Chapter Nine

1341 Words
Tuwing Tuesday 10:30 am pa ang start ng klase ko ngunit maaga na akong pumasok sa school para di hassle. Nagtungo na lamang ako sa upang doon tumambay. Mamaya pa dw papasok si Katrina ayon sa chat niya kanina. There were lots of students in the library punuan na halos ang upuan ang tanging natitirang pwesto na lang ay sa table malapit sa bintana. May gamit doon ibig sabihin ay may tao nang nakaupo pero bakante ang kaharap nito. Bahala na. Makikishare na lang ako. Binuklat ko ang dalang libro na nilibre sa akin ni Mike at nagstart na magsolve ng problems doon. Nakakatatlong problems na ako sa algebra nang maramdaman ko ang presensya ng may ari ng laptop na kaharap ko. “Makikishare po ng – ” hindi ko natuloy ang sa sasabihin dahil nakilala ko ang lalaking kaharap. Si Mike ‘yon. ISinarado ko ang aklat at akmang aalis na pero pinigilan niya ako. “You can share with me. Don’t worry. I won’t bother you”, matabang niyang sabi. Bumalik na lang din ako sa upuan kasi napansin kong umuulan sa labas. Kitang kita kasi ang labas sa window katabi ng table ngunit hindi nakikita sa labas ang mga tao sa loob. I just continued solving my problems at miminsa’y pasimpleng sinusulyapan siya. He has glasses on at naka polo long sleeves siya ngayon. He looked so formal. Sa university kasi naming ay MWF lang ang uniform. I was so drowned in solving problems at hindi ko na namalayan na umalis siya. Pagbalik niya ay may dala siyang take out coffee at tinapay. Inilapag niya ‘yon sa table at binigyan ako. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat. “Iniiwasan mo ba ako?”, tanong niya. Nilagok ko muna ang kape bago nagsalita. “Hindi naman sa ganon. Ano lang, baka kasi magalit ang..girlfriend mo?” Napaisip siya sa sinabi ko. “Bakit ka naman magagalit?” “Huh?” medyo naguguluhan kong tanong. “Wala akong girlfriend”, ika niya sabay gulo ng buhok ko. Two-timer pa ata ito. Kitang kita ko naman sa dp niya sa sss yong babae e. I just rolled my eyes at the idea na babaero siya. “Kapatid ko ‘yon”, na parang nababasa niya yung laman ng utak ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin niya ‘yon kahit di ko naman tinatanong. “Sino?”, pagkukunwaring di ko alam ang tinutukoy niya. “sss profile picture. She’s my older sister. Accept mo na ako?” he’s talking about his request. “Depende”, pagpapakipot ko pagkakita ko ng oras e 10:20am na pala. Umuulan pa rin sa labas pero mahina na. Niligpit ko na ang gamit ko siya nama’y ganun din ang ginawa. “Una na ako” pagpaalam ko sa kanya at nauna nang lumabas ng library. Hindi pa siya tapos magligpit ng laptop non ngunit nahabol niya pa rin ako. Paano ba naman, biglang lumakas ulit ang ulan. Nagbukas siya ng payong at niyaya niya ako. “Papunta akong engineering building. If you want..ihatid kita” Sasagot na sana ako nang may pumagitna sa aming dalawa. “Sa’kin ka na lang sumabay, Jade. Malelate na tayo, halika na.” at hinila na ako ni Angel. Hindi ko na nakita ang reaction ni Mike. Matalino sana si Angel e kaso parang bagsak sa GMRC? Pero nagpapasalamat na rin ako dahil pinasukob niya pa rin ako. Naging kasection ko rin pala siya kaya same kami ng schedule. Ewan ko ba dito kung bakit nalipat mula sa Section A. Halos lahat kasi ng teachers ng subject sa section na ‘yon ay mga expert na at talagang magagaling magturo. Napansin siguro niyang nababasa ang balikat ko kaya naman ay tinabunan niya iyon gamit ang braso niya. Parang niyayakap na tuloy niya ako ngayon. Hindi ko alintana ang lamig ng panahon dahil sa init na binigay ng katawan niya. He looked happy nang tingnan ko siya like he won a lotto sa saya. Nabasa na