Chapter 1

1280 Words
"What do you mean wala si Kat?!", I asked my assistant. "Paano na ako dito?" "Ma'am pinalitan daw po e. M-may makakasama naman daw po kayo dyan. A-" I ended the call. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, di ko na sana tinanggap yung offer. *Pop 1 new message From: Joy Ma'am papunta na raw po yung pinadala ng boss na makakatulong niyo. Pasensya na po. Wala po kasing signal kahapon samin 😢. ******** To: Joy It's fine. ********** Magchecheck in na ako sa hotel nang maaalala ko yung makakasama ko. Hay. Bahala na. "Hello ma'am. How may I help you?", tanong ng babae sa front desk. "A have a reservation. Here" at inabot ang papel. "This is your room key 😊. Enjoy your stay." " Thank you" ROOM 4B I entered the room and humiga agad sa bed dahil sobrang pagod ng biyahe. Halos 9 hours din kung tutuusin. Idagdag mo pa yung stress ko dahil wala si Kat. It's not that I can't work alone. Mas gusto ko lang siyang kasama. I think I need to rest. Papikit na ang mga mata ko nang may biglang kumatok. Room Service? I lazily walk to the door and to my surprise, isang lalaki ang tumambad sa harap ko. Shit. Of all people, why him? Why Shaun Mike Lim? My one and only …ex-boyfriend. "Uh. .. Hi 😊", bati niya. Ngumiti pa ang loko. Awkward. "Yes? I didn't know na dito ka pala nagtatrabaho?", bati ko naman na parang walang nangyari. "Uh. Hehe. Actually.." He raised his key. RM 4B. "What?! No way. Baka nagkamali lang. This is 'my' room. ", Fvck. Tell me I'm wrong. "I think. It's 'our' room", he said pagtapos ay nilampasan ako at nagdiretso na sa loob. No. Hindi to maaari! Hinila ko siya sa shirt niya palabas. " Ano ba?", naiinis na tanong niya. "Let's talk to the manager. Baka nagkamali lang." I convinced him na sumama papuntang lobby. Sumunod naman siya. Thank God. "Ang room niyo po talaga ang nireserve ng company niyo ma'am." "Yes po. I know. But he's not with me.", sabi ko pa. " Well, after checking po, there is nothing wrong with our system. 2 po kayong nakareserve. Pwede niyo po icheck sa inyong company to be sure." Siya ba ang pinadala ng company? No way! "Haha. I think I want another room.", I said. Yung lalaki naman parang wala lang sa kanya at puro pagcellphone ang inaatupag. "Sorry ma'am but we're already fully booked. Summer season po kase." "Oh-Okay. Sorry po sa abala. I didn't know na siya pala yung kasama ko." "It's okay. Nangyayari talaga yan. Enjoy your stay" I can't. Nginitian ko na lang siya. Pero peke yun. I think I need to find another hotel. Naglakad na ako pabalik sa room at inayos ang mga gamit ko. "Where are you going?", tanong niya "Sa lugar kung saan wala ka." "Don't be a fool, Austine. Alam mong wala kang ibang mapupuntahan dito. Kung ito nga e fully booked na. Sa iba pa kaya?" "Who said I'd go to another hotel? I'd rather go home than be stuck with you here." Just like that. I stormed out the hotel. I won't go home. I'll find another hotel or whatever. *After nth tries* "Akala ko ba uuwi ka na?" "Ikaw na lang kaya umuwi?", pagsusungit ko. Hayaan mo na, Austine. Ilang araw lang naman. Tsaka professionalism tawag dito. Ano baga naman yun kung makasama mo sa isang room yung ex mo di ba? Wala yun. I want to go home! Fck work. **** "Ikaw na lang kaya umuwi?", pagsusungit ko. " Kailangan ako dito. Besides, trabaho lang 'to. Di ko rin ito inaasahan.", sabi niya. Pumasok na ako sa loob. Di inaasahan. Pwe! Kainis. Okay lang sana kung babae ang makakasama ko e. Tatamaan talaga sa'kin si Kat pag uwi ko! Di ko na siya pinansin at