Pinunasan nito ang mga mata niya na hilam ng luha at saka hinalikan siya ng mabilis sa labi. “Happy, happy Birthday, my love, my forever, and my everything.” Naiiling na dumukwang siya palapit rito at saka hinalikan ang binata sa mga labi. “Salamat, Lucius.” After everyone sang happy birthday and she blew out the candles on her cake, they began to enjoy the food and drinks that had been prepared. They laughed and joked, and shared stories of their favorite memories. The day was filled with laughter. Nang matapos ang celebration ay umuwi na ang lahat. Tanging siya at si Lucius na lamang ang nasa condo. Maghahapon na rin kasi at busy pa sina Sandra at Kian habang ang pamilya naman niya ay hindi rin nagtagal dahil nakakahiya naman daw kung magtatagal pa sila. Sinabi na rin niya sa kanil