pala ‘yong shoes ko at napasukan na ng tubig ulan. Tinanggal ko na lang ang medyas pagkadating sa room naming. Di naman maalis ang ngiti sa mukha ni Katrina, at inasar asar ako kay Angel hanggang dumating na ‘yong teacher namin. Engr. Beth Tamayo, is our algebra teacher. Kakapasa niya lang nang board exams ngunit pinili niya agad ang magturo dito sa university. Nagpapasa lang siya ng class cards with our names and other things listed on her format. She briefly discussed the overview of the subject course and dismissed us early. Ganon din sa mga sumunod na subject. Ngayong araw nga pala we have class up to 7:30 pm. Hindi ko pa alam ang sasakyan ko pauwi kaya isa pang isipin yon habang nasa Trigonometry Class. Compared sa mga naunang subject, dito nagdiscuss agad ng unang topic! Si Katrina ay malapit lang sa school kaya naman wala nang hassle sa kanya. Nakiusap ako na baka pwede makitulog sa kanila ngayong gabi dahil paniguradong wala na akong masasakyan. Pumayag naman siya. Nasa kalagitnaan ng break naming sa subject nang may mareceive akong text message. Mike: “I’ll wait for you outside.” Pano niya nalaman na nasa school pa ako? Me: Why? Him: May nakalimutan akong sabihin Me: Ok. 7:30 p.m. pa labasan namin. Him: Yeah. I know and I’ll wait. Binanggit ko ang naging usap naming ni Mike kay Katrina at sinabi niyang sasamahan dw niya ako. Wag daw ako basta basta magtitiwala sa mga lalaki sa university. “Mukha naman siyang mabait at matino” pagtatanggol ko sa kanya. Papunta na kami sa labas ng gate. “Hindi mo pa siya gaanong kakilala, bes”. Oo. Bes na ang tawagan naming mula pa kahapon kami na lagi ang magkasama. Nakita ko si Mike na nakasandal sa may kotse niya at nakapamulsa ito at mukhang bored na nagi scroll sa cellphone. “San na Bes yung sinasabi mo?” I minwestra ko ang lalaki sa harap at laking gulat naman niya nang makita si Mike. “Kuya Mike!”, bati niya dito. “Kat kat. May pang gabing klase ka pala?” maang maangan nitong tanong. Malamang alam niya yon kasi nga siguro nakikita niyang kasama ko lagi si Katrina. Magkakilala ba sila? “Bat di moa gad sinabi Bes na si Kuya Mike pala ung kikitain mo?” “Hindi ko rin alam na magkakilala kayo, Bes.” “Siya,. Maiwan ko na kayo, Ihahatid ka na lang dw niya. Bye bye” 3rd year civil engineering student pala si Mike at kaklase nito ang Ate ni Katrina. “Get in”, pinagbuksan niya ulit ako ng car door. Bago niya istart ang kotse ay tinanong ko kung ano ‘yong nakalimutan niyang sabihin. “Nakalimutan ko na e.” Sabay tawa. Nagjojoke ba siya? Nakita niya sigurong medyo naiinis na ako kaya kinuha na lamang niya ang isang paper bag at iniabot sa akin. “Ano to?” “Sa inyo mo na lang buksan.”, banggit niya. Namumula na naman ang pisngi ko sa mga pinagagawa niya ngunit pilit ko ‘yong dinidedma. Tahimik lang ako buong biyahe habang siya naman ay nagpatugtog na lang ng music dahil hindi kinaya ang katahimikan. Passenger Seat ang nakaplay ngayon sa radio. Dahil wala nang sasakyan ay itinuro ko na lang ang daan patungo sa amin. Pagkadating ko sa kama saka ko iniunbox ang laman ng paper bag. It was a pair of white rubber shoes. Did he noticed na nabasa ang rubber shoes ko kaninang suot? A note comes with the box na ngayon ko lang napansin. "Please accept my friend request :(" Yon na rin mismo ang ginawa ko nang gabing iyon. Inaccept ko ang friend request niya. Ngayon naman ang f*******: profile niya ay black and white na picture niya. nakacap siya doon at nakaside view. kitang kita ang tangos ng ilong niya. I messaged him thank you at saka naglogout na nang hindi hinihintay ang reply niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD