Kinabukasan, medyo bumuti na ang pakiramdam ng aking ina ngunit kailangan niya pa ring magpahinga.
Nalate ako ng gising kakaisip kung galit ba sa akin si Mike, or did he just lose his interest in me? Meron ba? He never said anything about his feelings but his actions are telling me so. Hindi naman siguro ako delulu.
I hurriedly prepare myself at magcocommute pa ako papuntang store. Pag sinuswerte ka nga naman ay punuan halos lahat ng tricycle. Mga 8:30 na nang makarating ako sa tindahan. Naabutan ko si Aling Maria ang tao sa kahera. Lagot.
"Bakit ka naman nalate? Alam mo namang ikaw ang papalit sa nanay mo. Tingnan mo o, ako na gumagawa ng trabaho niyo."
"Pasensya na po. Di po mauulit"
"Anong pasensya? Ikakaltas ko yan sa sweldo ng nanay mo. Halika na rito bago pa tuluyang mag init ang ulo ko sa'yo"
Tinungo ko na lang ang cashier area. Wala naman masyado pang bumibili eh pero nagagalit na siya ng wagas. Kunsabagay, kasalanan ko naman talaga kung bakit ako na late. Kasalanan ni Mike. Hmp.
Nagpakabusy na lang ako buong umaga sa pagtitinda. Kapag walang costumer ay nagtitingin ako ng mga items na malapit na magexpire o kaya ay expired na.
Hindi pa rin ako tinetext ni Mike hanggang ngayon at kumurot iyon ng konti sa puso ko. May nagawa ba akong mali?
After lunch, laking gulat ko nang makita si Mike sa tindahan, may nakahawak sa kanyang brasong isang magandang babae. Light brown ang kanyang mahaba ngunit wavy na buhok, her almond eyes were brown at maputi ang kutis. Hindi ako napansin ni Mike dahil kaagad silang dumiretso sa snacks isle.
Kaya siguro hindi siya nagtetext kasi busy siya don sa babae niya. I admit I was hurt seeing him with another woman. Pero sino ba naman ako para magselos? I composed myself.
Kita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya ako ngunit hindi niya ipinahalata iyon sa kasama. So, ayaw niya siguro akong makilala ng babae?
I scanned all the items, mostly snacks yon at drinks, may alak ding kasama.
"One thousand five hundred three pesos po lahat Ma'am"
"Do you accept cards?"
"Hindi po e"
"Mikeeey, pahiram muna ako ng 2k?"
Hindi nagsasalitang kumuha ng cash sa wallet si Mike at iniabot iyon sa babae.
"Thank you", she said sweetly.
"Here. Keep the change. You look familiar? Are you ---
"Soph. Let's go.", he said interrupting our supposed to be conversation.
"Thank you po pero bawal po kasi kami tumanggap ng tip." i said apologetically at iniabot sa kanya ang sukli at ang pinamili niya. Si Mike ang kumuha non sa akin. Hindi ko na lang siya tiningnan upang di niya mabasa ang mata ko. I busied myself looking at my phone para di ko na sila makita. Nang maramdamang nakaalis na ay saka bumagsak ang aking balikat.
Maybe he was just really a gentleman, nilalagyan ko lang ng meaning ang actions niya sa akin kasi ngayon ko lang naranasang matreat ng ganon ng opposite gender. Never pa ako nagkaroon ng kaibigang lalaki nong high school. Scratch that. Wala nga akong kaibigan noon kasi puro pag aaral lang ang inaatupag ko kesa makipagkaibigan. This is everything new to me.
Pinagpatuloy ko na lang ang maghapon sa pagpapakabusy sa tindahan para makalimutan ang nakita ko kanina.
7 pm na nang magclose ang tindahan, marami kasing bumibili kapag pagabi na. Mahihirapan na naman ako makasakay nito.
Paglabas ko ng tindahan isang familiar na anyo ang tumambad sa akin nakasandal sa kanyang black na convertible. He blocks my way nang lumapit ako ang noo'y nakakunot na parang nagtatanong.
"Why didn't you tell me na hindi ka pumasok? I looked for you only to find out the information from your friend." si Angel ang tinutukoy niya.
"Akala ko galit ka sa'kin kagabi kaya hindi ko na nabanggit."
Bigla namang umaliwalas ang mukha niya pagkabanggit ko non.
"Sorry. Bigla akong nawala sa mood kaya hindi ako makapagreply ng maayos."
"Okay. Una na ako, baka wala na akong masakyan e." I walk past him but he was quick to grab my hand.
I turned to him, ako naman ang wala sa mood ngayon. Actually kanina pa.
"Ihahatid na kita", he insist.
"No. Thank you" Pinilit kong kumawala sa kapit niya ngunit mas malakas siya kaya I just give up.
"Please, Austine. Let me take you home. It's getting late, baka mapahamak ka sa daan."
There he goes again making my heart skip a beat. Wag kang delulu, Jade. He clearly has another woman. He's just friendly. Too friendly.
"Fine"
Hindi ako nagsasalita sa biyahe, I was still pissed and didn't bother looking at him or answering any small talk na ginagawa niya. Kaya siguro inistop niya saglit ang kotse.
"Were you always working during this day?", he asked looking at me wanting my full attention.
"Humalili lang ako kay Nanay kasi may sakit siya."
"Were you close?"
"Oo naman. Siya na lang meron ako."
"No, I meant Angel. He seems to know your reason and I don't"
Was he jealous? Kaya ba ganon niya ako tratuhin sa text kagabi?
"Why? Are you jealous?", natatawa kong biro ko sa kanya. As if naman magseselos yun Jade e may Soph nga siya di ba?
"What if I am?"
Hindi ba ako nabibingi? I suddenly didn't know how and what to respond. Naguunahan pa ang pagtibok ng puso ko kaya hindi na rin ako makapagsalita. He restarted the engine and continued to drive. He didn't need my response like he just wanted me to know that he is really jealous. I just pretended I didn't hear it.
He never forget to open the car door for me. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng gate ng bahay.
"Salamat sa paghatid" I mean it.
He just nod in response. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita kaya natigilan ako.
"I miss you."