Naomi's POV:
Ilang araw na akong dumadalaw kay Trevor pero sa twing dadalaw ako sa kanya ay tulog naman sya kaya hindi nya alam na dumadalaw ako sa kanya.
Kumusta na kaya yun? Sana gising sya pagdalaw ko mamaya. Inayos ko na ang mga gamit ko para hindi ako malate. Dadalawin ko din kasi mamaya si Trevor pagkatapos ng klasi.
Habang nalalakad ako papuntang school ay hindi ko maiwasang mamiss sya. Naalala ko tuloy nong hindi ko pa alam na sya si Ace at ang pagkakilala ko pa sa kanya ay si Trevor.
Tinawag ko pa syang zombie dahil sulpot lang sya ng sulpot kahit saan. Kahit pala ganun sya ay namimiss ko din ang pagkamahangin nya.
Tama din naman sya. May maipagyayabang din naman sya. Napahinto naman ako at napailing. Haist! Ano ba tong pinag-iisip ko? Namimiss ko sya.
"Are you okay?"
"Ay namiss!"
Napatalon nalang ako sa gulat. Ano ba yan! Bakit ba sya nanggugulat? 'Kala ko si Trevor lang ang mahilig manggulat.
"Sinong namiss mo?"
Nakangiti nyang tanong. Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kanya na iba ang namiss ko at hindi sya. Pero ayoko magsinuwaling sa kanya.
"Namiss ko lang yung b-best friend ko."
"Ahh... Akala ko ako. Hindi pala."
"Sorry."
Napayuko naman ako. Nagi-guilty ako eh. Alam kong na-disappointed sya dahil hindi sya ang namiss ko pero alangan naman sabihin ko sa kanya na sya yung namiss ko kahit hindi naman. Eh di doble nang guilty ko non.
"Ano ka ba. Joke lang. Tara na."
Bakit ba ang bait nya? Kahit naman alam ko na nalungkot sya sa sinagot ko ay dinadaan nalang nya sa biro.
Naglakad na ulit kami ng sabay. Ang tahimik... Hindi ako sanay. Nasanay kasi akong palagi kaming nagkukwentohan at nagtatawanan kapag magkasama kami.
Pero ngayon? Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa amin.
"Si Ace ba ang tinutukoy mong bestfriend mo?"
Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin lang sya ng diretso sa daan. Napakagat labi nalang ako.
"Oo."
Bakit ba ito ang topic namin? Mas lalo tuloy ako nakakaramdam ng pagkailang. Napahawak nalang ako sa laylayan ng uniform ko.
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung awkward na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko mali ito. Nakita ko naman na napatango sya sa sinagot ko.
Tumahimik na din ako ng hindi na sya nagsalita. I really hate this. Hanggang sa nakarating kami ng school ay hindi na sya nagsalita.
Lumipas ang araw at natapos ang klasi namin ng hindi ako pinapansin o kinakausap ni Rome. Galit kaya sya sa akin? O nagtatampo?
Nang uwian ay hindi ko na din sya nakausap dahil nagmamadali syang umalis. Mukhang galit nga sya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
Umuwi ako ng bahay at nahiga sa kama ko. Nakatulala akong nakatingin sa kisame. Ano kayang gagawin ko para hindi na sya magalit sa akin?
Kinuha ko ang phone ko ng magvibrate ito.
From: Tita Divine
Dadalaw ka ba
kay Ace ngayon iha?
Opo tita.
Okay. Bibili
kasi ako ng
gamot nya
ngayon.
Okay tita.
Be right there.
Bumangon na ako at nagpalit ng damit. Dadalawin ko pa pala si Trevor.
Nang papasok ako ng hospital ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Sana naman this time gising na sya. Namiss ko din kasi ang asarin nya ako..
Namiss ko ang pagiging makulit nya. Sana din pumayag na syang magpaopera at gagawin ko lahat para makombinsi sya.
Nakangiti akong pumunta sa harap ng pintuan nya. Napawi ang ngiti ko ng makita kong nakahiga sya pero may kahalikan na babae.
Nang makita nya ako ay agad nyang tinulak ang babae. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko.
Parang tinusok ng maraming karayum ang puso ko at hindi ko inaasahan na tutulo ang mga luha ko dahil lang sa nakita kong may kahalikan syang babae.
Agad kong pinunasan ang luha ko at tumakbo. Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko sya pinansin.
Tumakbo lang ako at marami na din akong nababanggang tao. Humihingi nalang ako ng pasensya at patuloy parin sa pagtakbo habang pinupunasan ko ang mga luha ko na patuloy parin sa pag-agos.
Nakarating ako sa isang mini park na malapit lang sa hospital kong saan ako nanggaling. Wala ng katao-tao dito dahil magdidilim na din.
Lumapit ako sa isang malaking puno at doon umiyak. Bakit ba ako umiiyak? Bakit ko ba nararamdaman ang ganitong sakit? Ayoko nito. Masyadong masakit sa puso.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Kinuha ko ang phone ko ng mag-ring ito.
Trevor Calling...
Binalik ko ito sa sling bag ko ng makita kong sya ang tumatawag. Ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang dahilan kung bakit naradamdaman ko ang ganitong sakit.
Napatingin naman ako sa harap ko ng may naglahad sa akin ng panyo. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi natanggap ang panyo nya.
Umupo naman sya para mapantayan ako at sya na mismo ang nagpunas ng luha ko. Nang wala parin itong tigil ay niyakap nya ako.
Napaiyak nalang ako nang yakapin nya ako. I feel comfortable while hugging him. Pakiramdam ko unan ko sya na pwede kong iyakan.
Ilang minuto din ako bago nahimasmasan. Umalis muna sya at binilhan ako ng tubig. Agad ko namang ininum ang tubig na binigay nya dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko.
Para namang lumipat sa akin ang sakit ng kumag kong bestfriend. Bumahing naman ako sa panyong binigay nya.
"Pahamak na iyak to oh. Sinipon tuloy ako."
Naka-pout kong sabi habang pinupunasan ang ilong ko. Ginulo naman nya ang buhok ko.
"Sino ba naman kasing may sabi na umiyak ka?"
Natatawa nyang tanong kaya napanguso nalang ako.
"Bakit ka nga ba umiyak?"
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Napayuko naman ako. Dapat ba? Haist! Nakakalito. Ano bang sasabihin ko? Hinawakan naman nya ako sa braso at ipinasandal ang ulo ko sa balikat nya.
"Makakagaan sa loob kapag inilabas mo yan. Makikinig ako."
Napabuntong hininga naman ako. Siguro naman gagaan ang loob ko kapag inilabas ko 'to.
Ohoy! Hindi ako natatae ha? Pasentabi sa kumakain. Hehe. Sinasabi ko lang, baka kasi yun ang iniisip nyo no. Hehe nagpapaliwanag lang.
"Bakit ka nga ba umiiyak?"
Pumikit naman ako. Napamulat ako ng wala sa oras ng nakita ko ang mukha ng hayop na si Trevor. Pati ba naman sa pagpikit ko makikita ko pa ang mukha ng damulag na 'yon.
"Hindi ko alam eh. Noong nakita ko si Trevor kanina na may kahalikan ay bigla nalang sumakit dito oh." Tinuro ko naman sa bandang dibdib ko. "Bigla nalang sumakit. May sakit na siguro ako sa puso no?"
Napatawa naman sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? May sakit na nga ako pinagtatawanan pa ako ng mokong na 'to.
"Wala kang sakit. Tatanongin kita." Napatingin naman ako sa kanya at ang seryoso ng mukha nya. "Mahal mo ba sya?"
Bigla namang nagkaroon ng malaking question mark sa ibabaw ng ulo ko. Ano yun? Mahal? Makakain ba yun?
"Nakakain ba yun?"
Napatawa naman sya sa itinanong ko. Baliw sya. Baliw sya.
"Mahal mo sya."
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Anak ng... Mahal ko daw si Trevor? Weeh? Joke ba yun?
"Hindi no. Bestfriend ko lang ang kumag na yun."
"Eh bakit ka umiyak ng nakita mo syang may kahalikan?"
Mas lumaki naman ang question mark sa ibabaw ng ulo ko. Bakit nga ba? Napahiling naman ang ulo ko sa kaliwa. Bakit nga ba ako umiiyak? Nagkibit balikat nalang ako.
"Hindi ko din alam eh."
"Kasi nga mahal mo sya."
"Bakit mo ba yan nasasabi? Ikaw ba ako?"
Natawa naman sya sa sinabi ko. Naiinis na ako ha! Ano bang nakakatawa?
"Hindi. Pero nakikita ko naman sa mga mata mo eh. Hindi mo naman iiyakan yung tao kung hindi mo naman mahal."