Paglabas ko ng CR, nadatnan ko na lang na nakahiga na siya sa sofa. Ang kanyang noo’y nakakunot ngunit di man lang nabawasan non ang kagandahan ng mukha niya. Nakaramdam naman ako ng kaunting guilt kasi nagtitiis siya matulog doon kahit na mahirap.
Nakahanda na ako matulog nang biglang nagvibrate ang phone ko.
Angel:
I can’t wait to see you. I miss you everyday.
Nakatulugan ko na ang pagreply at hindi ko na rin alam kung ano isasagot. Naguguluhan na ako sa sarili ko.
Kinabukasan.
Mas maaga siyang nagising kumpara sa akin. Malamang, baka nga hindi pa siya nakatulog sa lagay niya kagabi. Nakaligo na rin ang mokong. Napaiwas ako ng tingin kasi topless siya at basa pa ang buhok. Damn.
“Good morning”, bati niya sakin.
“Morning” sabi ko nang hindi nakatingin. I can hear his small laughs faintly. I just shrugged it off and make myself into the shower. Ang init dito sa Palawan!
Akala ko ay mauuna na siya pero nasa sofa pa rin siya ngayon. I just wear my flared highwaist pants and a long sleeved buttondown top na kulay black na iniwang hindi nakasara ang 3 buttons sa itaas. Pinartneran ko na lang ng layered necklace para hindi masyadong flashy.
Malay ko ba na magba black din siya ngayon. He looks so dreamy lalo na at nakatupi iyon, kitang kita ang maselan niyang braso. He looks so tall in his gray slacks, too.
“Let’s go?”, aya niya. Nang palabas na siya ay iginaya ni Mike ang daan nakahawak sa likod niya. Tinapik naman niya iyon. One touch brings her back so much memories of the past she thought she had long forgotten. But, now she realized na hindi pa pala.
Sa labas na sila nagbreakfast kasama ang kameeting nilang investors para sa ipapatayong water supply project dito sa isla. Unfortunately, hindi nakarating ang mismong kausap namin bagkus ay anak niya ang kanyang pinadala.
“I’m Ana Smith”, pakilala niya at saka inilahad sa amin ang kanyang kamay. Kinuha ko iyon at nakipaghandshake. Hindi naman tumamas sa paningin ko ang paghaplos niya sa kamay ni Mike at natagalan pa silang magkawahak kamay. Ang harot? Sabi ko na lang sa isip ko.
Ang father niya ang isa sa major foreign investors ng project namin dito sa Palawan, kaya kailangan maging mabait ako sa kanya. No doubt, she’s beautiful having foreign blood and all. She’s wearing a mini skirt and a tube top which compliments her fair skin. I know na this is important to the company, ang mapa oo si Ana.
But i don’t like the way she’s clinging to Mike. She laughs kahit wala namang nakakatawa at saka panay ang haplos niya sa braso at hita ng lalaking. Enjoy na enjoy naman siguro tong hayop na to. Pero dapat ko sigurong ipagpasalamag din iyon kasi kaagad siyang umoo sa project ni hindi pa kami nagpepresent. “I have already looked up the documents you’ve sent us. I don’t think my father would not love to invest on this, Mike”
Nang matapos ang meeting ay nakipaghandshake ulit siya sakin at hindi ko inexpect na ikikiss niya si Mike sa cheeks. Nginitian ito ni Mike na lalaong nagpasama ng mood ko.
Pagkaalis na pagkaalis ni Ana ay umalis na din ako at iniwan siya dun. Kaagad naman siyang sumunod. Di ko alam kung saan ako pupunta kasi maghapon sana itong meeting namin kaya lang nagmamadali din si Ana. Napagpasyahan kong pumunta na lang sa beach at magmuni muni kaso may sumusunod sakin parang aso. Bat di na lang siya sumama sa Ana na yon?
May nagtitina ng souvenirs sa b****a ng beach. Mayroong key chain, kwintas, anklet at iba pa. Makabili nga nito pampasalubong.
“Magkano ho dito?” Nauna pa talaga siya magtanong. Itinuro niya yung braceletna gawa sa seashells.
“50 na lang iho. Para sa girlfriend mo ba ito?”, tukso ni aleng tindera.
“Opo”, walang pag aalinlangan niyang tanong. Nakangiti pa siya nung binanggit niya iyon parang inaalala ang gf niya. Pagkasabi niya non ay parang may konting kumirot sa puso ko.
So, may jowa na pala siya? Hindi ko na rin naisip na itanong sa kanya yon kasi para saan pa.
“Ikaw, Iha anong sa’yo?”
“Ahm, ito na lang po siguro”, turo ko sa hairclip na pink na bulaklak.
Hindi naman maipinta ‘yong mukha kong nagtungo sa dalampasigan. Ang sarap uminom ngayon. Tatlong araw na lng naman ang titiisin ko. Kakayanin ko ba?
Nasa likuran ko pala siya hanggang ngayon? Bigla siyang lumapit sakin at kinuha ang kamay ko. Labis ko namang ikinagulat ang paglagay niya ng biniling bracelet doon. Parang gusto kong maiyak.
“Piinaglalaruan mo ba ako?”, singhal ko sa kanya.
“Para sa’yo talaga ‘yan”
“E hindi naman ako ang girlfriend mo”
“Ibibili ko na lang siya ng iba”
So meron nga? Muntik pa akong umasa. Kinuha niya ulit ang bracelet sa kamay ko at hinigit niya ng bahagya upang isuot sa kamay ko.
“Bagay sa’yo”