nagsimulang mag ayos ng gamit ko. Lipas 8 na ng gabi at pagod na rin ako. Gusto ko na sanang magpahinga kaso di pa ako kumakain at isa pa ay yung tutulugan ko. "Kain na. Umorder ako", siya dala dala ang 2 tray ng pagkain. " No thanks. Oorder na lang din ako" "Dami ko pa namang inorder. Para sa'tin talaga 'to e. Sige. Bahala ka. Iisipin ko na lang na affected ka pa rin sa'kin 😊", banat niya Kinain ko ang sinabi ko at ibinaba na lang ang aking pride. Isipin pa nitong mokong na'to na may nararamdaman pa ako sa kanya. Oo, meron--inis! Tinapos ko agad ang pagkain at nagpuntang terrace. Maganda yung napili kong room lalo na yung glass wall sa gilid kung saan matatanaw mo ang dagat. Nasa isla nga pala kami. May project kasi ang company namin dito. Anyways, ang ganda ng view! Ang sarap ng hangin. Maganda na sana, kung hindi lang siya dumating. Bakit ba kami nagkita uli at sa ganitomg pagkakataon pa? " Ehem"-siya Di ko napansin ang paglapit niya. "Kumusta ka na?", tanong niya. " Ayos lang, hanggang kanina. Ikaw?" "Okay lang din 😊", tugon niya. Mukha namang okay talaga siya. Hanggang ngayon di ko pa rin kabisado kung nagsasabi siya ng totoo o ano. " Pasok na'ko ", paalam ko. Hindi naman sa umiiwas ako kundi inaantok na rin ako. May work pa bukas. Sumunod naman ang loko. "Pano ang setup ng pagtulog natin?", tanong ko. Hindi niya ako sinagot at basta na lang nahiga sa kama. Great! " Ah basta dito ako!"-siya habang feel na feel yung kama. Boset. E di sa sofa na lang ako. Di naman sa maliit yung kama. Pang dalwahan nga e. Ayoko lang madikit sa balat niya. Kinuha ko na laang yung kumot at unan na para sakin, naglinis ng katawan at tumulog sa sofa. Di naman sa sinasabi kong hindi siya gentleman pero ganun na nga. *Pop* 1 message received Merong nagtext sakin kaya lang wala na akong lakas para tingnan pa yun. *****KINABUKASAN***** Maaga akong nagising, hindi ramdam ang sakit ng katawan sa pagtulog sa maikling sofa. Wait. Bakit ako nandito sa kama? *snore* Sarap ng tulog ng damuho naghihilik pa kahit hindi siya magkasya sa sofa. Ang amo ng mukha niya pag tulog. Natapos ang pagtitig ko sa kanya ng bigla siyang bumaling ng pwesto. Hmp. Madamot Chineck ko na lang ang nakalimutang message na natanggap ko kagabi From: Angel Kumusta ang Palawan? Miss na kita :( *** To: Angel Okay lang-- Sana. Di ko ikaw namiss 😋 ***** Naligo na ako at nagbihis. Kakain pa lang sana ako ng breakfast nang "Good morning!", siya na kagigising lang. Walang pinagbago. Hayst " Morning. Una na ko magbreakfast?", paalam ko. "Pahintay naman. Saglit lang", pakiusap niya. Bat ako maghihintay? Ay oo nga pala, kasama ko pala siya. " Gutom na 'ko e. Una na ako. Hintayin ta na lang sa ibaba.", sabi ko sabay labas ng pinto. 7:30 A.M. Tapos na akong kumain at lahat wala pa rin yung lalaking sabi ay saglit lang. Mauuna na sana ako nang makita ko siyang papalapit. Nakangiti pa ang loko. Kanina pa ako naghihintay. "Halika na", sabi ko. " Sorry kung natagalan. Pwede bang kumain muna? " "Di ka pa kumakain?! Male late na tayo." "Sige. Dun na lang pala." Ewan ko. Nakakainis. Di ko alam kung maaawa ako o ano. Hayst. Malelate na kasi kami sa pupuntahan namin. Opening kasi yun ng isang hotel na project namin dito sa palawan. Merong ribbon cutting na magaganap at kailangan naming umattend. Pero iba pa yun sa ibang projects dito na kailangan naming puntahan. Good thing meron akong sandwich na nabili kanina. "O. Walang lason yan." Inabot ko sa kanya yun. At nauna na sa passenger seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD