa Academics. Akala ko ba e mag me medical school siya or law. Bakit naman siya nag civil?
“Good morning fellow engineering students!” His eyes wandered the room and when his gaze met mine he smirked. Niyabangan pa ako. I just gave him a nod. He continued his speech which is a motivational one. Hindi ka magsisising engineering ang kinuha mo kind of speech.
After that speech he head off the stage ngunit lumiko siya ng daan at tinahak ang espasyo patungo sa amin. Sa harapan ko ay huminto siya which makes everyone in the hall in awe. I heard someone gasp in front of me. Somebody whispered murmurs while he seem unbothered.
Hindi lang mga freshmen ang nasa loob meron din kasing mga athletes na nagaayos ng mga gamit sa gilid.
“I’m glad to see you here, Jade”, he whispered.in my ears.
“Yeah, me, too” I whispered back. He just pat my head in return.
He smiled widely before leaving his spot. Hindi naman siya ganon nung high school sila, ni hindi ako nito matapunan ng tingin. Bilang lang sa daliri ang naging pag uusap namin noon kaya bakit feeling close ito ngayon?
“Boyfriend mo ba siya?”, basag ni Katrina sa pagiisip ko
“Huh, hindi no!”, tanggi ko agad sa akusa ng babae.
“So sino? Yun bang kausap mo nung nakaraan sa may pathway?”
Ang tsismosa naman nito. Sino ba yung tinutukoy niya? Si Mike?
“Nakita mo pala ‘yon? Wala lang yun. Some random guy. May nagpahingi sa kanya ng number ko.”
“E bakit hindi na lng mismo yung nanghingi ang kumuha ng number mo?”
“Ewan ko rin?”
“Naku, may gusto ‘yon sa’yo!”
“Quiet please!” sabi ng isang babae sa katabing hanay.
Napatingin ako doon at napansin ang isang pamilyar na anyo. Si Mike iyon na nakasout ng jersey, his hair is wet from the sweat dahil sa pagpractice. He look mad kasi hindi siya nakikinig kahit kinakausap siya ng kasama. Kanina pa ba siya doon? Nang makita niyang nakatingin sa kanya ay iniwas ko na lang ang tingin ko. Hindi ko nga pala dapat siya papansinin ngayon.
After the orientation ay pumunta na kami sa civil engineering department upang kumuha ng class schedule at swerte ko nga naman kasi pareho kami ng Section ni Kat. Section 1-B. I was taking a photo of the schedule when someone passed by me. That perfume! Sure ako na siya ‘yon kaya niyaya ko na agad umalis si Kat. Hindi ko tuloy nacapture ng maayos ung schedule. Magpapasend na lang ako kay Kat.
“Isend ko na lang sa messenger”, sabi niya sa akin. Hindi pa naman ako masyadong nagfe f*******:. Pero binigay ko na lang din ang aking username sa kanya.
Pagkauwi ko ay doon na lang ako nag log-in upang malaman kung anong sched ko bukas. Pag open ko ng f*******: ay tumambad sa akin ang isang page kung saan naka tag ako. Picture iyon namin ni Angel after ng speech niya. There’s nothing wrong in the photo. It was just Angel smiling at me. I didn’t mind checking the comments kasi need ko lang talaga ng schedule.I downloaded the file sent ni Katrina at i la log out ko na sana pero may notif sa aking friend request. It was Mike and he’s smiling from ear to ear pero what caught my eye ay yong katabi niyang... babae. He has a girlfriend?
I stalked his account pero naka lock ang profile niya! Should I accept him first? Sunod sunod naman na tumunog ang cellphone ko dahil sa notifications. Mike Medina liked your profile picture. It was my first profile picture at nakawacky pa ako doon. OMG. Akala ko ba naka only me lang 'yon? Another notifications from my messenger. Mike Medina wants to send you a message.
Mike: Hi!
I just ignored it and also ignored his friend request.
Another notification ang nareceive ko this time at 'yon ay text message naman na galing din sa kanya.
Mike: Hindi mo ako pinansin kanina :(
Kelan ba niya ako lulubayan? I ignored everything. May gf siya tapos ganon niya ako tratuhin? Red flag.